Dedecated ko po tong chapter na to kay Shane Oamil Roque.
Sabrina POV
Nag mamadali kaming lumabas ng gate mag aalas singko na pang huling jeep na yong dadaan mamaya. Maulan pa naman ngayon.
"Ano ba yan kung kelan palabas na tayo saka pa bumuhos ng malakas ang ulan" inis na pinunasan ko ng panyo ang basa kong mukha.
" Ay friend nakikidalamhati lang sayo ang panahon tingnan mo yon oh"
Si Tim kasama si Geraldine magkasukob sa iisang payong. Nagka salubong kami ng tingin pareho kaming umiwas.
Ilang araw ko na ding napapansin talagang iniiwasan niya ako madalas na si Geraldine ang lagi niyang kasama.
" Wag mong ipahalatang apektado ka Sab siguradong pag nakita ka ni Geraldine na ganayang nakabusangot ang mukha mo pagtatawanan ka non" ani Abie.
Di ko naman kasi maiwasang di maapektohan grabe apektado din ang negosyo ko ah.
Pero pwera Biro affected talaga ako. Nag tataka nga ako bakit nakakaramdam ako ng sakit at kirot sa bandang dibdib pag ganitong parang balewala na lang ako kay Tim.
"Sabi ko naman kasi sayo ituloy na natin ang plano nating gayumahin yang si Tim eh"
"Tigilan mo nga ako Ador noong huling ginawa natin yan kai Abie pumalpak ka na"
"Ay naku eh kasi naman yong kuya mo bigla na lang sumulpot at inagaw yong baso" naiinis na sabi nito Kay Abie.
" kaya nga tigilan mo ako sa mga gayu gayumang yan"
" Pero iyong sinasabi ko sayo Sab epektibo talaga iyon" pangungulet parin sa akin ni Ador.
"Heh tumigil ka na nga dyan wag mo na akong isama dyan sa kalokohan mo."
Buti na lang andyan na yong jeep saka lang natigil sa kakadaldal si Ador.
Abie POV
Nakababa na kami ng jeep naglalakad na kami pauwi natatawa na lang ako dito sa dalawa hanggang ngayon pinagtatalunan parin nila iyong tungkol sa pang gagayuma.
"Ikaw naman kasi inagawan ka na nga ng hombre di ka pa kumikilos dyan" pa irap na sabi ni Ador kai Sab.
"Di ko siya lalaki saka don siya sa peche peche masaya bat ipagpipilitan mo pa ang bananacue ko." Sagot naman ni Sab halatang napipikon na.
"Pag bigyan mo na kasi Sab di ka titigilan niyang si Ador" pag pa pa gitna ko sa dalawa.
"Hay naku isa ka pa masyado kang nag papaniwala sa baklang yan. May napala ka na diba wala?"
" Sab alam mo naman na kahit anong mangyari di ako titigil hanggat di ako napapansin ni Klien diba."
"Tch sige ikaw na ang martir pero alam mo namang madami kang makakalaban dahil dyan sa
love mo na yan kai Klien diba. Lalong lalo na sa Kuliglig niya."Tama si Sab pero sabi nga nila ni pain no gain. Kaya di ako mawawalan ng pag asa balang araw mapapansin din ako ng pinakamamahal ko.
***
Sabrina POV
Kinakabahan ako andito kame ngayon sa canteen. Mag inside job. Inaabangan namin si Gary ito na daw ang tamang oras sabi ni Ador para sa mission namin ang gayumahin si Gary.
Napilit din ako ng dalawa may magagawa pa ba ako grabe kasi pinupuntahan na lang ako lagi ng dalawang toh sa bahay at alam kong di sila titigil hanggat di ako pumapayag.
BINABASA MO ANG
It's Definitely My Kind Of High School Story (Sabrina)
Novela JuvenilThrowback early 2000s Feel free to read my story Unang story ko po to hopyah like it.. It's Definitely My Kind Of High School Story (Sabrina) High school life, Sino nga ba ang di makakalimut sa buhay high school. Diba wala? Ito yong bidang-bidang u...