Nagsisimula ng lumakas ang buhos ulan ng makalabas si Nikki ng school premices, hanggang ngayon ay wala pa rin ang sundo niya.
"Bakit ba naman kasi ngayon ka pa bumuhos?" Kausap niya sa ulan "Puwede naman sanang mamaya na diba? " Wala pa namang malapit na masisilungan dito kundi sa loob pa ng university.
Kumukuha siya ng kursong accountancy at crash courses naman sa creative writing at photography, minadali pa naman niyang tapusin kanina yung pinagagawang portrate design sa kanila ni Miss Talplacido tapos kamukat mukat niya wala pa yung sundo niya!
Ang sabi ng driver nila kanina ng tawagan niya ito ay aabutin lamang ng tatlompung minuto sa pagawaan ang sasakyan kaya nagpalipas muna siya ng oras sa pagpunta sa library. Ngunit ngayong alas otso na ng gabi, halos isang oras mahigit n siyang naghihintay dito, napagsarhan na nga din siya ng school ay wala pa rin ito.
Lumingon uli siya sa loob ng school, napaka dilim na sa loob. Pinatay na kasi ang mga hallway lights, ang natitira na lamang na ilaw ngayon ay ang mga street lamps. Kahit na mangaligkig siya sa lamig ay hinding hindi siya papasok ulit sa ganyang kadilim na lugar. Wala din naman dumadaan na mga tricyle at jeep dahil gabi na.
Sa kanilang lugar palibhasa ay probinsya pang maituturing, ay maagang nagsasara ang mga tao dito, hindi kagaya sa siyudad na kahit abutin ka pa ng ala una ng madaling araw ay may masasakyan ka pa din.
Naramdaman niyang biglang tumigil ang ulan sa mismong kinatatayuan niya, at bigla pang umihip ang malakas na hangin na nagbigay kilabot sa buong katawan niya, may naramdaman din siya na parang may nakatayo sa kanyang likuran. Unti unti siyang lumingon at nakita ang isang pigura na nakaitim at nakatayo malapit sa kanya na para bang hindi nito alam ang ibig sabihin ng salitang 'space' dahil sa sobrang lapit nito, may hawak din itong puting payong. Naalala tuloy niya ang mga multo sa mga horror movies na napanood na niya na bigla na lang susulpot ang mga ito sa tabi mo at bigla ka na lang papatayin.
Naku po, wag naman sana. Madami pa siyang pangarap at hindi pa niya nagagawa ang mga bagay na nakalista sa bucket list niya. Ayaw pa niyang mamatay. Kelangan niya pang makapagtapos!
Nilingon niya ulit ito, pero hindi pa rin ito naglalaho, Pero sa pagkakataong ito ay hindi niya nagawang ilayo ang tingin dito. Parang bigla siyang kinabahan, At bumilis ang tibok ng puso niya.
'Baka naman nga kasi multo ung nakikita mo, kaya ka kinakabahan' sabing isang bahagi ng isip niya.
'Lukaret! Walang multo na ganyan ka pogi!' sabi naman ng kabilang bahagi.
"Tititigan mo na lang ba ako hanggang mamaya?" Napatili na siya ng malakas at tumakbo ng mabilis.
Nagsa... Nagsasalita 'yong multo!
Naramdaman na lang niya na may mga braso na pumulupot sa bewang niya na pumigil sa kanya.
"Ano ba! Bitiwan mo ko!" Sigaw niya "Tulong! May multo! Papatayin ako ng multo!!!" Nagpumiglas siya ngunit ni hindi man lang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Stop..." Bulong nito sa kanya. Na nakapagpatigil sa kanya bigla, a shiver run down through her spine as she felt his warm breath on her neck. "I'm not a ghost ok? Calm down"
Unti unti siyang humarap dito, at tulad din kanina ay nasilayan niya ang maamong mukha nito.
"Hindi... Ka ba talaga multo?" Tanong niya
Kinuha nito bilang sagot ang kamay niya at inilagay sa pisngi nito "Meron bang multo na nahahawakan mo?" tanong nito. Umiling siya. Noon lamang niya napansin na magkalapit pa rin pala sila sa isa't isa, at nakayakap pa din ito sa kanya.
"Ummm... Pwede mo na ba akong pakawalan" Naiilang na tanong niya dito.
Parang noon lang din nito naalala na nakapalupot pa din sa kanya ang mga braso nito kaya agad naman siya nito binitiwan at umatras ng kaunti para bigyan siya ng space.
BINABASA MO ANG
my stubborn heart
RomanceYou courted me I tried to reject you Then you said you'll make me fall for you.. You try and try... Until one day i just woke up and i realize that i had already fallen.. I thought that my life couldn't be any better I'm always happy as long as yo...