Chapter 5

2.4K 82 0
                                    

Tory's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay North. Oo si North! Utang na! Sana naman di nya kasama si Sky diba?

"Order kita! Halika" nagulat naman ako ng bigla nya akong hilahin palabas ng cafe. Ano nanaman bang pakulo ng lalakeng toh?

"Ano ba North! Wala na tayo sa school oh! Pwede ba! May trabaho pa ako" inis kong sabi.

"Nagbayad naman na ako para mahiram ka eh. Tsaka sandali lang toh" sabi nya at may kinuhang bike. Ano naman bang gagawin ko sa bike na yan?

"Ayusin mo" seryoso ba sya?? Pinagmasdan ko lang ang bike pagkatapos ay tumalikod na ulit ako. Wala akong oras para makipaglokohan kay North.

"Alam kong marunong ka magayos nito. Diba nga inayos mo yung motor ni mang billy? Driver namin yon. At sya mismo ang nagturo sakin sayo" napalingon naman ako sa sinabi nya.

"Magdedeny ka pa?" Tss. Tama naman yung sinabi niya. Ginawa ko naman yung gusto nya para matapos na toh. Madali lang naman kaya madali akong natapos.

"Bayad ko" sinamaan ko naman sya ng tingin ng abutan nya ako ng 1k. Nananadya ba sya?

"Hindi ako tumatanggap ng pera sa isang katulad mo" sabi ko sakanya at tumalikod na.

"Ibang klase ka talaga" di ko na sya nilingon pa at bumalik na sa cafe.

"Oh sakto ang dating mo. Magsasara na tayo" nagulat naman ako sa sinabi ni aleng sassy.

"Po? Ang aga naman?" Tanong ko kakasimula ko pa lang tapos uuwi na agad?

"Napagkasunduan kasi namin ni Miguel na pagnag alas-otso na uuwi na tayo dahil may pasok ka pa" Si sir Miguel ang amo namin. Napakabait nya samin kaya ang taas ng tingin ko sakanya. Wala na akong nagawa kundi ang tulungan si aleng sassy na magsara at umuwi na kami.

"Hayy~ nakakapagod" agad akong humiga sa kama ko at natulog na. Masyado akong napagod ngayong araw kaya kailangan ko ng magpahinga.

*******

*KRIIIIING~ KRIIIING~*

Unti-unti kong minulat ang mata ko ng marinig ang alarm ko. 6 am na ng umaga kaya nagluto na ako ng almusal ko at pagkatapos ay naligo na. 6:30 am ako umalis. Onting oras na lang malapit ng bell.

"Girl, andito na sya" rinig kong bulungan nung dalawa hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Lagot. Dapat di na sya pumasok" sabi ng isang lalake. Lumingon naman ako sa likod ko pero wala naman akong kasunod. Ako ba pinaguusapan nila??

Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa braso ko at hinila ako.

"H-hoy! Anong ginagawa nyo?" Nagtataka kong tanong kela Zac at Kacper. Teka nga! Ano bang nagawa ko sakanila?!

"Sumama ka na lang" sabi ni zac at hinila nanaman ako.

"This is just a show. Where you'll be the main cast" hano daw?? Pinagsasasabi naman nito ni kacper? Show?? Anong klaseng show naman toh? Hutang kinakabahan na ako!!!

Nakarating kami sa gymnasium at muntik pa akong matalisod dahil sa kakahila sakin ng dalawang toh. Andami pang tao. Ano bang nangyayare? Dinala nila ako sa likod ng stage at nakita ko doon sina Shiloh, Sky, North, at Mert.

"Nandito na pala ang bida sa show natin" nakangising saad ni Sky. Ugh!! Ano nanaman ba toh?!

"Bro, alam mo na kung anong gagawin mo" tinap ni Sky si Shiloh at ngumiti. Yung ngiting may pinauusapan? Umalis na si Shiloh at pumunta sa stage

Save Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon