Chapter 14

2.1K 69 1
                                    

Penelope's POV

"So guys, are you ready for your performance?" Bungad samin ni Miss pagkapasok nya sa room kaya agad naman na sumagot sina marco at ang iba pa.

"Yes Miss" tumango naman si Miss at ngumiti.

"Okay, follow me" tumayo naman kami ng lumabas na si Miss at sinunod nga sya. Di ko naman alam kung saan kami pupunta kase nung nasa junior naman kami wala kaming ganitong activity sa Music and arts. Puro lang kase dun kanta o kaya naman magda-drawing.

Nakarating kami sa Gym at tinipon kami ni Miss sa kabilang gilid.

"Sa stage kayo magpeperform para mas makita ko yung performance nyo. And guys, alam nyo naman ako diba? I'm expecting na pinaghandaan nyo talaga ito at alam nyo din na 60 % ito sa performance task nyo. Okay? So group 1 be ready after 5 minutes I will call your group to perform" gaya nga ng sinabi ni Miss pumunta nga kami sa stage at yung iba naman inayos na yung speaker habang kaming ibang member nagpraktis muna.

Tinuruan ko naman si Jane sa mga part na di nya masyadong gets. Si Mert kase di naman tinutulungan si Jane sa pagpractise pano ba naman! Lagi samin nakikisingit! Kesyo daw ako na lang partner nya! Jusko naman! Etong si Jane na partner nya oh! Buti na lang madaling turuan si Jane at magaling din syang sumayaw kaya di na ako nahirapan.

"Pene! Tayo na lang kase partner oooh~ sige naaaa~" aish eto nanaman ba talaga tayo? Kung pwede nga lang si Marco na lang yung partner ko para di na ako guluhin ng Mert na toh at di ko rin sana partner si Sky ang kaso ayaw naman sakin ni Marco. Psh.

"Tumigil ka nga dyan Mert! Futa nanggigigil na talaga ako sayo!" Inis na sabi sakanya ni Jane.

"Nanggigigil? Gano ba kagigil? Yung tipong haharasin mo na ako?" Wat da hek?! Anong klaseng isip ba meron si Mert? Napaka GM nya!

"Huy Mert, tigil na nga. Magpractise na kayo ni Jane magsisimula na oh" biglang singit naman ni Sky at hinila na ako palayo sakanila.

"Naalala mo ba yung pinractise natin?" Naparoll eyes na lang ako sa naging tanong nya like seriously kaka practise pa lang namin kaninang break time tapos makakalimutan ko agad?

"Group 1! Magperform na kayo" sigaw samin ni Miss. Okay di na nga talaga kami nakapagpraktis pa.

Nilatag na ng iba naming kagroup yung kawayan. Sabi ko nga, tinikling yung napiling cultural dance. So we have this four boys na nagpapagalaw ng kawayan. Sinimulan ng patugtugin yung music kaya agad na hinawakan ni Sky ang kamay ko at iginiya sa pagsayaw. Nung una nakatingin lang ako sa baba baka kase maipit paa ko pero napatingin ako kay Sky ng pisilin nya yung kamay ko at kinunutan sya.

"Di ka naman maiipit eh. I-enjoy mo lang ang sayaw and don't think na maiipit ka. Kase pag inisip mo yan parehas maiipit paa natin" really? Ganun pala yun. Di na lang ako nagsalita at inenjoy ko na lang ang pagsasayaw hanggang sa matapos namin. Buti na nga lang at hindi nga kami naipit at hindi nagkakanda mali-mali.

Nagperform na din yung group 2 at maganda din ang sinayaw nila hanggang sa matapos. Tinipon ulit kami ni Miss pagkatapos ng performace. Ia-annouce daw kase yung points nya samin.

"So group 1 got 100 and the Group 2 got 96" natuwa naman sila sa naging grade ni Miss samin. Kahit naman ako natuwa din kase samin yung mas mataas na grade.

"Miss! Ano po ba masasabi nyo sa performance namin?" Tanong ni Shiloh. Pero kelangan pa bang tanungin yon?

"Well, group one got 100 because you enjoyed your performance lalong-lalo na si Mr. Salvatore and Ms. Magnus. I just enjoyed watching at you while you are performing. Para kaseng may chemistry between the two of you and mas lalo na nung ininjoy nyo yung pagsasayaw nyo while you are staring at each other. Actually, bagay kayo hahaha" nagsigawan naman ang iba naming kagrupo pati na rin yung group two si Miss naman tawa lang ng tawa. Psh seryoso? Talagang sinabi nya pang bagay kami like hey! Tao po ako!




Save Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon