Chapter 9

1.9K 66 3
                                    

Poppy's POV

"Miss, eto na po pinapakuha nyo" abot ko kay Ms. Alvares ng naiwan nyang envelope sa classroom.

"Salamat" sabi nito. Lumabas na ako sa faculty room dahil uuwi na din ako.

*kriiiing~ kriiing*

Agad ko naman na sinagot ang tawag. Bakit naman kaya napatawag si mom?

"Bakit mom? Naayos mo na ba yung-

"Si Tory..." napatigil naman ako ng marinig kong umiiyak si mom at binanggit ang pangalan ni tory.

"A-ano pong nangyare?" Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko habang inaabangan ang sasabihin ni mom.

"Hindi ko alam. Pero pumunta ka na lang dito sa General hospital" agad akong tumakbo papunta sa parking lot pero may nabanggaan pa ako. Takte!

"HAYOP KA SKY!!" alam kong sya nanaman ang may kagagawan nito kaya nararapat lang ang sapakin sya. Puta ang tarantado eh! Buti na lang pala nakasalubong ko toh!!

"ANO BANG GINAGAWA KO SAYO!?" Galit nyang tanong sakin habang nakaupo wala na akong oras para patulan pa toh dahil mas mahalaga sakin si Tory kesa sa tarantadong to!

"PAGBABAYARAN MO LAHAT NG GINAWA MO!!" Huli kong sinabi at pumasok na sa kotse.

"Manong sa General Hospital tayo" agad naman na pinatakbo ni manong ang kotse.

Maghintay ka lang Tory. Malapit na talaga. Di ka na nila aapihin pang muli.

Sky's POV

"Tol, nabalitaan mo na ba?" Napatingin naman ako kay Zac sa tanong nya. Ano naman nabalitaan ko? Tsk. Sinuntok pa ako nang sino nga ulit yon? Pops?? Hutang ang bakla.

"Ang alin ba?" Singit naman ni Kacper. Nandito kami sa bahay ni North para makitambay. Masyado pa namang maaga kaya naisipan naming magtambay dito.

"Mukhang di nyo nga alam" sabi naman nitong si Shiloh. Ano bang mga pinagsasasabi nito??

"Putangina naman oh!!" Inis na sigaw ni North at kinwelyuhan ako.

"Teka nga! Hoy bat mo ko kinikwelyuhan?" Ang sama pa ng tingin sakin ni North. Minsan ko lang sya makitang ganito kagalit kaya naman nagtaka na ako.

"Tol! Si Tory naospital dahil binuhusan ni lexie ng acido tapos di mo alam?!! Sky! Nakita mo na sila di mo pa tinulungan si Tory?!" Napatunganga naman ako sa sinabi nya.

"Alam mo Sky, pinagbigyan ka na namin sa mga kalokohan na ginawa mo kay Tory pero eto? Di ba sobra na?" Rinig kong sambit ni Mert.

Agad naman nagflashback lahat ng mga ginawa ko kay Tory. Lahat-lahat simula freshmen kami hanggang ngayong senior high na kami.

"Ano?! Ngayon mo lang ba naisip na sobra na lahat ng mga pinaggagawa naten? Tol! Nakokonsensya ako!" Sigaw ni North at pabalibag na umupo.

Kasalanan ko toh.

"Ako din, pero si lexie ang may gawa. Pwede natin syang isumbong" napatingin naman ako kay Zac ng sabihin nya yun.

"Ako ang may kasalanan. Ako ang dapat managot" Lahat sila napatingin sakin. Ngayon ko lang narealize na sobra na nga talaga ang nagawa ko. Tsk

"Tayo. Tayo ang may kasalanan, tayo dapat ang managot kasama na dun si lexie" napatingin naman ako kay Kacper ng sabihin nya yun.

"Tama! Tayong lahat. Tsaka pwede ba nating bisitahin si nerd? Este! Si Tory?" Napabuntong hininga na lamang ako sa nasabi ni Mert. Naalala ko tuloy kung pano sabunutan ni Lexie si Tory kanina tsk dapat talaga tutulungan ko sya. Kaso....

Aish!! Ewan! Pagnakikita ko talaga sya kumukulo dugo ko! Masisisi nyo ba ako? Di ko nga rin alam kung bakit ako nagkakaganun pagnakikita ko ang nerd na yun -__-

"Sige, bukas magsosorry tayo sakanya. Pero di ko lang alam kung mapapatawad pa nya tayo o kaya Ako." sabi ko sakanila. Sa totoo lang sakabila ng mga nagawa namin sakanya. Di na ako mage-expect pang mapatawad nya kami. Lalo na ako.

"Tsk. Yun nga eh. Pero atleast makapagsorry tayo bukas. Ako na din ang bahala kay lexie. Pwedeng pwede syang i-kick out basta Sky tulungan mo ako. Ikaw ang witness diba?" Tumango na lang ako sa sinabi si Shiloh. Bahala na basta dapat na ding matanggal si lexie nakakarindi din kase yun eh. Ang feelingera na nga pangit pa.psh.

"Uwi na kayo, gabi na din" napatingin naman kami sa labas ng sabihin ni North na gabi na at tama nga sya. Tss, ganyan lang talaga sya pagnakokonsensya. Sabihin na nating inaako nya na lahat ng kasalanan namin. Yung para bang sa tingin nya sya lahat ng may kasalanan. Eh ako nga tong mas maraming kasalanan kay Tory. Hayy alien talaga toh.

"North, lahat tayo may kasalanan. Wag mong isisi ang lahat sa sarili mo. Sige na bye!" Nagsilabasan na din kami pagkasabi nun ni Kacper. Wala eh, di kami pinansin ng gagong North na yun. Busy sa kakasisi sa sarili.

"Teka, anong oras ba bukas? Tsaka diba may pasok?" Biglang tanong ni Zac.

"School muna. Aasikasuhin muna natin Sky ang pagpapa kick out kay lexie. Then after that punta na tayo sa ospital. By the way, saang ospital ba yun?" Oo nga noh? Saan bang ospital yun?

"Ako ng bahala dun. Text ko na lang kayo pag nalaman ko na kung saang ospital" buti na lang at magaling si Kacper sa paghahanap. May tiwala ako sakanya pagdating sa mga ganito para kasi syang detective pero di naman sya detective baka sa future. Malay naten.

"Sige. Una na ako. Inaantok na ako eh" umangkas na si Zac sa rider nya at nauna ng umalis. Pisti naman iniwan talaga kami.

"Sige, kita na lang tayo bukas. Tsaka kacper pagnalaman mo na text mo na lang kami ah" at pumasok na din si Shiloh sa kotse nya.

Sinuot ko na din ang helmet ko at pinaandar ko na ang rider ko. Tumango na lang ako kay kacper bilang pagpapaalam at umalis na din.

See you tomorrow..... Tory





^^-

Save Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon