Chapter 16

1.8K 71 0
                                    

Penelope's POV

"Hutangina! Jusmiyoperdon! AnakniHesus!!Patawarinmoako!"

"Hoy tigil nga! Ano bang pingasasasabi mo?!" Sinamaan ko naman ng tingin si Zac.

"Pakingina naman kase!! Saan nyo ba ako dadalhin at may pahatak-hatak pa kayong nalalaman?!" Si Zac and Kacper. Hinahatak nanaman ako. Ugh!

Ganito kase yon, after ng English subject namin agad akong lumabas para mag c.r tapos paglabas ko ng c.r nagulat na lang ako ng bigla akong hatakin nila Zac and Kacper.

"Eeeeeh~ basta!" sabi naman ni Kacper. Ya! Don't tell me ibubully nila ako?! No way!!

Agad kong tinadyakan sa paa si Kacper.

"Araouch!!! Aray! Yung paa ko!" ayan nakawala din ako sakanila. Si Zac tinulungan si Kacper na makatayo kaya agad akong tumakbo. Pero sa kasamaang palad nga naman nabangga ko pa si North.

"Hello ^_^ ako si North. Ikaw? Sino ka? Ay oo nga pala, ikaw si Pen yung kasabay namin maglunch hahahaha. Halika na!" Luh? Waaaah~ naman eh! Seryoso talaga dun si Sky? Bigla naman akong hinila ni North kaya muli akong nagpumiglas.

"Hindi ako sasama. May susunod pa kayang subject before lunch!" Sigaw ko. Pero di sya nakinig. Nakalapit na din samin si Kacper at Zac.

"Tsk. Ang lakas manadyak ng babaeng toh" inis na sabi ni Kacper at tinarayan pa ako kaya tinarayan ko din sya pabalik. Psh

"Hala Pen!! Bad yon!! Di ka dapat nananadyak okay? Masakit kaya yun" sabi naman ni North. Napatingin naman ako kay Zac at wala lang. He don't give a shit though.

"Eh kase naman bigla-bigla na lang silang manghahatak malay ko ba! Baka mamaya kung saan pa nila ako dalhin" inis kong sabi. Sobrang nakakainis na nga kase dalawa na silang nakahawak sa kamay ko tapos si Zac nakabantay pa sa likod ko!

"Saan nyo ba kase ako dadalhin! Kinakabahan na ako oh!" tanong ko sakanila.

"Sa tambayan namin." Rinig kong sabi ni Zac sa likod ko. Sa tambayan nila? Ang layo naman ng tambayan nila. Di ko na nga makita yung school namin eh.

Naaninag ko naman sa di kalayuan sina Sky, Shiloh at Mert na naghihintay.

"Yow, why took so long?" Tanong ni Shiloh ng makalapit na kami.

"Eto kasing si Penelope sinubukang tumakas" sambit ni Kacper.

"Oh, maybe she got scared. Penelope, don't be scared of us. We just want you to be our friends. Right guys?" Sabi naman ni Shiloh.

"Yah! Oo tama yon!" Pagsasangayon naman ni North.

"Oo nga. Jagiya, don't worry di ka namin sasaktan. We just, ano we just friends! Yeah friends!" Ano bang jagiya? Tsk. Muntanga naman tong si Mert kung ano anong sinasabi.

"Huy! Naman si Mert oh. Kala ko ba napagusapan na natin toh?" Biglang tanong naman ni Sky kaya nagpeace sign lang si Mert. Ano bang napagusapan nila? Na curios tuloy ako.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Haist, ano pa nga bang magagawa ko? As if naman na makabalik pa ako sa school eh di ko na alam kung asan na yun.

"You know what Penelope, I'm so glad that you come with us. Look at Sky, he's smiling again. I've never been saw him smiling like that. And seeing him laughing so hard makes me happy" napatingin naman ako kay Sky ng sabihin yon ni Shiloh. At tama nga sya, panay ang tawa nila. Kaming tatlo lang naman nila Zac ang nasa likod habang yung apat nagtatawanan sa unahan. Ngayon ko lang din narinig ang malakas na pagtawa ni Sky bukod kanina mas malakas ngayon. Ang cute nya pala pagtumatawa.

Sana lagi na lang syang ganyan.

"I remember when we were 8 years old. His parents went to Italy for their business and until now, thier aren't back ." Kaya pala? Pero feeling ko talaga may tumutulo na sa ilong ko.

"May tissue ka?" Tanong ko kay Zac kaya napakunot naman ang noo nya.

"Ah? Ahy. Hoy!! Kacper pinainom mo ba ng gamot si Shiloh kanina? Huh?" Biglang tanong ni Zac kaya napalingon naman si Kacper.

"Hindi eh. Ako ata nakainom HAHAHAHA hoy Shiloh! Tama ng kaka-english! Noiseblood na si Penelope!" Watda?

"Oh? ipagpaumanhin mo sana binibini ang aking pagsasalitang Ingles kanina. Ako'y nasobrahan ata. Ayos ka lang ba? Dumudugo pa ba ang ilong mo? Baka kailangan natin ng pasador. Pasador! Kelangan natin ng pasador! Sapagkat ang ilong mo ay may dalaw! Pasador! Bilhan siya ng pasador!." Di ko alam kung matatawa ako sa mga pinagsasasabi ni Shiloh. Tissue kasi hinihingi ko hindi napkin haha.

"Aish, Zac ikaw na nga kumausap sa badjao na yan!" Inis na sabi ni Kacper.

"Hoy Shiloh! Tama na nga sa kakasalita ng mga ganyan. Nagmumukha kang badjao eh. Balik ka na lang ulit sa page-engrish" napatawa naman ako sa sinabi ni Zac.

"I'm just using my native languange for you to understand what am I saying. What's the problem with that?" Tanong ni Shiloh.

"Infires meeeeen! You Engrish! Beri gud! You got sweag! Ah. Yeah! Are you poriner?" Lahat kami napatawa sa mga sinabi ni Zac. Adik! Nakakatawa pag-english nya! ^0^

"Ay gago. Tumigil ka nga dyan Zac napaka trying hard mong magenglish putek. You got no sweag" at sa wakas. Nagmukhang normal na ang pananalita ni Shiloh. Biruin nyo yon? Si Zac pala ang makakapagpabalik sa tamang wisyo si Shiloh. Hahahaha.

"Nandito na tayo!" Masayang sigaw ni North. Tumambad sa amin ang napakagandang view ng buong syudad. Nasa tuktok pala kami ng maliit na bundok. Maliit lang toh kaya di kami nahirapang tumaas.

"Dito ang tambayan namin. Ang ganda noh? Tahimik at mahangin. Napakarelaxing ng atmosphere" sabi ni Sky at umupo sa tabi ng puno. Ngayon ko lang din napansin na may dala si Mert at Sky ng dalawang basket.

Binuksan ni Mert ang basket na dala nya at sa loob nito ay kumot pagkatapos ay nilapag nya ito sa lupa. Sa loob nun may mga plato at kutsara. Binuksan nya ulit yung isang basket na dala ni Sky at ang laman ay mga pagkain.

"Magpipiknik ba kayo?" Tanong ko.

"Ay hindi. Maglalaro tayo, di na tayo magpipiknik. Laro na lang, kitang may pagkain nga eh malamang magpipiknik." Pilosopo naman netong si Zac ano bayan.

"Huy Zac ang sama mo. Penelope, wag mo na yan pansinin may topak yan eh. Tsaka oo magpipiknik tayo. Tayo kase kasama ka" sabi ni Mert. Tumango na lang ako at tinulungan na sya sa paghahanda. Nakakahiya naman kasi eh.

Pagkatapos namin ayusin yung mga pagkain na sobrang dami ay kumain na kami. Hanep nga eh! Ang kukulit nilang kumain haha nagsusubuan ba naman. Si kacper sinusubuan si Shiloh tapos isusubo nya sa sarili nya tapos susubuan nya pa si Zac. Err indirect kiss eh? Haha. Si Sky naman sinusubuan ni Mert tapos sinusubuan din ni North. Hala eh! Sila ng sweet haha. Mahal mo o mahal ako ang peg eh. Tapos si Zac sinusubuan si Mert. Edi sila na!

"Penelope, try mo tong kimchi gawa ko toh" sabi ni Sky at itinampad sakin yung kimchi na parang susubuan ako.

"Ako na" kinuha ko na lang yung kimchi sakanya at isinubo.

"Masarap ba?" Tanong nya.

"Mahsnshsnk usnwh" sabi ko at nag tumbs up pa.

"Huh?" Nilunok ko muna ang kinakain ko pagkatapos ay uminom ng tubig.

"Sabi ko, masarap nga haha" sumubo ulit ako ng kimchi dahil tuloy sa sobrang sarap nakailang kuha ako ng kimchi ^,^

Napatigil naman ako sa pagnguya ng mapansin kong nakatingin lang sya sakin kaya pinandilatan ko sya. Ngumiti naman sya at umiling-iling pa. Problema nito? Pasalamat sya nasarapan ako sa kimchi na gawa nya.

^^-

Save Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon