End Of The World (The Return Of The Living Dead)

1K 21 2
                                    

Author's Note: Hi readers! Paalala ko lang po, may mga maseselan na bahagi dito sa kwentong ito. Baka kasi mandiri kayo at baka mag comment kayo na "eeew kadiri naman!" Sorry medyo paranoid ako baka kasi mapangitan kayo sa kwento ko. Dala kasi to ng pag kaboredom ko. Eh minsan walang ginagawa sa school or sabihin na nating minsan may absent na teacher kaya dala ng malawak kong imahinasyon pati mga classmate ko dinamay ko sa kwentong to. Kaya kung ayaw niyo pong basahin hindi ko po kayo pinipilit. :) Pero kung gusto niyo eh si Push natin yan XD . gagawin ko lahat para magandahan kayo. :)) sorry rin sa mga wrong spelled or grammar.. Ito na ENJOY READING! :DD

- - - Chapter 1 ( The Dreams )

"Hindi ako naniniwala! s-sana panaginip lang toh! mama! papa! wag niyo po akong iwan! maa!

(Reality)

"Ma!"- sigaw ko

napatayo ako sa kinahihigaan ko, napaayos rin ako ng upo at inaayos ang sarili ko. nanginginig ako, pawis na pawis din. pero buti nalang at hindi totoo ang panaginip ko. nag simula lang ito last month..

Im always dreaming about undead people since I watched a movie. Sabi nila Its just a movie, never been happen.

"Diyos ko wag sana wag"- bulong ko habang nakapikit at hinihilamos ang kamay ko sa mukha ko

uhmm anong oras na ba?? napatingin ako sa aking alarm clock

"tsk 1:00 am palang -___- antook pa ko!"- bulong ko

makatulog na nga at may pasok pa ko mamaya.. kaiinis naman.

humiga na ko at kinuha ang teddy bear ko. pumikit nako, pero nag flaflash back parin ang napaginipan ko. tsk pwede ba patulugin mo na ko bangungot! your not helping me to sleep eh! patay ako nito mamaya pag nakatulog nanaman ako sa klase. umupo ako at niyakap ang teddy bear ko. nag basa muna ako ng pocket book para antukin. maya maya ay nararamdaman ko na ang pag kaantok ko kaya nag desisyon na kong humiga at pumikit at hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

ZzZzZzz.........

zZzzzzZZzz..

Krriiiiiiiinnnggggg!!!!

'ba't ambilis ng oras?? ayoko pang bumangon.'-bulong ko

krrrrrriiiiiiinngg!!

"aish bahala na nga!'-sigaw ko at tinigil ko na ang pag tunog ng alarm.. karinde eh~..

"anong oras na baaaaaaa!!!! Halaaaa! sa 6 o'clock ko na set kagabi?!!"-napasigaw ulit ako loka loka talaga ako!

makaligo na nga at baka kumatok na si mama. dali dali kong kinuha ang mga panligo ko at papasok narin ako sa CR ng marinig ko si mama na kumatok sa pintuan ko.

"Bea! gising ka na ba?"- sabi nito

"opo ma! maliligo na po ako"-sabi ko

"Bilisan mo malelate ka na!"- sabi niya

"opo!"-sigaw ko

Dali dali na ko pumasok sa Bathroom para makaligo nako. Hinanda ko narin lahat ng gagamitin ko. Nung pagkapasok ko bigla ako nakarinig ng kotseng humaharurot, parang pang pulis,pero dinendma ko lang iyon. Pero napaisip isip rin ako may aksidente bang naganap? may kriminal ba? andaming tanong sa isipan ko pero baka hindi ako makatapos sa sobrang dami, ang alam ko lang ay nakatulala ako at patuloy ang pag agos ng tubig mula sa aking shower. Nag simula na kong maligo.

Nang matapos na ko ay dali dali na kong lumabas sa Bathroom at nag bihis. Nang matapos na ko ay bumaba na ko agad sa dining room..

"wow sarap naman favorite ko pa Adobo!"-nakangting sabi ko.

"shempre naman anak mama mo nag luto eh"- sabi ni papa

"hahaha papa talaga. diba masarap karin po mag luto?"- sabi ko

"ou naman anak pero walang tatalo sa mama mo"-sabi nya

"ay sus tama na ang pambobola anak. ito na anak ang baon mo, baka malate ka kaya pumasok ka na"-sabi ni mama

"ako?? ma ah no no no waay!"-pakanta kong sagot

"sige na layas na"-nakangiting sabi ni mama

"neyy papa oh pinapalayas ako ni mama"-subong ko

"haha sige na anak pumasok ka na"-sabi ni papa

"opo pa bye po i love you! ma bye rin po i love youu!!"-sabi ko

"bye princess!"-sabi ni papa

Lumapit ako kay papa at yumakap ganun din kay mama. Lumabas na ko sa aming bahay na may ngiti sa aking mukha. hindi maalis sa isipan ko ang sinabi sakin ni papa na princess. Kahit ilang araw niya sabihin na ako ang one and only princess niya ay hindi ako mag sasawa. Pero pano pag nag college na ko? 2nd year ako ngayon so ilang years pa? Naabutan kami ng K-12 eh.4 years pa. But who cares?! Walang magagawa ang mga tao sa paligid dahil ako parin ang prinsesa ni papa..

Aaminin ko Papa's girl ako kaya gento na lang ang pag mamahal ko kay papa. Nag aabang ako ngayon ng jeep para makapasok na ko. Shoot! 6:30 am na wala paring jeep nag desisyon muna akong umupo sa may waiting shed . Uupo sana ako nang mabangga ako ng isang lalaki, dahilan kaya't nalaglag ang mga gamit ko.

"ano bayan! hindi kasi--" - napatigil ako nang makita ko si drake.

"d-drake?"

"bea! kamusta ka na! grabe tagal nating hindi nagkita!"-sabi niya

"hahahaha kahit kailan talaga hindi ka nag bago, madaldal ka parin! ito ok lang ako ikaw? dito na ba kayo ulit titira?"-sabi ko

"yup! makakasama ko nanaman ang kababata ko, at ikaw yun!"-he smirked

"loko! alam kong mangungulit ka nanaman!"-sabi ko napatingin ako sa kalsada may jeep na.

"aalis ka na?"- sabi niya

"ou eh sabay na tayo."- sabi ko

Umuoo na siya at pinara niya ang jeep at pinauna akong umakyat. Nag usap kami ng matagal hanggang sa nag paalam na kami sa isa't isa. Kababata ko si Drake kaya alam ko kung gaano siya kakulit. Nandito na ko sa school at walang flag ceremony. Tingin ko ay tapos na.

End Of The World (The Return Of The Living Dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon