Katrina's POV
Haahaha! Sarap asarin ni Zyrene. Iu-upload ko sana sa FB kaso kawawa si Zyrene baka kumalat. Isa-save ko na lang.
"Ehh! Kasi burahin mo!"sigaw niya. Hahaha kawawa ka naman
"A-YO-KO! AYOKO!"sigaw ko. Ang cute kaya nila don ni Mav. Sayang yung picture. Ano kaya ang ico-comment don ni Mav kapag inupload ko no? Wahahaha
"Sige na!"kawawang bata hahaha
"Ang cute niyo kaya don. Sayang naman. Di ko iu-upload isa-save ko lang please?"sabi ko. Kasi naman remembrance din yun ni Mav. Yun lang yung picture niya na stolen. Kung nagkataon na nakita niya yun magpo-pose pa yun.
"Ehh kasi.."sabi niya tapos namula yung pisngi niya. Kyyaahh!! Hindi kaya..
"May gu- HHMM!!"
"Shh! Wag kang maingay"sabi niya tsaka tinanggal yung kamay niya sa bibig ko
Muntik na kong mamatay don. Pano ba naman sasabihin ko lang kung may gusto siya kay Mav tapos nag-ala ninja move siya tsaka tinakpan yung bibig ko pati ilong ko sinama.
"Opo. May balak ka bang patayin ako? Gusto ko pang makitang nag-iintay sa altar ang ka-triplets ko at hinihintay ka. Wahahaha!"
May topak ata ako ngayon. Wahaha! Eh... Kasi.. Kasi.. Ang sarap mang-aasar eh. Lalo na kung yung inaasar mo eh yung taong affected talaga. Hahaha
"Nicole! Where's Julius?"singit ni Mavric
Tumingin ako kay Zyrene at ngumiti ng maloko
"Ewan. Ahh Mavric may nag-text sakin unregistered number. Tapos ang nakalagay gusto ka daw niyang pakasalan. Kung pede daw sana"pagsisinungaling ko. Tumingin ako kay Zyrene. Hahaha nanlalaki ang mata niya hoho!
Zyrene--- 0_0
Ako--- ^o^
Mavric--- :)"Pakisabi na lang na hihintayin ko siya. Titingnan ko kung kaya niyang baguhin ang ugali ng isang Ryle Mavric Buenavista. Pakidagdagan na din ng 'I love you'. Bye"sabi niya tsaka umalis. Hoho! Successful hahaha!
"Hihintayin ka daw niya at 'I love you' daw. Oh kelan ang kasal?"biro ko
"Ehh? H-Hindi naman ako yung nag-text eh *blushing*"kunwari ka pa
"Wala naman talagang nag-text eh. Tsaka bakit ba ayaw mong aminin na may gusto ka kay Mavric?"tanong ko
"Kasi malabong mapansin niya ko. Mas okay na to kesa naman ipagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya diba?"ganyan ba talaga ang tao kapag in love? Parang laging may pinaghuhugutan?
"Malay mo naman diba? Diba nga sabi niya hihintayin ka daw niya at titingnan niya kung kaya mo bang baguhin ang isang Ryle Mavric Buenavista. So ibig sabihin kahit papano may chance ka pa rin sa kanya. Malay mo sa paglapit mo sa kanya makuha mo ang loob niya at magkaron ng spark diba? Oh de diretso kasalan na. Hahaha"
Kelan pa ko naging love guru? Siguro hindi mo naman kailangan ma-in love para lang makapag-advice diba? Minsan galing lang yon sa opinyon mo.
"Siguro nga. Pero sa tingin ko hindi pa ngayon ang tamang oras para lumapit ako sa kanya"sabi niya
"Zyrene anak uuwi na kami. Sasama ka ba o dito ka muna?"tanong ng mommy niya. Kasama nila sila mom and dad
"Mr. and Mrs. Buenavista pede po bang dito muna ko?"tanong ni Zyrene
"Tita na lang itawag mo sakin para mas batang pakingan. Sige dito ka muna para may kasama si Nicole para hindi siya nagkukulong sa kwarto niya"may sira din tong nanay ko eh.
BINABASA MO ANG
O Pag-ibig
Teen FictionMadaming epekto ang pag-ibig sa isang tao. Makakayanan mo kaya ang mga epekto na to?