♥CHAPTER 6♥

16 2 0
                                    


Zyrene's POV

"Zyrene sorry talaga. Hindi ko naman sinadadya eh"

-_-

Sa totoo lang pang-sampung beses niya na yang sinasabi. Ang kulit ni Katrina.

"Katrina sa totoo lang nakakasampu ka na ha? Paulit ulit ka. Okay nga lang ako. Balat lang to, malayo to sa bituka. Just calm down okay?"sabi ko

"Kasi naman eh... Sige na nga"sabi niya tsaka sumimangot

Kanina pa ko tumitingin kay Ryle. Parang wala siya sa sarili niya, simula nung nilagyan ako ni Lance ba? Si Lance nga ba yun? Basta! Yon simula non, parang nawala na siya sa sarili niya.

Nag-aalala na ko sa kanya. Baka kasi isipinin niya na baka magalit sila mommy dahil sa nangyari sakin. Pero I'm sure naman na maiitindihan yon nila mommy eh.

"Oyy! Kain na!"sigaw ni... Si Blake ata

Hindi ko pa talaga sila masyadong kilala. Si Lance pa lang ang kilala ko kasi sabi ni Ryle kanina parang si Lyndon lang din daw siya–nakabusangot minsan.

"Zyrene tara kain na tayo"aya sakin nung ka-member nila. May konting kulay red sa buhok niya." I'm Julian by the way"ohh. So siya si Julian. Mukhang hindi naman siya pilosopo ah

"O-Okay"sagot ko

"Wag kang mautal. Alam kong gwapo ako pero wag niyo nang pinapahalata na affected kayo sa presence ko. Wahaha!"

-_-

Psh! May pagkamahangin din pala tong si Julian.

Tumayo na ko saka pumuntang kusina. Pano kaya ako kakain? Kaliwete kasi ako eh. Yung kaliwa ko pa yung nalapnos. Hindi naman ako marunong kumain sa kanan. *Sigh*

"Kain ka lang Zyrene. Wag kang mahihiya"sabi ni Katrina

Nginitian ko lang siya at tinignan ko yung mga pagkain. Ang dami talaga! Hindi mo aakalaing pito lang sila saka kaming dalawa ni Katrina ang kakain nito. Pang piyesta na to eh!

"Oh bakit ayaw mo pang kumain Miss?"tanong nung member nila na mukhang amerikano. Siguro siya si Luke, siya lang naman kasi yung nadinig ko na parang may lahi eh.

"A-Ah... Ano..."shocks! Ano sasabihin ko?

"What?"ehh!

"A-Ano... Kaliwete kasi ako eh. Hindi ako marunong sa kanan"nahihiya kong sabi

"Oh. If you don't mind ako na lang ang magpapakain sayo. If it's okay with you. And ako nga pala si Luke"tama ako! Siya nga si Luke

Ang bait naman niya pero nahihiya naman ako. Hindi naman ako nagugutom eh. Hindi na lang ako kakain.

"Hindi. Okay lang ako, salamat sa pag-aalala mo Luke. Oka–"

Natigilan ako sa pagsasalita ng biglang tumunog yung tiyan ko. Tch! Panira tong tiyan na to!

"Haha! Akala ko ba hindi ka gutom?"tawa niya

Yumuko na lang ako kasi feeling ko namumula ako ngayon. Bwisit naman kasing tiyan to!

"Susubuan na kita. Walang malisya. I'm just being friendly. Can we be friends?"tanong niya

Nahihiya pa rin ako sa kanya kaya tumango na lang ako sa kaniya.

"Good"then kumuha na siya ng pagkain saka siya naglagay sa kutsara."Say ahh"sabi niya

Shet naman! Nahihiya ako!

"Okay lang ako. Hindi naman a–"

Tumunog na naman yung tiyan ko. Pakshit naman oh! Pangalawa na to! Nakakahiya na talaga!

"Wag ka nang makulit. Remember I'm just being friendly nothing more. Now kainin mo na to"sabi niya habang hawak niya yung kutsara

Wala naman akong ibang nagawa kundi kainin din yung nasa kutsara. Nagugutom na ko eh. Kaso lahat sila nakatingin samin. Jusko! Lupa lamunin mo na ko ngayon! Hiyang hiya na ko sa sarili ko.

"Ikaw Luke ha! Hindi mo sinasabi pumuporma ka na pala diyan kay Zyrene"sabi ni Julian

"Oo nga besh! Bagay kayo! Oppss... Sorry"sabi ni Katrina saka nag-peace sign tapos tumingin siya kay Ryle. Nakatingin pala sakin si Ryle.

Feeling ko kamatis na yung mukha ko ngayon. Waa!! Ayoko na!

"May pasubo subo ka pang nalalaman Luke. Lakas mo ding pumorma! Paturo nga!"sabi ni... Sino ba to? Hindi naman siya si Blake kasi si Blake ayun oh, lumalamon este kumakain pala. So, sino siya?

"Langya ka Frinzhe! Kaliwete siya eh. Hindi daw siya marunong kumain sa kanan. Tsaka nagiging mabait lang naman ako"sagot ni Luke

"Nagiging mabait ka nga lang ba? O may iba pa? Aminin mo na bro!"sigaw ni Frinzhe. Yung iba kain lang ng kain lalo na si Blake

"Gago ka Frinzhe!"sigaw ni Luke."Sorry ah. Pagpasensyahan mo na yang si Frinzhe, may sapak kasi yan minsan eh. Oh kain pa"sabi ni Luke saka tinapat sakin yung kutsara

Kinain ko uli yun. Ang sarap palang magluto ng chef nila Katrina, pang restaurant na yung lasa eh.

"Love is in the air! I can see it!"sigaw muli ni Frinzhe. Kanina pa tong lalaking to ah!

Pati tuloy yung iba nakisali na. Pati nga si Katrina asar ng asar sakin. Si Luke naman walang pakielam subo lang siya ng subo sakin ng pagkain. Ako naman, kain lang ng kain. Masarap talaga  yung pagkain eh.

Maya maya biglang tumayo si Ryle saka umalis. Ano kaya problema non? Kanina pa yon tahimik. Tapos kanina nakatingin pa siya sakin. Bakit kaya? Ano kayang nangyari sakanya?

"Ano problema non?"tanong ni Blake. Sa wakas tumigil din siya sa kakakain

"Ewan ko. Oyy Katrina ano nangyari don sa gunggong na yon?"tanong din ni Luke

"Malay ko don sa baklang yon. Hayaan niyo siya!"sabi ni Katrina

Ano bang nangyayari kay Ryle? Kanina pa siya. Nag-aalala na talaga ako sa kanya.

"Don't mind him. Ganyan lang talaga siya kapag may iniisip"sabi ni Luke

"Luke thank you ah. Ang bait bait mo sakin. Saka kahit ngayon pa lang tayo nagkakakilala naging magkaibigan na tayo. Salamat talaga"sabi ko sa kanya

Medyo nahihiya pa ko. Kasi first time kong magkaroon ng lalaking kaibigan kaya medyo naiilang pa ko.

"It's okay. So were really friends?"tanong niya then tumango ako

Ngumiti ako sa kanya. Alam niyo ba yung feeling na napapangiti ka na lang bigla? Ganon ang nararamdaman ko ngayon, kita ko naman kay Luke na sincere siya sa mga sinasabi niya eh. So why don't give him a chance right?

Saka maaari ko rin siyang takbuhan kapag may problema ako, lalo na't ito ako at umaaasa kay Ryle. Kahit na nagkakilala pa lang kami parang ang gaan na ng loob ko sa kanya. Siguro ganon na lang siguro siya makisama–magaan sa loob.

~~~

Hi guys! Hope you're liking the story. Like and comment

O Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon