Blue's Pov"BLUEEEE GISSSINNGGG!" napabangon agad ako sa narinig ko at tinignan kung sino yung sumigaw. Pinagtitripan na naman ako nitong si Delixir ang bunsong kapatid ko.
"Makasigaw ka naman Delixir. Ano may sunog ba? Wala naman ah" inis kong sabi sa kanya. Umupo siya sa kama ko at nakangsing nakatingin sakin.
"Blue di ba may pasok ka ngayon?" tanong nito sakin. Wait...
Loading ..
Ohmygee first day ko nga pala sa Princeton High. Tinignan ko ang orasan sa table na malapit sa kama ko.
"Ano ba yan Delixir ang aga pa oh! Anong trip mo?" sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya pero nakailag siya.
"Blue, you just thank me for what I did. See, di ka malelate tulog mantika ka pa naman" nakangising sabi niya. Okay so pasasalamatan ko siya don pero sa pagsigaw niya sa tenga ko! Humanda siya sakin mamaya.
"May alarm diyan baka di mo nakikita? Nako Delixir dapat ko na bang sabihin kay Kuya Bryse na bulag ka na? Oh noh! Wala nang magkakagusto sayo. Wala nang magmamahal sayo. Tatanda kang binata---"
"Aray ko naman! Bat ka namimitik sa noo ah!" singhal ko sa kanya. Hinimas himas ko ang noo ko. Pasaway na Delixir nato. Ang hilig mamitik sa noo.
"And dami mong satsat. Baka ikaw nga ang tumandang dalaga diyan. Wala ngang nanliligaw sayo" asar niya pero totoo yon. Kahit isa wala pang nanligaw sakin. Di naman ako panget! Ewan ko ba.
"Ewan ko sayo Delixir! Tse! Alis na dito maliligo na ako" sabi ko sabay tulak ko sa kanya sa pinto.
Pumasok na ako sa banyo at ginawa ko na ang morning rituals ko. Bumaba na ako para magbreakfast at natagpuan kong umuusok amg kusina. Joke lang kahit di nakakatawa. Oh ito na nga nakaupo na si Kuya Brysen at si Delixir sa dining table.
"Good Morning Blue" bati ni Delixir. Inirapan ko lang siya pero ngumisi lang siya.
"Walang good sa morning kung ikaw lang ang makikita ko Dame-onyo" sabi ko sa kanya at yun tinignan ako ng masama. Dame kasi ang tawag sa kanya kapag di ka niya kapamilya or kaclose! Maarte yan. Dame daw short for Delixir Ash Maxton Esgeza.
"Both of you stop. Just eat your breakfast quietly" cold na sabi ni Kuya Brysen kaya napatahimik kami at umupo na ako para kumain.
Cold yang si Kuya Brysen magsalita pero mabait siya samin. Oo samin lang kasi halos lahat takot sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's My Secret Admirer
Teen FictionExpect the unexpected. Love the person you'll never be expected. He's always watching my actions but I'm always finding who he is. He love me but I don't know him. I'm searching for him but he's hiding. I realized that I love him. I love him though...