Chapter 5:Clinic

181 6 1
                                    


*continuation

Blue's Pov

*Ring* *Ring*

Pumasok na ang mga estudyante sa loob ng classroom.

At ang mga babae ay simula na namang kiligin nang dumating sina Deon at iba pa niyang kasama.  Wait lang!  Bat di pala magkasabay sina Dale at Deon?

Ay ewan bahala sila sa buhay nila.

"Good Afternoon class" Our professor greeted us at nagsimula na siyang magklase.

"By the way class,  you have an activity today.  Prepare yourself and we'll do it at the activity area" sabi ni Ma'am kaya nagprepare na kami at lumabas papuntang activity area. Ay oo nga pala P.E namin ngayon.

"So this is our activity today, boys will play basketball while girls will play volleyball.  Clear? " We nodded.

Hinati kami sa dalawang grupo dahil ang mga girls muna ang maglalaro.

Aishhh salamat at kagrupo ko si Xenia.  Di pa naman ako magaling sa kahit anong sports.  Well its not my hobby eh.

Maganda ang simula ng laro at nanalo kami.  Buti nga minsan lang napupunta sa akin ang bola at malaking pasasalamat ko nang natatamaan ko.  Pero nung 2nd set na natalo kami kaya heto sa 3rd set babawi kami.

11-10 na ang scores.  Isa lang ang lamang nila sa amin.

Tinignan ko kung saan papunta ang bola at ito'y patungo sa gilid ko.  Hinabol ko ito pero natapilok ako.

"Ouch" daing ko at napahiga sa sakit na nararamdaman ko. Nakita ko kung paano nagpanic ang mga kagroupmate ko at pumunta sa akin.

'' Oh my gosh.  We need to bring her in the clinic" sigaw ni Xenia. 

May lumapit na mga lalaki at binuhat ako. Oh God ang sakit ng paa ko.

Inangat ko ang paningin ko kung sino ang lalaking bumubuhat sakin ngayon papuntang clinic.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.

"D-Dale? " nauutal na tanong ko

"The one and only. Di ka kasi nag-iingat." iritang sabi niya.

Magsasalita na sana ako nang pinaupo niya ako sa isang kama at tinawag ang school nurse.

"What happened to her? " tanong ng nurse kay Dale.

"Tatanga tanga kasi eh.  Natapilok tuloy" aba kung di lang masakit paa ko tumayo na ako at pinagsasapak yan.

Yumuko ang nurse at sinuri ang paa ko.  Pero napasigaw ako ng pinaikot niya ito. 

"Don't cry Blue.  Its okay I'm here" sabi niya at may pinunasan ang mukha ko gamit ang palad niya.

Wait?  Umiyak ba ako?

"Konting massage na lang mawawala rin ang kirotTiisin mo lang Blue" sabi ng nurse at tinuloy ang pagmamassage na ginawa niya.

Sa tuwing napapasigaw ako sa sakit andyan si Dale na kinocomfort ako.

"Masakit pa ba? " tanong ng nurse at umiling ako.  Di na siya masakit pero namamaga pa rin kaya nilagyan ng cold compress.

He's My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon