Chapter 1Dalawang magkaibang tao, pero parehas na gustong makawala sa kanilang pamumuhay ay mabibigyan ng pagkakataon na matupad ang kanilang kahilingan ngayong gabi. Hindi nila alam na ang kahilingang ito ay tuluyang makakapagpabago ng kanilang buhay magpakailan man.
***
Sa isang low key bar sa gitna ng ciudad ay may babaeng nakaupo sa pinaka gilid ng counter at nagpapakalunod sa alak. Ito lamang ang naiisip niyang solusyon sa mga problema at sakit na kinakaharap niya ngayon.
"Ma'am Julia, tumigil na kayo. Walang maghahatid sa inyo pauwi" nag-aalalang sabi ng bartender.
"Shh! I told you not to call me that."
Ayaw niyang tawagin siya sa kanyang pangalan dahil baka pagkaguluhan nanaman siya ng mga tao. Wala naman masyadong tao sa bar, pero mas mabuting nang maingat.
Gusto na niyang patayin ang sarili sa alak kung pwede man, kaso hindi siya mamatay-matay. Nung isang araw lang ay nakipagbreak sa kanya ang fiance na si Nico Miranda, isang bagong sikat na director. Matagal na niya itong kilala at matagal na rin silang magkasintahan, simula pa lang nung mga artista pa sila. Si Nico ngayon ay pinili nalang maging matagumpay na tao sa likod ng camera at siya naman ay napunta sa larangan ng pagkanta.
Nakisawsaw ang mga reporters sa nangyari kaya naman kalat na kalat na ang balitang iyon sa telebisyon at social media. Gusto lang naman niya ng privacy, pero para sa taong katulad niya ay isa itong luxury na napakahirap mabili.
Isang babae ang tumabi sa kanya sa bar at inakalang isa sa taga hanga niya kaya napamura siya ng mahina. Ngunit hindi pinansin ng babae si Julia at narinig itong umiiyak ng mahina.
Nakaramdam naman siya ng relief nang malaman na hindi naman pala siya ang pakay ng babae. Umorder ito ng orange juice sa bartender ngunit hindi niya rin ito ininom. Tinitigan lang niya at umiyak ng malakas. Pinapatahan siya ni Julia dahil napapatingin na ang mga kakaonting tao sa kanila. Ayaw niyang magka-scandal na naglalaman sa balita ay nagpaiyak siya ng isang babae. Maaaring gawan pa siya ng iba't-ibang kwento ng mga reporters niyan.Ngunit hindi siya napapansin ng babae na nag ngangalang Bianca. Masyadong umiikot sa utak niya sa mga ayaw niyang mangyari at yun ay maipakasal sa hindi niya kakilala. Naiisip rin niya ang trabahong ayaw niya iwan dahil gustong-gusto niya ito. Pakiramdam niya masyado siyang tali ng magulang kahit dalawampu't anim na taon na siya. Ang gusto lang naman niya ay kalayaan upang magawa ang mga bagay na gusto niya at kasama na dun ang pagpili niya ng trabaho at ng taong mamahalin.
Paubos na ang luha niya ng mapansin na may babaeng tumatahan at tumatapik-tapik ang kamay sa likod niya. Napapalakas ang tapik nito sa likod niya at nakitang naiinis na ang babae sa kanya. Ngunit nagulat siya dahil ito ay isang kilalang aktres at ngayon ay singer. Hindi siya makapaniwalang tinatahan siya ni Julia Domingo.
"Miss, what's your problem ba?"
Ang may mapagsabihan siyang problema ay ikinatuwa na ni Bianca. Wala kasi siyang mapag sabihan, lahat kasi ng nagiging kaibigan niya ay kayang manipulahin ng kanyang magulang gamit ang pera. Konting pera lang at bibigay na ang mga ito. Isang kaibigan lang ang mapapakitiwalaan niya ngunit hindi niya pa rin kayang sabihin ang problema niya dahil meron din ito.
Nagkwento si Bianca tungkol sa kanyang problema kay Julia.
"I can't believe you're letting them control you! Pack up and get the hell out of that house. Geez, I don't even know if that's even called a house. Kulungan ang tawag dun" galit na galit na sabi ni Julia. Masyado siyang apektado sa kwento ni Bianca.
"Easy to say, but hard to do. Sila ang nagpalaki at nagpa-aral sakin. Ramdam ko naman na mahal nila ako, kaso sobra nga lang. They're my parents I still have to respect them."
"Fuck respect! They don't respect your life. Ugh, thinking about it makes my blood boil. Yun pa naman ang ayaw ko sa lahat, nililimitahan lahat ng choices ko sa buhay." Natawa si Bianca sa reaksyon ni Julia, mukhang mas apektado pa ito sa kanya. Nagtaka si Julia at nagtanong kung bakit siya tumawa.
"Nothing. I really appreciate your thoughts. I wish I'm like you." Nakangiting sabi ni Bianca.
"Trust me. You don't wanna be me. Gusto mo bang mawalan ng privacy?"
"Really? So what's your story?" Mejo alanganing tanong ni Bianca. Alam niya ang nangyari kay Julia nung isang araw. Nabasa at napanuod niya ito sa news.
Nagkwento si Julia tungkol sa buhay artista niya at ang kawalan niya ng privacy. Ngunit hindi nito nabanggit ang tungkol sa kanila ng dati niyang fiance. Kung tutuusin, strangers pa rin naman sila sa isa't-isa, kaya hindi mawala sa utak ni Julia ang takot na makalabas ang storya kung magk-kwento siya tungkol sa love life niya.
"I don't get it though. You have a strong personality, I think you could easily work on that privacy. Quit or something?" Nagtatakang tanong ni Bianca.
"I can't. I promised my mom when she died that I'll fulfill her wish. Ang maging artista. Mejo corny no?"
"No! It's not. I think you're a good daughter." Kanina pa napapansin ni Bianca ang panay hawak ni Julia sa ring niya. "I'm sorry, I can't help but notice, is that ring from the fund raising charity for the Home for the Aged?"
"Yeah, how did you know?"
"I got a ring too! It's a feather that symbolizes a free bird." Tinanggal ni Bianca ang singsing niya at pinakita kay Julia.
"Mine's a lotus flower, it symbolizes new beginnings. I heard there were only three of these sold. Nasa atin pala ang dalawa. You must be hella rich then?" Tinanggal din ni Julia ang kanya at nakipagpalit ng singsing para mabusisi ng mabuti at sinukat ito sa kanilang mga daliri.
"Excuse me ladies, it's already 11:09 pm Maybe you would like to join our bar's tradition every night? You wish at 11:11pm and all your wishes will come true." Sabi ng bartender sa kanilang dalawa.
Nagtaka si Julia dahil hindi naman siya sinasabihan ng ganun dati. "Hey! Bakit ako hindi niyo sinabihan ng ganyan? Regular customer kaya ako dito."
Nagkamot ng ulo ang bartender, "eh Ma'am Julia, lagi ka namang ala una ng umaga dumadating dito. Hindi ka na abot."
"Will you wish?" Tanong ni Bianca kay Julia. Ngunit umiling ito dahil naniniwala siyang kathang isip lang ito. Samantalang si Bianca naman ay sabik nang humiling.
Dumating na ang 11:11 pm at tahimik na humiling si Bianca. Hiniling niya na sana maging malaya na niyang gawin ang gusto niya sa buhay.
Si Julia naman ay kahit hindi naniniwala ay humiling ng patago na sana ay magkaroon na siya ng privacy.
Matapos nilang humiling ay tinuruan ni Julia si Bianca uminom at pinakilala ang mga pabirito niyang inumin sa bar.
Nang mag ala una na ng umaga ay napagpasyahan na ni Bianca umuwi, ngunit si Julia ay gusto pa mag party sa kabilang sikat na bar, kaya nagkahiwalay na sila ng landas.
Nagkahiwalay sila na suot-suot ang singsing na hindi naman sa kanila...
BINABASA MO ANG
Wishes, Dreams and Love
RomanceJulia Domingo broke up with her fiance, Nicholas Miranda. Being famous in showbiz is not helping at all. Privacy will always be a luxury. All she ever wished for is to start a new beginning without the cameras. Bianca Yuchengco is getting married to...