Hulaan Nyo Kung Sino Sya XD

168 5 0
                                    

My late update

_________________________________________________________________________________________

Pakinggan niyo yung KUNG AKO NA LANG SANA. PLEASE.

Nakatingin ako sakanila habang papalabas siy-- sila sa campus. Ganun pa rin siya. Wala masyadong nagbago sakanya... Isa lang... wala na AKO sa tabi niya.

Masaya silang magkahawak ng kamay at nagtatawanan. Ewan ko ba, ilang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako nakakakalimot sa nakaraan. 

Sinundan ko sila. Bakit? May masama ba? Gusto ko lang makita, gusto ko lang matauhan sa mga kagaguhan ko. 

Siya yung kauna-unahang taong minahal ko, siya yung taong hindi mo aasahang 'ganun' pala ang ugali. Pero mali pala ako, AKALA ko iba siya. AKALA ko hindi niya ako paglalaruan. Pero para sakanya pala ako'y isang laruan lamang.

Isang pampalipas oras.

Isang bagay, para sakanya na daan upang magselos ang mahal niya talaga. 

Naguguluhan na ba kayo? Kung sino ba talaga ako?

Ako si Jhaycee Arenas Ang babaeng nagpakatanga sakanya. Ang babaeng umasang mamahalin NIYA ako pabalik. Pero UMASA lang ako. Namatay ako ng dahil sa maling AKALA. 

Tama nga sila., Maraming namamatay dahil sa MALING AKALA. 

Marami na ang nasaktan.

Marami na ang umasa. 

Tama na. 

Ayoko na. 

Durog na durog na ang aking puso. 

Sinisigaw ng utak kong tama na ngunit sinasabi ng puso kong mahal ko pa siya. 

Nakakainis. Kasi ayaw nilang makisama saakin. Gulong gulo na ang aking isip, Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. 

Kung ako na lang sana. Ako na lang sana bestfriend.

Ako na lang Kyle. Mamahalin kita ng higit pa sakanya. Iibigin kita hangga't hindi ko na kaya. 

Iibigin kita hangga't magsawa ka. 

Naglalakad ako ng biglang *boogsh*

"Pasensiya na. Hindi ko sinasadya. " sabi ng lalaki na parang ang cold cold. 

"Ganyan naman kayong lahat e! Sinasabi niyong hindi niyo sinasadya! Pero ang totoo oo! Bwisit! Sa susunod tumingin ka dinadaan mo! Hindi yung nahuhulog yung taong binabanga mo! Tapos ano? Kapag nahulog na.. Iiwanan niyo na!" naiinis kong sabi doon sa lalaking bumanga saakin. 

"Sorry besh. " inulit niya pa. Tsk. Teka! Ano daw? BESH?

Pagkatingin ko sa lalaki, lumaki ang mga mata ko. Tumibok nanaman ang puso ko. Tumigil ang mundo ko na tila ba kaming dalawa na lang ang naroon.

Tumigil ka na. Tumigil ka na sa pagtibok ng dahil sakanya. Paulit-ulit kong sinasabi sa saril ko. 

"K-Kyle, pasensiya ka na at nasigawan kita. I-Ikaw pala yun. Sorry be- este Kyle . " sabi ko sakanya. 

Naririnig mo ba besh ko? Ang pagtibok ng puso ko? Malamang hindi. Lagi mo akong iniiwang VOICELESS. 

Lagi mong pinapakinggan ang boses ng iba ngunit narito naman ako lagi sa tabi mo... yun nga lang iniwan mo ako. Iniwan mo ako sa ere na tila bang ibon na nawalan ng pakpak. Bumagsak ako galing sa himpapawid at hindi mo man lang naisipang tulungan ako, ako'y naging isang pobreng ibon na walang kwenta...

Walang mapupuntahan, walang maliliparan.

"Gusto mo bang maglakad lakad? Para naman magkwento ka tungkol sa mga nangyari na sayo.. Simula kasi noon hindi mo na ako kinausap e. Sorry ha?"

Tanga ka ba? Ginamit mo ako! Pinaasa mo ako! sa tingin mo pagkatapos ng lahat ng sakit na iyon papalampasin ko lang? Ano? Pagkatapos nun papatawarin kita agad-agad?

---------

Oo! Mahal kita. Oo! Importante ka saakin pero hindi naman ako ganun ka desperada. Hindi naman ako ganun ka tanga.

"Paano na si Cha? Yung GIRLFRIEND MO? Naging busy RIN kasi ako. Wag kang mag-alala hindi naman ako nakalimot tulad ng iba diyan. Hindi naman ako lumalapit sa isang tao kapag may kailangan lang." pinagdiinan ko ang ibang salita diyan para matamaan siya. 

"Sorry na besh. Namiss kita!" Sayang saya niyang sabi, Yayakapin niya na sana ako ng umiwas ako. 

"Umayos ka nga!" sigaw ko sakanya

"Sorry na. Nagmahal lang naman tayo diba? Kaya ka nasasaktan ngayon kapag kasama ko si Cha. " sabi niya saakin na parang wala lang talaga ang ginawa niya saakin. Ang kapal ng mukha mo. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan.

"Yun nga eh! Nagpakamalas ako! Nagpakatanga ako! Minahal kita BESH! Minahal ko ang bestfriend ko! Hindi hadlang para saakin na bestfriends lang tayo. Hindi ako tumigil kasi MAHAL KITA. Minahal pa rin kita kahit alam ko na wala akong pag-asa. Naghintay ako... naghintay ako na baka balang araw mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo! Pero hindi Kyle! Sinaktan mo lang ako! Ginamit mo lang ako! Sana noong simula pa lang sinabi mo na! Sana sinabi mong may mahal ka ng iba, para hindi ako nasasaktan ng ganito! " umiyak na ako. 

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Unti-unti ng pumatak ang luha ko. 

"Besh..." sabi niya na para bang malungkot siya. 

"Nagmahal ako ng isang taong kaibigan lang ang turing saakin. Nagmahal ako ng isang taong kahit kailan hindi ako mamahalin pabalik. Maraming salamat dahil ginamit mo ako, maraming salamat dahil kinaibigan mo ako. Maraming salamat sa lahat Kyle, PAALAM. " sabi ko sakanya at unti-unti na akong umalis. Sana ito na ang huli nating pagkikita. Sana hindi ka na magparamdam...

Kung Ako Nalang Sana (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon