Chapter 2

3.5K 68 0
                                    


Hindi maipaliwanag ni Elle ang kanyang nararamdaman nang makatapak siya sa Pilipinas. Kasalukuyan siyang nasa labas ng airport habang palinga-linga sa paligid. Madilim na dahil gabi na nang makapalapag ang eroplanong sinakyan niya, kaya medyo hindi niya maappreciatte ang lugar na tanging ilaw lamang sa mga buildings ang nakikita niya.

She decided to na maglakad patungo sa pila ng mga taxi, hila-hila ang malaki niyang maleta habang nakasabit sa likod niya ang travelling bakpack niya. Nakipila siya doon and when her turned ay hindi niya maiwasang kabahan,

She heared before about taxi drivers na nang-ho-holdup sa mga tourist passengers ng mga ito. Pero that was a many years ago at balita niya ay iba na ang presidente ng Pilipinas so she just think positive and hoping na wala na ang mga driver na ganoon.

"Where are we going, Ma'am?" Tanong sakanya ng driver matapos ma-i-ayos sa compartment ang maleta niya at makapasok sa loob ng taxi.

"Uh--nearest hotel, please." She said at pinagdaop ang mga palad.

"Is this your first time visiting our country, Ma'am? I can't see any resemblance of a filipina beauty in you. I assume you're a tourist." She held her breath. Kahit na wala silang dugong Americana ng Ate niya ay makikita parin sa features nila. She has a chinita brown eyes katulad ng sa Ate niya, ngunit mala-porcelana naman ang kanilang mga kutis at may pagka-brown din ang kanilang buhok. Dala ng paglaki nila sa States ay nakuha na nila iilan sa mga features ng mga ito, na-adopt na nila ang ilan sa culture ng mga ito. They are also has a one-fourth chinese blood na mula sa side ng Daddy nila.

"Ah yes, but I am a filipina." Aniya na lamang at bumuntong hininga.

"Do you understand filipino language, Ma'am?"

"Yes. I can also speak filipino, fluently."

Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Nanatili ang mga mata ni Elle sa pagtanaw sa labas ng bintana at inignora ang driver kahit na medyo uneasy siya dito.

"Mawalang-galang na po, Ma'am, pero kanina ko pa po kasi napapansin ang pagkabalisa niyo, natatakot po ba kayo sa akin?" Parang sandaling huminto ang mundo ni Elle dahil sa tanong na iyon. Naramdaman niya ang pagliko ng sinasakyan at ang matulin na pagtakbo nito. Napatingin siya sa harapan at nakasalubong ang mga mata ng driver na pasulyap-sulyap sakanya.

"Huwag po kayong matakot, Ma'am. Wala po akong gagawin na masama, nawala na ang mga mapang-abusong taxi drivers ng pamunuan ng matapang na presidente ang Pilipinas. Galit kasi iyon sa mga drug-addict at kriminal." Natatawang saad nito kaya napabuntong hininga na lamang muli siya.

"Pasensya na po, Manong." Sambit na lamang niya.

"Ayos lang po, Ma'am. Hindi na po siguro ma-a-alis sa mga mata ng tao ang imahe ng mga taxi drivers, pero ngayon ay nakakasisiguro po ako na wala ng gagong driver. Lalo na po sa mga turista o balik-bayan. Marangal na po ang pagtatrabaho namin, at may respeto na po ang bawat isa sa kanilang kapwa." Napangiti na lamang siya at saka muling humingi ng pasensya dito.

Tumigil ang taxi sa tapat ng stoplight kaya mas naaninag niya pa ang taxi driver na tila pamilyar sakanya. Nanatili siyang nakatitig sa rear view mirror habang nagkukwento ito. At nang ibaba siya sa isang sikat na hotel ay nagtakha pa siya ng hindi nito tanggapin ang bayad niya.

"Bakit po? Sayang po ang gas niyo, Manong." Giit niya.

"Hindi na po, Ma'am." Nakangiti anito saka pinasibad na ang sasakyan matapos maibaba ang maleta niya. Tinanaw na lamang niya ang papalayong taxi hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Napabuntong hininga na lamang siya at tuluyang pumasok sa hotel. Mabilis niyang tinungo ang reception area at nag-check-in sa kwarto na nasa mataas na palapag at may magandang view ng buong city. Tahimik siyang sumakay sa elevator kasama ang bell boy na mag-a-assist sakanya, hindi pa din mawala sa isipan niya ang taxi driver na nakausap kanina hanggang sa napahinto siya nang bumukas ang pinto ng elevator at makita ang poster na may mukha ng isang lalaki.

The Memory (H2B Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon