Chapter 5

2.7K 57 6
                                        


Gamit ang perang namana ni Elle mula sa Lola niya, at ang ilang halaga sa bank account na bigay ng Ate niya ay nagawa ni Elle na makabili ng townhouse sa malayong lalawigan ng Bueno sa parteng North ng bansa. Nagawa din niyang ipunin ang pera niya at ilagay sa joint account na ginawa niya para sakanila ni Jake para mas makatotohanan ang pagiging mag-asawa nila, bukod pa doon ay nagawa din niyang papirmahin ito sa marriage contract nilang dalawa na na-i-register na sa national statistics office na mahigit dalawang buwan din niyang prinoseso mabuti na lamang at dala niya ang ilan sa mga dokumento niya. Nalaman niya ang mga ganyang klaseng bagay sa tulong na din ng internet.

Two months had passed, at nagawa ni Jake na gumaling. Ngayon ay nakakalakad na ito at wala ng kahit anong benda, pati ang neck brace nito ay natanggal na, yun lang ay wala parin itong maalala.

Nagawa din ni Elle na gumawa ng kwento ng pag-ibig nila ni Jake na pinaniwalaan naman nito. Pati ang tungkol sa pamilya at trabaho nito ay gawa-gawa niya lamang din.

May mga panahon na nakokonsensya siya pero masisisi niyo ba siya kung isa siya sa mga fangirl na nangangarap ng ganito? Na maging asawa ng idol nila. Iniisip na lamang niya na kakampi niya ngayon ang tadhana dahil na din sa mga nangyari. Good thing ay sa malayong parte ng Metro na-ospital si Jake, private ito ngunit kakaunti lamang ang pasyente.

"Elle, are you sure about this? Hindi ba at mag-e-enroll ka sa Celestine University gaya ng sabi mo dati?" Tanong ni Jake sakanya habang pinapanuod siya nitong i-empake ang mga gamit nila dahil lilipat na sila sa townhouse na nabili niya pero ang sabi niya kay Jake ay conjugal property nila.

"Pero plano na talaga natin na manirahan doon before the accident, kaya doon nalang din ako mag-aaral." Giit naman niya na hindi ito tinitignan.

Ngayon lang kasi sila i-n-advice ng doctor na pwede ng magbiyahe after the accident dahil tuluyan ng magaling ang binata, kaya ngayon lang sila maaaring umalis. Kinakabahan na rin kasi si Elle dahil alam niyang pinaghahanap na ang 'asawa' niya kaya kailangan na silang lumayo.

Ibabalik naman niya si Jake sa pamilya nito, iyon ay kapag nalaman na niya ang 'feeling' niya sa aksidenteng nangyari dahil iba ang kutob niya doon. Saksi siya sa aksidenteng iyon na nagkataon na siya lamang ang tao at naniniwala siyang hindi iyon aksidente lang, siguro ay sinadya at kailangan niya ng pruweba. O baka sinasabi niya lamang iyon para may excuse siya para sa kagustuhan niyang angkinin ang binata?

Pang-teleserye man ang datingan ng nangyayari sakanya ay alam niyang hindi parin siya lubos na masaya, dahil alam naman niya at aware siya na kasinungalingan lang niya ang buhay nila ni Jake. Imagination siya na nagawa niyang gawing reality.

"Okay, If that's what you want." Sabi na lamang ni Jake na nagpangiti sakanya saka tinulungan siya sa pag-i-impake.

She also got the chance na pumunta sa condo ni Jake nang mga panahon na nagpapagaling ito, sa tulong ng mga gamit nito na nakuha sa sasakyan kaya nagkadamit si Jake at ilang gamit habang ang ilan ay binili niya.

Madaling araw ng magbiyahe sila paalis sa Metro sakay ng bus.

Minsan ay nakakaramdam parin ng pagka-ilang si Elle sa tuwing yayakapin, hahalikan sa pisngi o hahawakan siya nito sa kamay. Isa siya sa mga babaeng kasali sa komunidad ng NBSB o no boyfriend since birth kaya hindi maiwasan na tumindig ang balahibo niya sa skin contact nila ni Jake. Idagdag pa na wala siyang kapatid na lalaki at maagang namatay ang Dad niya. Ang Kuya Jin niya naman ay masyadong seryoso sa buhay at hindi niya rin ka-close.

Katulad na lamang ngayon, nakapalibot ang isang braso ni Jake sa bewang niya habang nakahilig ang ulo nito sakanya. Gusto man niyang alisin ito ay hindi pwede dahil baka makahalata ito, mabuti na lamang at sinabi niyang two months palang silang newly weds kaya If ever na hilingin nitong gawin nila iyon ay may rason siya.

The Memory (H2B Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon