Chapter 1: First day of School
(Admin Potskii~Hi Readers! Try to play the video while reading the chapter. ^.^)
.
.
.
.
Harley's POINT OF VIEW
.
.
.
.
Haaay nako....first day of school nanaman. Medyo tinamad ako pumasok pero kailangan ko e. Anong oras na ba?[6:00am]
Oh my gosh! Kailangan ko na bumangon! Pero yung kama ayaw ako paalisin dun. Or...ako lang yung may ayaw umalis? WAAH!! Inaantok pa ako! Makatulog nga muna for.....five minutes....
zzzzzzz.......
Ang sarap na ng tulog ko tapos biglang....
"GOOD MORNING SUNSHINE!!! WAKEY-WAKEY!!!" si tita Patricia biglang sumigaw! Ay hindi....malakas lang boses niya pero estorbo parin! Binuksan niya pa yung bintana ng not-so-big kong kwarto! Ugh!! Ang liwanag! Siguro five seconds lang ako nakaidlip. Di ba dapat five minutes?! Di na tuloy ako makatulog!!
"Ano ba naman yan tita! Ang sarap pa ng nap ko e. Este, tulog."
"Ano ka ba? Masanay ka na! Nag summer-vacation lang naman tapos di kana nasanay magising ng maaga. Ikaw pa naman yung earlybird. Bumaba ka na nga at kumain ng almusal. Maghilamos ka nga pala muna! Ang dami mong muta!!"
"Oo na sige na tita, bumaba ka na. Asan nga pala si Mara?"
"Nandun na sa baba, nakabihis na. Kumakain pa nga lang. Sige, baba na ako sweetheart ah? Sunod ka nalang."
"Ok po." yun nalang sinabi ko. Bumaba na siya tapos inayos ko na ang kama ko. Sinuot ko ang bunny slippers ko at lumabas para maghilamos. Sinuot ko narin yung 'oversized glasses' ko. Tinanggal ko retainers ko tapos napatingin ako sa salamin. Haay..ang dami ko paring freckles. At least pink yung cheeks ko ngayon. Haha!
Inaantok pa ako! Sabay hikab. Bumaba na ako para mag almusal. Tapos may naamoy ako.....mukhang favorite ko 'to ah......ay wait.......BACON!!!!
"Yay! BACON!! MY FAVORITE!!"
"Sabi ko na nga ba e. Ganyan nanaman reaction mo pag nagluto si mama ng bacon. Kumain ka na! Ikaw nalang hinihintay dito. Tapos na kami ni mama." sabi ni Mara.
Kumain na ako agad. Pero grabe ah....BAKIT AKO GANITO KUMAIN?!? Para naman akong di kumain ng ilang araw! Grabe?! Porket bacon ulam? Ay teka....naalala ko nga pala, tuwing bacon ulam palagi akong ganito. Parang rated PG. Ayoko na sabihin kasi masama yun e. Sabi nila.
"Uy Harley....calm down! Ganyan ka nanaman!" sabi ni tita.
"Ok....I'm DONE!!"
"Ok na. Maligo ka na at magbihis, naka-ready na ang pinsan mo."
"Sige po. Mara, hintayin mo ko ah!"
"Oo naman, para namang iiwanan kita."
Wow. Parang hugot line ah. That line will forever stay inside my head.....pero sana naman iba magsabi nun, katulad ni Mr. Right or si Prince Charming! Dibale, makaligo na nga!!
[After 40 mins...]
OVERSIZED GLASSES.....CHECK!
LONG SLEEVES AND SKIRT.......CHECK!
SCHOOL SHOES....CHECK!
BINABASA MO ANG
Loving the Badboy (ON-GOING)
Novela JuvenilAlam mo ba yung feeling na may "hate or galit" ka sa isang tao? But what if...... Yung pinaka-ayaw mong tao, ay ang mamahalin mo ng higit pa sa sarili mo?