The

3 1 0
                                    

Don't expect too much lol. This and the next chapter will be flashbacks. In case you'll be confused.

------------------------

I sprinted faster. Ano ba yan? Hindi ko naman akalain na late na kami idi-dimis sa Trigo. Paano na to? Kailangan ko yung libro.

Tinignan ko ang sign sa hagdan kung saan sinasabing dalawang palapag pa ang bababain ko papuntang library. Patay ako kila Des kapag nagkataon.

Hingal kong binuksan ang pinto at sinalubong ako ng lamig ng aircon. Takang tinignan ako ni Ma'am Riza.

"Oh? Anong oras na ah? Isasara ko na ang library." ugh.

"Miss,saglit lang po talaga ako. Kailangang kailan ko po talaga yung libro para sa Research namin." pumayag kana Miss maganda ka naman huhu.

"Nako,miss. Friday na at mahirap sumakay. Buti sana kung may kotse ka at ihahatid moko." tumawa pa siya ng bahagya. Napakamot ako sa ulo ko.

"Eh...sige na po. Five minutes o kaya three,promise!"

"Kayo talaga! Ako ang namomroblema ng pag-cram niyo." hindi naman ikaw ang gagagawa Ma'am eh!

"O siya sige! Five minutes ah! Malalate ako sa pag-uwi may date ma pa naman ako ngayon."

"Thank you po!" ngiting-ngiti ako sa kanya bago tumakbo sa likod papunta sa References section.

"No running please!" five minutes at hindi pa ako pwedeng tumakbo?

Binagalan ko na lamang at nag-half run sa dulo ng pasilyo. May masasabi talaga ang eskwelahan namin kahit High School lang. Ang daming libro oh!

"O,P,Q..." alphabetically arranged ang mga libro.

"R...ayun! Rules in Scientific Writing huh." aabutin ko na. Eto na!

At dahil nagkulang talaga ako sa height ay kailangan ko pang may matutungtungan para maabot yun! Badtrip naman oh!

"Oy,takte!" nagulat ako ng biglang sumulpot ang isang lalaki sa gilid ko at inabot ang librong kailangan ko.

Wooh! Salamat naman at may gentleman na umabot. Inabot at hinawakan ko na yung libro.

"S-salamat---" inilayo niya sa akin ang libro at ngumisi. Ay pogi!

"What? Tss." tinaasan niya ako ng kilay at nagsimulang maglakad paalis.

Teka! Yung libro ko! Aba't! Ang lakas ng loob ng isang to!

"Kuya,akin yan!" tumigil siya at tumingin sa akin kaya ngumiti ako ng malapad.

"You snooze,you loose." Anoooo daw?

Tumalikod ulit ito pero pinigilan ko.

"Ako ang nauna. Kailangan ko yan para sa Research." sinipat ko siya. "Mukha namang rk ka kaya ipahiram mo na lang sa akin at bumili ka na lang. Pleaaase?" nagmamaka-awa na talaga ako.

"I need it. You can't get. I got it. Now,it's mine." kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Hindi ko lang maabot bawal ng maging akin? Sige na! Maawa ka please." kinagat ko ang labi ko. Patay ako neto! Pero syempre di ako aalis dito ng hindi ko hawak yang orange book!

Napatigil ako dahil lumapit siya sa akin. Yung malapit. Yung na invade na ang personal space ko. Shucks! Ang puti ng mukha. Pimple free pero may iilan diyan pero ugh. Bat ba ito ang naiisip ko. Focus on the book,Shani!

"Maawa? Not on my dictionary,babe." a-anong?! Gago to ah.

Bago pa ako maka-react ay sumulpot sa gilid si Miss Riza at sinipat ang nangyayari.

"Five minutes!" tinapik niya ang kanyang relo at pinandilatan kami.

"Mr.Maldivar and you Miss..." kinagat ko ang labi ko. Maba-ban ba ako? Oa ah?

"Monteval po. Miss,sorry. Nakuha niya kasi yung librong kailangan ko. Pinapakiusapan ko na kung pwede bumili na lang siya at akin na lang--"

"You wish."

"Oo,wish ko talaga akin na yan!" inabot ko ang libro sa likuran niya.

"Midget." tignan mo'to!

"Aba! Akala mo kung sino ka ah? Close ba tayo? Makapag-comment ka sa height ko!" sigaw ko sa kanya.

Pinagalitan kami ni Miss Riza at sinabing mag-share sa libro. Share na naman! Hindi kami makakatapos niyan! Pero anong magagawa ko? As if naman hahayaan ko siyang magsaya sa libro.

Napagdesisyunan namin na alternate na lang kami sa paggamit.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon