TFOU: Chapter Eight ♡

20 0 1
                                    

《A/N: Since may ranking na itong story sa ito :) nais ko pong magpasalamat sa mga sumoporta sa story ko na ito :) <3 naway magustuhan niyo pa :) wag po kayong magsasawang sumubaybay》

GRACE'S POV

Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos naming mag-usap usap kanina tungkol sa bakasyon.

*phone rings*

*SALES MANAGER CALLING*

"Good Evening ma'am" maggalang na bati niya.

"Anong status ng kompaniya?" Tanong ko.

"Ma'am, may client po tayo nakapangloko sa isa sa mga empliyado natin" sabi niya.

"And who is that?" Tanong ko.

"Si Sir Henry Lim po" sabi niya.

"May mga stocks napo siyang nakuha, nagbigay po ng check pang bayad pero tumalbog ang mga check, hindi narin po siya macontact ng empliyadong pinagbilhan niya ng stocks" dugtong niya.

"Ano? Bakit! Napakawalang hiya naman nila" galit na sabi ko.

"Ma'am we need to gather the board members o kaya po kahit tayong 2 po ang magkita para sa gagawing hakban sa issue na ito" sabi niya.

"Ganito magkita tayo, one of this days habang hindi pa ako busy masyado" sabi ko.

"Ma'am, I felt really bad for this news din po, wala po sana akong balak ipaalam sa inyo hanggang hindi po tayo nagkikita in personal, pero ma'am almost 1.1M po ang tumalbog na check from Mr.Lim" mahinang sabi niya, parang nagunaw naman ang mundo ko nung marinig ko ang sinabi niya naghahaling galit at lungkot ang emotion ko.

"Magkano? Ang laki naman!" galit na sabi ko. 

*END OF CALL*

Palugi na nga ang kumpaniya, nilulugi pa ng nilulugi, kapag nagkataon at hindi pa ako kumilos  baka ma bankrupt kami. Hindi pa natatapos ang tawag ng manager ng sales ibinaba ko na nung marinig ko na may tao sa labas ng kwarto.

Pagkabukas ko ng kwarto nakita ko si Justine na malapit sa pinto at si Christian na nakangiti pa.

"Kanina kapa jan?" gulat na tanong ko, mamaya may narinig siya ayukong mag-alala pa siya at pagnagkataon na narinig niya baka sabihin niya kila Mae. Hindi naman sumagot si Justine.

"Ay hehe, una na ako" sabi ni Christian saka bumaba, hindi parin naimik si Justine.

"Tinatanong kita Justine, kanina kapa ba jan?" Mas mataas na boses na tanong ko sa kaniya.

"Hi-hindi kakarating ko lang baba muna ako" nauutal na sagot niya saka bumaba ulit, sa palagay ko may narinig nga siya paano na 'yan.

Tiningnan ko muna siya habang pababa bago ako pumasok ulit sa kwarto.

*SMS TO: SALES MANAGER*

Sorry if I put down the call, let's meet tomorrow morning 8am sharp at the Starbucks Evia, I want you to bring all the papers about our transaction on Mr.Lim

*SMS SENT*

Humiga na ako sa kama para makapagpahinga na, nilapag ko naman sa side table ang phone ko hindi naman ata papakialam ni Justine 'to.

JUSTINE'S POV

Nandito ako ngayon sa may salas nagmumuni muni habang nainom ng beer, halos mag 1 oras narin akong nakaupo dito simula nung bumaba ako ulit.

Hindi naman ako problemado, mag gumugulo lang sa isip ko, matamlay kasi si Grace eh, feeling ko talaga may malaki siyang problema, hindi ko nga lang siya makausap kasi sunod sunod ang occasion dito sa bahay.

*FLASHBACK*

Papasok na sana ako sa kwarto namin si Grace ng may narinig ako na kausap siya at nasa galit siyang tono.

"Ano? Bakit! Napakawalang hiya naman nila" galit na sabi ni Grace. Ako naman diko tinuloy ang pagpasok at pinakinggan nalang siya sa labas ng kwarto.

"Ganito magkita tayo, one of this days habang hindi pa ako busy masyado" sabi ni Grace.

"Magkano? Ang laki naman!" Sabi niya ulit.

"Hoy justine anong ginagawa ko jan" pangugulat sa akin ni Christian, nalintikan na bigla namang bumukas ang pinto.

"Kanina kapa jan?" Gulat na tanong ni Grace, hindi naman ako makapagsalita akmang magsasalita na si Christian kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Ay hehe, una na ako" segway na sabi ni Christian at bumaba na hay buti nalang.

"Tinatanong kita Justine, kanina kapa ba jan?" Tanong ulit ni Grace kaso mas mataas ang tono.

"Hi-hindi kakarating ko lang baba muna ako" nauutal na sabi ko sabay bumaba na, nakita ko naman na tiningnan niya ako bago pumasok ulit sa kwarto"

*END OF FLASHBACK*

Kaya eto ako nandito sa baba at nag-iisip kung ano ba talagang problema ni Grace.

"Bro!" Sigaw ni Vannie sabay tapik ng malakas sa braso ko.

"Oh?" Gulat na usal ko.

"Putengene kanina pa kita tinatawag, lutang ka ata" sabi ni Vannie sabay upo sa tabi ko.

"Wala to bro" sabi ko na may mahinahong boses, Kunot noo naman siyang tumgin sakin parang nagtataka.

"Don't me bro" bakong english na sabi niya. Tumahimik muna ako saglit

"Bro, napapansin mo bang malungkot si Grace, o galit netong mga nakaraang araw?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

"Nako bro, alam mo namang puro happy happy tayo dito sa bahay at diko na napapansin mga pangyayari dito sa paligid ko, nag-away ba kayo?" Sagot niya sabay lagok sa beer ko.

"Kanina kasi bro may kausap siya sa telepono, pero nasa labas ako ng kwarto nun at nasa loob naman siya, ang narinig ko lang na pag-uusap nila ay yung galit na siya" kwento ko.

"Edi sana tinanong mo kung sino 'yun total may karapatan kang malaman yun kasi boyfriend ka niya" sagot naman niya.

"Nagalit kasi siya sakin pre" sabi ko naman.

"Edi mag-usap kayo, yung kayong dalawa lang, yung tipong heart-to-heart talk" sagot niya sabay tingin sakin ng nakakaloko. Tang ina neto, may kalokohan nanamang naiisip.

"Ge bro akyat nako" paalam ni Vannie, hindi na ako sumagot pa kasi pinag-iisipan ko ng mabuti yung sinabi niya.


TFOU: The FOUR of Us ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon