Chapter 25

7K 144 1
                                    

Cyrus' POV

"Zeus Minho. What the fuck are you doing here?" Galit na sigaw ko sa tatay ni Zam.

Tumawa naman ito ng pagka demonyo.

"Ah, Cyrus. You've aged. Mukhang hinaharang nio lahat ng assigned gunman namin para patayin ang mga bastardang mga iyan pati yung mga walang kwentang anak nio." Tinutok nya ang baril sa kambal ko matapos nyang magsalita. Agad naman itong tinago ni Zam sa likod ko.

"Hindi nio ba kami namiss, anak?" Sabi naman ni Charles Par. Ang tatay ni Carmeah.

"Hindi. Kailangan man hindi namin kayo mamimiss." Madiing sabi ni Carmeah sa tatay nya.

Nakarinig na naman kami ng isa pang tawa.

"Ah, daughter. I've missed you. Kamusta kana? Kay tagal mo namang mamatay. Hahahaha!" Sabi naman ni Zander Chui. Ang tatay ni Zerrhea.

"Tama kumpadre. Kay tagal mamatay ng mga bastardang ito." Sabi naman ng tatay ni Alexander Parker. Ang tatay ni Aley.

Nakarinig naman kami ng kasa ng baril kaya lalong umiyak ang mga bata.

"Oh shush, bitches." Madiing sabi naman ng tatay ni Yumi na si Yvo Hilton.

"Ano bang ginagawa nio dito?!" Galit na sabi ni Zam sakanila.

Lahat ng armadong lalake ay nagkasa ng baril at tinutok ito samin.

"What the fuck!" Malutong na mura ni Ethan. Agad ko naman nilagay sila Zam sa likod ko. Ganun din ang ginawa nila.

"Hahahaha. Handa kayo mamatay para sakanila? Stupid boys." Humahalakhak na sabi ni Zeus.

"Dakpin ang mga iyan! Ihiwalay ang mga bata sakanila!"

3rd Person's POV

Nanlaban naman sila Cyrus nang pilit kinukuha ng mga armadong lalake ang mga bata. Pinatakbo naman ito ng mga nanay nila sa itaas para magtago.

"Maico. Anong gagawin natin?" Umiiyak na sabi ni Mason habang nakaharang sa pintuan ng banyo sa isang kwarto.

"Patahanin nio muna si Summer at Misty." Madiing sabi nito. Agad namang dinaluhan ni Christoff at Bryle si Summer at Misty habang si Winter, Maico at Mason ay nakaharang sa pinto.

"Yung bathtub! Itulak natin pangharang sa pinto!" Ideya ni Misty habang umiiyak. Agad naman nilang tinulak ang bathtub kahit sobrang bigat nito. Naiharang naman nila ito sa pintuan.

"May bintana. Pero ang taas masyado. Pool ang bagsak natin. Pero.. Hindi lahat tayo marunong lumangoy.." Sabi naman ni Mason.

"Nakasarado ang pinto sa pool kaya hindi nila tayo mapupuntahan. Sinarado ko ito at sinabuyan ng paint kanina.. Kaya nagalit si Winter sakin." Mahinang sabi Summer.

"Pero si Mason, Winter at Bryan lang ang marunong lumangoy.." Sabi naman ni Misty.

"Kaya natin 'to." Sabi naman ni Bryan.

"BUKSAN NIO TONG PINTO!" Sabi ng mga armadong lalake habang pilit tinutulak ang pinto ng banyo.

"Labas na!" Sabi naman ni Mason.

Nagsilabasan naman sila sunod sunod sa bintana at tumayo sa kakaunting espasyo na meron.

"Ako, si Winter at Bryle ang unang tatalon. Isunod nio si Summer at Misty. Tapos sabay na kayo ni Maico tumalon, Christoff." Nanginginig na sabi ni Mason.

Tumalon na silang tatlo. Agad naman nilang naramdaman ang lamig ng tubig sa pool. Mabilis silang lumangoy para kumapit sa dulo.

"MISTY! SUMMER!" Sigaw naman ni Bryan.

"Natatakot ako." Umiiyak na sabi ni Summer.

"Tignan mo, Summer oh. Si Winter nakangiti. Inaantay kana ng kambal mo." Pag eencourage naman ni Maico kay Summer.

"Misty, humawak ka kay Summer. Wag kayong bibitaw sa isat isa. Sabay kayong mag swim pataas. Try nio padin ah." Sabi naman ni Christoff.

Naghawak kamay na si Summer at Misty at sabay silang tumalon.

Agad namang lumangoy si Winter at Bryle papunta sakanila. Inangat nila ang dalawa para makahinga at binato naman ni Bryle si Misty kay Mason.

Pinakapit naman ni Mason si Misty sa hawakan. Nang makakapit ba si Misty, binato naman agad ni Winter si Summer. Parehas ng umahon si Summer at Misty.

"Takbo na kayo, sa labas. Dun tayo sa park na pinuntahan natin magkita. Dun sa bahay bahayan sa ilalim ng slide? Dun kayo magtago." Sabi naman ni Mason sa dalawa.

"Papaano kayo.." Umiiyak na sabi ni Misty.

"Iwewait pa namin si Christoff at Maico. Punta din agad kami." Sabi naman ni Bryle.

"Takbo na!!" Sigaw naman ni Winter. Tumakbo na papalayo ang dalawa.

"Pano bayan tayo na." Sabi naman ni Christoff. Akmang tatalon na sila ng mahawak sila ng mga armadong lalake.

"Huli kayo!" Sabi nito. Pumalag naman ang dalawa. Kinagat ni Maico ang may hawak kay Christoff kaya nakalayo na ito.

"TALON CHRISTOFF!" Sabi ni Maico habang pumapalag. Nag alinlangan pa si Christoff pero tumalon padin sya. Kinuha naman agad siya ni Mason.

"TAKBO NA! TAKBO! IWAN NIO NA AKO!" Sabi ng pumapalag na si Maico hanggang sa naipasok na ito muli sa loob ng bintana.

Umiiyak na umahon ang apat na lakake at tumakbo na papunta sa park.

Binaba naman ng mga armadong lalake si Maico. Itinulak ito papunta kay Zeus Minho.

"Asan na ang iba?" Tanong nito sa mga armadong lalake. Nasa isang sulok sila Yumi at nakagapos. Pati sila Ethan na bugbog sarado ay nakagapos din.

"Bat ito lang ang nakuha niyo?" Tanong naman ni Alexander.

"Boss, tumalon mula sa bintana ang iba. Sa likod po sa pool. Nakatakas na yung iba. Ito namang isa nahawakan namin. Kinagat kasi niya yung may hawak sa iba kaya nakatakas po yung isa." Sabi naman ng lalake.

Malakas na sampal naman ang natamo ni Maico mula kay Zeus.

"Maico!! Ano ba! Bitiwan nio'ko!" Sigaw ni Zam.

"Lapastangan!" Mariing sabi ni Zeus.

Binagyan lang ng masamang tingin ni Maico si Zeus habang umiiyak.

"Matalino ang kakambal ko at si Winter. Makukulong kayo!" Sigaw nito. Nakatanggap naman siya ng isa pang sampal mula kay Zeus. Wala ng nagawa si Zam kundi ang umiyak.

"Pagbabayaran nio lahat ng galos at sugat na tatamuhin ng mga anak namin." Madiing sabi ni Cyrus. Initsa naman si Maico papunta kay Zam niya. Agad naman itong yumakap sa mama niya.

"Wag po kayong mag alala. Nasa mabuting kalagayan po ang iba." Sabi nito kaila Yumi at iba pa.

"Hanapin niyo ang iba pa! Wag kayong babalik dito hanggat hindi niyo sila nahahanap! Gusto ko sugatan at duguan sila pagbalik dito." Nakangising sabi ni Yvo.

"Mga walang puso! Mga bata lang sila!" Sigaw ni Yumi dito.

Humalakhak naman ang mga tatay nila at nagpatuloy sa pag inom.

Teen Moms(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon