Carmeah's POV
Nagising nalang kameng lahat na mugto ang mga mata. Hindi kame nagpapansinan. Haist. Nasa hapag kameng lahat busy sa pagkain ni wala talagang nagpapansinan.. Hindi naden kame natuloy sa boracay invasion..
"What's the truth, Mom? Tita?" Medyo naiiyak na tanong ni Maico.
"H-hindi po ba talaga namen papa sila papa max?" Naiiyak na tanong ni Mason. Hindi maipinta yung itsura ni Zam. Shit shit shit.
"Mommy.. Ano po bang totoo? Sino yung mga lalake kahapon?" Tanong saken ni Christoff. Shitness.
"Eat first, we'll explain everything later." Straight forward na sabi ni Marcus. Lahat kame nagulat sa sinabi nyang yun. Gosh. Anong sasabihin namen.. Nagmadali kameng kumain at tumungo sa movie room. Nagkumpulan kameng lahat dun.. Eto na siguro yung tamang panahon..
"H-hindi namen kayo tunay na anak.." Panimula ni Max. Napapikit naman si Zam. Mukhang paiyak na.. Kahit ako naiiyak naden.
"You m-mean.. Those guys? Sila ang real daddy namen?" Umiiyak na nasabi ni Mason.
"Why didn't you told us the truth?! Why did you lie..." Umiiyak naden na sabi ni Misty. Lahat kame umiiyak na.. Di na kame pinagbigyan ng pagkakataon magsalita kase tumakbo na paalis yung mga bata.
"Sabi ko na nga ba eh.. D-dadating din 'tong panahon na'to.." Umiiyak na sabi ni Zerrhea
"Hindi ko ineexpect na.. ganito kaaga. Pano kung kunin sila nila C-cody? W-wag naman s-sana.." Mahinang pahayag ni Yumi. Naiiyak nalang ako sa mga nakikita ko. Hindi ko din alam ang gagawin ko..
3rd Person's POV
Nasa iisang kwarto ang mga nagugulang chikiting..
"Gusto ko makita sila daddy.." Umiiyak na sabi ni Summer.
"Pero paano naman? Hindi nga naten alam pangalan nila." Sabi naman ni Christoff.
"Edi alamin naten!" Sabi naman ni Bryle.
"Eh pano nga? Isip ka nga." Nakairap na sabi ni Misty habang may luha pa sa mga mata nya.
"Aish. Let's just pack our things, money, gadgets and maps." Strict na sabi ni Mason.
"Dont forget something we can use to protect ourselves." Sabi naman ni Mason.
"Hahanapin talaga naten sila? Seryoso? Tayo tayo lang?" Kinakabahan na tanong ni Christoff
"Sa tingin mo, nagjojoke kame?" Masungit na sabi ni Winter. Kumilos na silang lahat at nagimpake. Napagdisyunan nila na mamayang gabi umalis. Dadaan sila sa nalaman nilang secret passage palabas ng mansion. Buong magdamag silang umakto na parang wala lang.. Nang kinagabihan sabay sabay silang nagbihis ng pantalon, sweater, hoodie at sapatos. Kinarga na nila ang kanilang bag at hawak kamay pumunta sa passage way.
"Eww.. Ang dumi dito." Maarteng sabi ni Misty. Napasimangot nalang ang mga kasama nya. Nang makalabas sila ng passage way ay agad silang tumakbo palayo ng bahay.
"Kyaaah! Dahan dahan sa takbo guys. Babae akoo!" Maarteng sabi ni Misty.
"Bakit si summer hindi? Eh nangunguna nga oh!" Sabay turo ni Christoff sa tumatakbong summer. Napasimangot nalang si Misty. ------- sa kabilang banda narinig ng mga lalake ingay at takbo ng mga maliit na paa. Sinilip nila ito at nagulat sila sa nakita.
"Shit sila Mason yun." Sabi ni Cyrus. Agad silang nahimasmasan at nagbihis. Mabilis silang natapos at palihim na sinundan ang mga bata. Naupo ito sa madamong part at naglabas ng kanya kanyang tubig, juice at pagkain. Napatawa nalang ang mga lalake. Limang kanto palang ang layo nila sa bahay nila.
"Nakakapagod. Malayo na ba tayo?" Inosenteng sabi ni Misty.
"Oo! Sobra!" Nanlalaking mata na sabi ni Christoff. Napatawa nalang ang mga lalake sa nakikita nila.
BINABASA MO ANG
Teen Moms(Completed)
Teen FictionLima kaming babae na iniwan ng dapat magiging ama ng mga baby namin. Itinakwil ng mga magulang. Naging servant sa ibang bansa. Naging mayaman. Nakabangon. Ngunit pilit padin kaming ginugulo ng aming nakaraan. Unti unti kaming pinapatay. Kami a...