Chapter 1

216 5 0
                                    


Naalimpungatan ako nang magising ako sa alarm ng cellphone ko. It's 6 in the morning at may dalawa't kalahating oras pa 'ko para mag asikaso.

Nag unat muna ako bago bumangon sa kinahihigaan ko at dumeretso na sa banyo para maligo at mag tooth brush.

Nang matapos, I went to the kitchen para asikasuhin ang breakfast at babaunin ko sa school. And yes, I live alone.

It has been 3 years and I was just 16 back then when a cancer took my mother's life away. It was a total downfall for me and my father.

Sobrang hirap dahil sa pagkawala ni mama, na siyang nag silbing ilaw ng tahanan, kasabay non ang pag dilim ng buhay namin ni papa.

Sa bawat araw at linggo na dumaraan, bumalik ang pagka lulong ni papa sa alak. Bagay na hininto niya noon dahil pinatigil siya ni mama.

Base sa kinukwento rin saakin ni papa, kapag may daughter and father time kami, he used to be a jackass back then. Sugarol, lasinggero, at babaero.

Pero noong nakilala niya raw si mama, niligawan niya ito pero ilang beses rin siyang nabigo, kumbaga si mama na yung naging katapat ni papa.

Hindi niya sinukuan si mama at pinilit niyang mag bago at mag pakatino. Hanggang sa nag bunga ang dalawang taong panliligaw at pagsasa-ayos niya sa sarili.

Binigay na ni mama ang matamis niyang oo at iyun daw ang pinakamasayang araw niya sa buhay noon. Nagmahalan sila at ako ang naging bunga non.

Kaya ganon nalang ang pag hihinagpis niya nang mawala si mama, 'yung babaeng pinaghirapan niyang makamit.

It pains me seeing my father at that state. And it hurts me most kapag naririnig ko siyang humahagulgol at binabanggit ang pangalan ni mama

One Saturday, maaga akong nagising para mag handa ng breakfast, since wala na si mama, ako na ang nag aasikaso ng pagkain namin ni papa.

Namana ko ang skills ni mama sa pag luluto kaya hindi sa pag mamayabang, pero magaling at masarap din akong mag luto.

Nang maihanda ko na ang mesa, Tumungo ako sa kwarto kung saan naroroon si papa para ayain na siyang kumain.

I called on him pero walang sumasagot. Tulog na tulog siguro, ika ko sa isip ko. Binuksan ko nalang ang pinto para gisingin sana siya nang..

Nadatnan ko nalang si papa sa kwarto nila ni mama na yakap yakap ang litrato ni mama at may baril na naka silencer sa kamay niya.

I was stunned seeing my father bathed in his own blood and lifeless. Hindi kinaya ni papa ang pagkawala niya. Sinundan niya na si mama sa kabilang buhay.

Sobrang sakit para sakin. At my young age, naranasan ko ang ganoong buhay; ang mawalan ng ina at ama.

I felt unloved nung iniwan ako ni papa. I questioned myself back then, am I not enough para mag patuloy siya sa buhay? Di pa ba ako sapat para maging masaya ang pamilya namin kahit kami nalang dalawa?

Pinahid ko ang luhang tumakas mula sa mga mata ko nang mapagtanto ko nanamang mag isa nalang nga talaga ako.

Thankful rin ako sa tita ko, na kapatid ni mama, sa pagkupkop saakin nang halos tatlong taon.

When I turned 19, I insisted na maging independent nalang at bumalik sa tahanang aking kinagisnan. Sa tahanang ilang taon din akong naging masaya ngunit may napakapait at napaka sakit ding nakaraan.

4 months na akong naninirahan mag-isa at nasasanay na rin ako. I work as a service crew sa isang fast food restaurant as a temporary source of income. Estudyante ako sa umaga at crew naman sa gabi.

Bayad na ni tita ang isang buong taon ko sa college, bagay na gusto kong tanggihan pero kung hindi ako tatanggi, hindi ako papayagan ni tita na manirahan mag-isa. Thankful parin ako dahil tunay siyang nag mamalasakit sa'kin.

I promised myself na babawi ako kay tita once na maging isang ganap na Engineer na ako.

••—

7:17 nang matapos ako. Na-i-ready ko na rin ang babaunin ko para sa lunch dahil mas tipid at ready na rin akong pumasok.

I am wearing a plain white t-shirt na naka tucked in sa jeans, a jacket at isang pair ng rubber shoes.

I didn't buy much time fixing my hair as well as applying too much make up on. Because why would I even bother?

Simple pony lang sa buhok, powder sa face at lip balm lang sa lips ko para hindi mag dry. And especially, my eye glasses on dahil ayoko lang mag contacts, matrabaho.

"Aalis na 'ko." Pag papaalam ko like I usually do as I stepped out of the house na para bang may sasagot at mag aabang sa pag uwi ko. Ni-lock ko na ang bahay saka ako umalis.

•••

Nang makarating na 'ko sa school, dumiretso na ako para sa unang klase namin.

Pagpasok ko sa room, walang ibang makikita at maririnig kundi mga tawanan at mga kuda ng kung sino sino. At mga nagsisiliparang papel na nilamukos.

Tsss, mga college students ba 'tong mga 'to?

Uupo na sana ko sa upuan ko nang isang nilamukos na papel ang dumapo sa mukha ko. Natawa pa yung mga lalaki sa kabilang row na panigurado ay nakita ang pangyayari.

Umagang kay nakakapikon.

Imbes na magalit, mas pinili ko nalang 'wag bigyang pansin dahil ayoko ng gulo. Ayoko rin namang ma-bully at api-apihin, ano.

Kuntento na rin ako na parang hangin lang ako sa mga taong napapaligiran ko. At kilala lang ako kapag kailangan nila ako (sa acads) altho nag be-benefit din naman ako kaya okay lang. Dagdag income na rin.

Nang makaupo ako, dinampot ko nalang yung iilang crumpled paper na nagkalat sa pwesto ko, pati na rin yung tumama sa mukha ko na nahulog pala sa table ko.

Itatapon ko na sana nang may mapansin akong parang may nakasulat doon sa papel na tumama sa mukha ko. Kung hindi ako nagkakamali ay sulat marker 'yun.

"Bobo ka ba?" Bungad nung sulat sa papel.

Napakunot ang noo ko sa nabasa, ibabalik ko na sana sa pagkalamukos nang may napansin pa kong nakasulat sa dulong part ng papel pero this time, ballpen na.

"AnG b0Bo-o sAh BoH4i QoUh?" Lalong napakunot ang noo ko dahil maliban sa ang jejemon ng pagkasulat at nung banat, who would even bother to write me those.

Kaya mas lalo akong nainis dahil sino nga ba? Luh asa ako. Nilamukos ko nalang ulit ang papel saka itinapon.


To be continued....

Falling in Love with that Glasses GirlWhere stories live. Discover now