Chapter 4.1

46 2 0
                                    


Sapilitan akong bumangon nang tumunog ang cellphone ko. 6am na at ramdam ko parin ang pagod ko mula sa trabaho kagabi.

Laking pasalamat ko nalang na sa wakas ay day off ko na ngayon at makakapag pahinga ako nang maayos at mahaba pagkauwi ko mamaya. Hindi na 'ko nag sayang pa ng oras at nag ready na 'ko para pumasok.

••—

Matapos ang morning classes, tumungo muna ako sa locker room para kumuha at mag balik ng mga gamit bago ako mag lunch. Hindi ko pa nabubuksan ang locker ko nang may kumalabit sa'kin.

"Oh?" Responde ko nang lingunin si Daemon na suot ang basketball shirt ng team nila. Nangamot muna siya bago mag salita. May kuto ata.

"Naisip ko lang kung puwedeng.."

"Kung puwede kong gawin ang homework mo?" Pagtapos ko sa sasabihin niya.

"Ah... Puwede ba? Busy kasi kami sa training mamaya eh." Aniya.

"Oo naman. 700 pesos lang at bukas na bukas ay tapos na." Pangungundisyon ko. Ayuda rin 'to, 'no.

"Thank you! The best ka talaga." Lapad ngiting pasasalamat niya. Tumango lang ako saka na niya inabot ang bayad niya.

Nang makaalis na si Daemon, ginawa ko na ang pakay ko sa locker room. Nang maisara ko na ang locker ko, may naramdaman nanaman akong kumalabit.

Bakit ba may kalabit nang kalabit?! May pangalan naman ako tss--

"Hi, Miks." Nakangiting bati ni Luke, one of Hayes' bestfriend, nang lingunin ko siya.

"Anong kailangan mo?" Diretsang tanong ko sakaniya. Napatigil siya nang ilang sandali sa bungad ko.

"Baka gusto mong mag salita?" Awkward tss. Napangiwi naman siya.

"Luh ang sungit!"

"So ano nga? Gutom na 'ko." Sambit ko nalang. Which is true.

"Starbucks ka ba?" Tanong niya. I gave him a bored look saka akmang mag lalakad paalis.

"Teka sandali, starbucks ka ba?" Pag pigil niya. I gritted my teeth secretly. Mangangatngat ko 'to.

"Oh baket?" Sabi ko nalang para tigilan ako.

"Kasi ikaw ang star ng buhay ko, yieee." Aniya na may pa-heart finger pa. Napangiwi ako sa inasal niya. I left out a small chuckle dahil ang corny niya.

"Yan, mas cute ka kapag nakangiti ka." Ngiting sambit niya saka nakapamulsang tinalikuran ako at dumiretso na sa caeteria.

Ilang segundong nag proseso sa isip ko ang mga sinabi niya.

Sira ulo ampota. Medyo kinilig ako don ah.

Napailing ako nang ma-realize kong mali 'tong nararamdam ko. Pasimple akong nag linga linga at laking pasalamat ko nalang nang wala nang ibang tao sa locker room dahil malaking issue 'yon pag nagkataon.

••—

Natapos na ang lunch kaya nakatambay ako ngayon sa mini park ng university. Pangalawa ang lugar na 'to sa favoritw study place ko dahil hindi rin naman maikakaila ang ganda ng parke na ito sa loob ng university.

Kumuha na ako ng libro para makapag advanced reading sa susunod na subject nang mapansin ko namang may nalaglag na pulang sobre mula sa pagkuha ko ng libro.

Dinampot ko 'yon at sandaling napaisip kung saan ko nga ba nakuha 'yon. Ay oo, galing nga pala sa locker ko kahapon. Naalala ko nga palang 'yon ang tinira ko sa mga tinapon kong letters dahil may maliit na pag asa akong iiba yon sa mga naitapon ko.

Falling in Love with that Glasses GirlWhere stories live. Discover now