Chapter 6

51 3 0
                                    


Tapos na ang 2 days off ko at may shift nanaman ako mamayang 6pm. At kagaya kahapon, nakaupo nanaman si Hayes sa katabing upuan ko kaninang pagpasok ko. Binigay ko na rin sakaniya ang pinagawa niyang activities sa'kin at ang kumag, hindi man lang nag pasalamat at saka nalang umalis dala dala ang mga activities na pinagawa niya. Pero laking pasalamat ko nang hindi na siya bumalik at naging mapayapa at matiwasay ang pag aaral ko.

Ff.

Kagaya ulit kahapon, kasabay ko nanaman ulit kumain ngayon sina Ash, Rebecca at Zephanie. Nasa stage palang kami ng getting to know each other kaya kuwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay sa mga buhay namin.

"Girls, c.r lang ako, ha." Zephanie excused herself then went to the bathroom.

"May plans ba kayo bukas? Nag c-crave ako sa Thai Cuisines.. Tas walwalan na rin hihi." Masayang saad ni Rebecca. Isa rin sa mga bagay na nalaman ko sa kanilang tatlo, mahilig silang kumain, mag shopping at mag inom. Hindi ko nga akalaing sa mga itsura nila, mga lasinggera rin pala.

"Pass ako, may trabaho ako bukas eh. Wednesday at Thursday lang off ko." Ani ko.

"Sayang naman, hindi ka namin makakasama pag may girls bond." -Ash

"Puwede ko namang ipa-re-sched yung off ko. Kaso next week ko pa magagawa yun." Saad ko. Nag light up naman ang mga mata nina Rebecca at Ash. Nginitian ko lang silang dalawa.

Nag pa-plano kami ng mga gagawin namin sa susunod na weekend nang biglang lumapit si Michael Jacoby sa table namin. He's also one of Haye's bestfriends.

"Hi, ladies." Kindat niya samin. Narinig ko namang pilit na nag tatago ng tili ang dalawang kasama ko.

"Hi, Cutie." Tugon ni Rebecca sakaniya.

"You're Mikayla Joy, right?" Baling naman niya sa'kin. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

"Gusto kita, mag date tayo." Nakangiting saad niya. I just gave him a bored look. Pero deep inside, what? Seriously? One of the University's hottie? Aayain akong mag date? Joke ba 'to?

"Ayoko." Maikling sagot ko saka ko siya inirapan. Binaling ko ang tingin ko kina Ash at Rebecca. Bakas ang gulat sa mga mukha nila at kapwa pa nakanganga. Kunot noo ko silang tinignan.

Hindi ko inasahan ang susunod pang nangyari, sa isang iglap hawak na ni Jacoby ang baba ko at ilang dipa nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko, I was stunned. Hindi ako nakakilos.

"Please, go out with me." Seryosong sambit niya at seryosong nakatitig sa mga mata ko. Hindi ako makasagot at pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam pero parang tumutugma sa mga kinikilos niya ang mga signs na natatanggap ko.

"Anong meron dito?" Saka lang ako nagkaroon ng lakas para itulak si Jacoby palayo sakin nang marinig ang boses ni Zephanie. She seemed different right now. Teka-- wag niyang sabihing may thing sila ni Jacoby? Well, it's really none of my business.

"Z-zephanie.." ang naisambit ko nalang, hindi ko alam kung bakit feeling ko guilty ako kahit hindi naman pero bakit ba kasi ang sama ng tingin niya sa'kin? Dapat si Jacoby ang tignan niya nang ganiyan.

"I'll just ask you out some other time. Kaya sana, pumayag ka na." Ang sabi lang ni Jacoby saka kami tinalikuran.

"What's the meaning of this, Mikayla? Why on earth is Michael Jacoby was asking you out?" Taas kilay na tanong niya saka siya nag cross-arms.

"Ex niya kasi 'yun." Bulong ni Ash.

"Aba malay ko do'n. Bigla nalang lumapit at kung anong kahibangan ang pinagsasabi. Nakakapikon talaga mga mag totropang 'yun." Sabi ko nalang saka naupo sa kinauupuan ko.

Falling in Love with that Glasses GirlWhere stories live. Discover now