Chapter 2

77 3 3
                                    


11:30 nang matapos ang klase at lunch time na. As usual, ako nanaman ulit mag-isa. I sighed in relief nang makahanap ako ng bakanteng upuan.

Habang kumakain, hindi parin ako nakaligtas sa mga bulungan ng iilang estudyante dito sa canteen. Especially yung iilang girls na fashion conscious.

Narinig ko pa yung isa na nilalait ang suot at lunch box ko. Ano ba daw ako? Elementary? 'Di ko nalang pinansin at tahimik nalang na nilantakan ang Chicken Barbequed Adobo na baon ko.

Ka-dise-disenteng paaralan pero may mga kagaya pala nilang chismosa. Chismosa kayo ghorl? Kitang nananahimik yung tao.

Pagkatapos ng lunch, may free period kami kaya dumiretso ako sa library para maghanap ng libro patungkol sa klase namin kay Mrs. Gomez.

Isa siya sa least favorite or should I say, most hated at most feared prof dito sa Southern Vale University dahil sa pagiging terror at hilig niya sa pamamahiya ng estudyante.

Hindi rin naman siya mabitaw bitawan ng university dahil hindi mo naman talaga maikakaila ang galing at talino niya sa pag tuturo. May attitude problem lang talaga.

Or baka dahil menopause na.

Wala rin naman akong problema sakanya dahil magaling naman ako sa klase niya.

30 mins after break, which is earlier para sa next subject namin kay Mrs Gomez, bumalik na ako sa classroom at doon ko na pinagpatuloy ang pag aaral ko.

Unti unti na rin nagsipagdatingan ang iilang block mates ko marahil ay takot na mahuli sa klase ni Mrs. Gomez.

At kung may pagkakataon mang mahuli ka sa klase niya, mas piliin mo nalang na huwag pumasok sa klase niya kung ayaw mong magisa.

"Okay, class. Today you will be having an activity and you will be doing it by pairs." Panimula ni Mrs. Gomez pagkapasok na pagkapasok niya.

Bilang ako na nasa likod, napansin ko si Ester na nasa gitnang row sa harapan na nahihiyang nag taas ng kamay.

"Uhh.. Ma'am, e-excuse po?" Kinakabahang tawag niya sa atensiyon ni Mrs. Gomez.

"Who told you to speak?" Masungit na tanong niya kay Ester. Napayuko naman siya pero pinilit paring mag salita.

"S-sorry po.. N-naiwan ko po kasi wallet ko sa girls comfort room--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang magsalita na si Ma'am.

"Kasalanan ko?" Taas kilay na sambit ni Ma'am.

"P-pero, ma'am--" naputol ulit ang sasabihin ni Ester nang sapawan ulit siya ni ma'am.

"Get lost at huwag kang babalik hangga't hindi pa natatapos ang klase ko, NOW!" Sigaw niya kay Ester at halata namang nagulantang ito at dali daling lumabas ng classroom. Kinuha ni ma'am ang record book niya at nag sulat doon.

"Unbelievable. Making excuses just to cut off my class. Who else would like to follow nang ma-i-zero ko rin sa today's activity?" Tanong niya sa klase at wala namang sumagot. I felt bad for Ester.

Alam kong masipag naman siyang mag aral kaya naniniwala akong naiwan niya talaga wallet niya at dahil sa pagmamadali sigurong maunang pumasok kay Mrs. Gomez, nakalimutan na niyang bitbitin ang wallet niya.

"Bubunot na ako ng mga kapartner nyo ng makapagsimula na tayo." Iniscramble nya ang mga rolled papers saka siya dumampot doon.

"Rosie Villaflor and Bryan Tanglao."

"Mikayla Montecort and William Hayes." Napahilamos ako ng mukha nang banggitin ni Ma'am ang pangalan ng magiging ka-partner ko. Napatigil si ma'am sa pag-a-announce nang may pumasok sa classroom.

"Sorry I'm late." namamaos na sambit nung pumasok.

Walang iba kundi si William Hayes. Siya lang naman ang captain ng basketball team sa SVU kaya confident na confident pumasok sa klase ni ma'am dahil may valid excuse siya.

Napansin ko namang nagpipigil ng kilig ang halos lahat ng babaeng ka-block ko sa pagpasok ni Hayes. Presko siyang umupo sa silya niya habang nagpupunas ng basang buhok niya.

Hindi ko rin maintindihan kung ano ang kinababaliwan ng halos kababaihan, sa university na 'to, sa lalaking yan eh.

Oo sige given nga na may looks siya, may magandang ash grey na mga mata dahil halata naman sa surname niyang may ibang lahi siya, magaling mag basketball at mayaman pero ubod ng yabang at sama ng ugali.

Kaya, seriously? Siya talaga?

To be continued..

Falling in Love with that Glasses GirlWhere stories live. Discover now