"Anaaaaak! May sulaaat na dumating! Bilis! Bangon kana dyan" si Timmy habang niyuyogyog ako sa kama. Grabe naman talaga si Timmy oh, inaantok pa ako.
"Timmy, ano po ba yan? Inaantok pa po ako eh. Kong ano man po yan, pakibukas na po. Please" Pagrereklamo ko kay Timmy. Makulit masyado si Timmy parang bata. Parang ako.
Pero teka? Sulat daw? Kanino naman kaya galing?
"Okay! Okay! Ikaw talagang bata ka! Hindi kana lumalabas, hindi kana nasisikatan ng araw. Inaamag kana nga ata dyan? Lumabas ka naman." And that time, napabangon na talaga ako. Gulo gulong buhok, amoy laway. Tsk! Bagong gising eh. Tsaka ang daldal ni Timmy, kong hindi ko lang ito mahal, nako! Nasipa ko na ito palabas.
"Timmy, ang pinaguusapan po dito ay ang---" tinuro ko muna ang sulat na hawak niya "----- iyan po, ano po ba iyan."
Umupo naman si Timmy sa tabi ko, at nakangiting itinapat sa mata ko iyong nakalagay sa taas ng sulat as in 1 inches nalang ata ang lapit nito sa mata ko. Hindi ko naman agad makita ito dahil sa kagigising.
"Re----" kinusot ko muli ang mata ko "Renan ------" Kinusot ko muli. Parang iba yung feeling, parang ... parang alam ko na ito eh ... bigla akong kinabahan.
"Ano bayan! Ako na nga! Ang tagal hah!" Naku! Si Timmy talaga! Bigla niyang binawi iyon, at excited na binuksan. Hindi ko pwedeng magkamali, resulta iyon ng isa sa eskwelahan na kinuhanan ko ng entrance exam, kung makapasa naman ako sa average na kailangan ko ay isa akong scholar, kailangan ko rin dahil dadalawa nalang kami ni Timmy. Inantay ko lang itong mabuksan ni Timmy, hanggang sa nailabas na niya ito at binasa.
Kinabahan naman ako dahil biglang napataas ang kilay niya. Sabi na nga eh, sabi ko naman kay Timmy okay lang saakin ang magpublic kapag di talaga kaya ng budget. Hindi naman magiging problem saakin iyon.
Mapapublic o private, pareha lang naman na matututo ka eh."Timmy? Ano pong resulta? Failed po ba?" Aissh! Sana naman hindi.
Nagulat naman ako ng humawak si Timmy sa braso ko at niyugyog ako ng pagkalakas, dahilan ng pagkabagsak namin sa sahig.
"AAAAAY! Aray! Timmy naman eh! Sinama pa ako! Ang sakit" pagrereklamo ko, pero shempre hindi naman ako nasaktan. Siya nga itong nasaktan dahil nadaganan ko siya.
"Anong aray ka jan! Ako nga tong dinaganan mo, mabuti nalang at patpatin kana." Pang aasar ni Timmy. Hindi naman ah, talagang nagbago lang ako dahil sa nakaraan ko. "Oh siya! Magcelebrate tayo daliiiii" pangungulit niya ulit saakin.
"Timmy, ano po bang resulta?" Tanong ko muli habang nagaayos ng higaan
"Ewan ko kong nawalan kana ng common sense, sa talino mong iyan? Nauubusan kana ba?" Pagseseryoso ng mukha ni Timmy. Hay Nako! Kahit kelan talaga itong tita ko parang timang.
Napabuntong hininga nalang ako, mukhang nabadtrip kona ata.
"Ang resulta ay nakapasa ka! At alam mo ba na 98% ang average mo, kaya naman nanguna ka sa entrance exam. Ito ang nakalagay dito, with full scholarship! Tapos magagamit ml ito hangang magcollege kana. Yehey!----" Mali ang inaakala ko, niyakap ako ng pagkahigpit higpit. "-----ang galing talaga ng baby ko" at ayon, lumabas na ang internal organs niya.
PERO wow! Nakapasa talaga ako? Hindi ko ineexpect iyon ah. Well, all thanks to God.
At dahil makulit ang pinakamamahal kong tita, wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya. Isang taon narin naman na akong nagmumukmok sa kawalan. Di bale na, minsan lang naman ito. Inalis kona sa bukabularyo ko ang maging masaya.
-
Sa pagpayag kong sumama kay Timmy, ito kong saan saan niya ako dinadala. Teka? Saan nga ba?.