Sa ginawa ni Ana, nagawa kong hindi siya pansinin ng halos magiisang Linggo narin. Sa ginawa ba naman niya, hindi palang ako nakakapasok sa bagong eskwelehan na papasukan ko ay andami ko ng basher. Nalaman ko rin na sikat pala yung Harry na iyon, hindi naman ako interesado sakanya kaya hindi kona pinansin. Basta pinadelete ko nalang agad kay Ana yung post na iyon, bahala na kong maraming may galit saakin, wala naman akong balak makipagfamous sa kanila.
"Timmy, alis na po ako." Pasukan na eh.
"Oh sige, kanina kapa inaantay ni Ana sa labas, ingat kayo." Yumakap nalang ako ky Timmy. Si Ana, nasa labas? Sus! Bahala siya!.
Pagkalabas ko, nakita ko namang nakaharang si Ana sa gate. Ganda pa ng puwesto nito, yung dalawang kamay niya talaga hinarang niya sa gate, pati yung dalawang paa niya nakadikit sa magkabilang dulo ng gate. Nakakatawa tuloy itong babaeng ito.
"Uy! Yara, sorry na oh please." Pagmamakaawa niya.
"Sorry your face!" Nagpipigil lang ako ng tawa, nakakatawa talaga yung posisyon niya sa gate, nakapalda pa man din.
"Please, hindi ko na talaga uulitin. Sige ka, malalate tayo sa first day natin." Aba, nanakot. Hilig talaga nito mangganun.
"Edi malate!" Tipid na sagot ko. Tapos nahalata ko nalang na tutulo na yung luha niya, shems! ito nanaman yung pagdradrama niya.
"Oh! sige, sige! Huwag kalang umiyak sa harap ko!" Umaliwalas naman ang mukha niya at niyakap ako ng mahigpit.
Papunta kaming School, ng itong babaeng ito, walang awat sa pagdadaldal.! Iopen topic ba naman yung ginawa niyang pagpopost sa account ko.
"Best alam mo ba yung Harry siya yung---" hindi kona pinatapos yung sasabihin niya dahil itinakip ko yung kamay ko sa bunganga niya, mabuti nalang dahil nanahimik siya. Sakto ring narito na kami sa school.
Pagkababa namin, wala parin siyang awat.
"Alam mo ba magbestfriend sila nung nanliligaw saakin, yung Harry---" Harry, Harry! Puro siya Harry! Okay sana kong si Harry Potter yun.
"Puro ka Harry! Yang nanliligaw sayo hindi ko pa nakikita! Ipakilala mo saakin yan ng makilatis ko!"
"Best! Alam mo ba may nanliligaw saakin, taga Renan High din siya. Ang gwapo promise!" Dahil galit ako sakanya sa ginawa niya kagabi, hindi ko siya pinapansin.
"Ipapakilala ko siya sayo kapag dumating yung pasukan, 1 year narin siyang nanliligaw. Lumuluwas siya lagi papuntang Nueva Ecija nun para lang makita ako, tagarito kasi siya eh." Napa'weh' naman ako sa sinabi niya.
Nung kwenento niya saakin yun, hindi ako naniwala nung una kasi hindi naman kapani-paniwalang isang taon ng nanliligaw tapos lumuluwas pa para makita lang siya. Pero dahil nga sa ipapakilala niya, edi go.
Nasa classroom na kami ngayon, ang aga aga ang lamig, nakaopen ba naman yung aircon pagkapasok namin, tapos kami palang dalawa ni Ana.
"Uy! Yara, dito tayo sa second to the last row sa gilid." Sinunod ko naman ang sinabi niya at umupo sa tabi niya. Hindi ko nalang ito pinansin at inilabas ang cellphone ko para maglaro ng bubble witch.