Dalawang Linggo ring nakalipas mula nung pumunta ako sa RHigh. Wala paring pinagbago dahil nandito lang ako sa bahay maghapon, hindi lumalabas. Madalas nanunuod ng tv, nagbabasa ng wattpad, at ngayon ay nakahiga lamang sa akin kwarto.
tok tok tok
As usual, si Timmy nanaman yan.
"Eyara? Aalis ako ngayon. Magbabayad ng bills at maggrogrocery narin, wala na tayong stocks." Napabalikwas nalang ako sa higaan ko, magisa lang nanaman ako, lagi naman eh.
"Sige po, magiingat po kayo."
"May ipapabili kaba? Kapag nagutom ka, merong pagkain sa kusina, nagbake din ako ng favorite mong chocolate cake. Sige alis na ako." Nung marinig ko iyong chocolate cake, parang nabuhayan ako. Favorite ko iyon eh, at minsan lang magbake si Timmy ng ganun kapag may nagorder sakanya. Iyon ang pinagkakakitaan ng Timmy ko, ang pagbabake. Pareha kaming mahilig sa sweets, pero ako punong puno ng kabitteran.
Nang makaalis si Timmy, ginawa ko na lahat ng morning rituals ko at kumain narin. Napagisipan ko ring maglinis para naman may maitulong ako sa mabait kong Timmy. Sa pagsisimula ko sa paglilinis, napansin kong naubos na ang ibang mga gamit. Wala ng dishwashing liquid.
"Paano ako magsisimula nito?" Napabuntong hininga nalang ako.
"Wala naman sigurong mawawala kung bibili ako sa labas?" Napailing nalang ako sa hangin, para akong tanga dito. Wala pala akong kasama.
Naghanap ako agad ng convenience store dito sa village namin. Mukhang maliligaw ako sa lawak nito. Sa 10 minutes na paglalakad ko, sa wakas nakahanap rin ako agad. Pumasok ako agad sa loob.
"Bro, anyari sa kamay mo? Bakit may pasa parin?"
hindi naman ako eavesdropper, pero dahil nasa likod ko lang sila sa kinatatayuan ko ay naririnig ko narin.
"May bampirang kumagat sa kamay ko! If ever I see that girl again? I'll make her suffer for this!"
"Hahaha! Naisahan ka ng babae!"
"Shut up Zamora! Bakit ba ang tagal mo dyan? Nasa bahay kana kanina hindi kapa uminom! T*ngin@ ang tagal mo!"
WTF! Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko! Kumuha mona ako ng dishwashing liquid at pasimpleng lumayo din. Pahamak tong joy na ito.
"Ouuutch!" Halaa! Ang malas nga naman! May nabangga ako at nahulog lahat ng mga pinamili niya. Tinulungan ko naman ito.
"Halaa. Sorry, di ko sina---" laking gulat ko sa nakita ko.
"---Ana!?" "Yara!?" Mabilis na tanguan at niyakap niya ako ng mahigpit. Siya lang naman ang nagiisang bestfriend ko nung nasa Nueva Ecija pa ako nakatira. Since Birth na ata kami magbestfriend dahil pati Mama niya, mama ko at si Timmy ay magbebestfriend.
"Teka! Kamusta kana?!" Hindi ko muna siya sinagot, pinulot muna namin yung mga pinamili niya at hinili ko siya sa bandang gilid, dahil nasa counter na yung dalawang lalaking tinataguan ko.
"Bakit? May tinataguan kaba?" Makikita sa mukha niya ang pagtataka. Ako rin naman curious sa babaeng ito, kong paano siya napadpad rito.
"Ssssh! Ikaw muna magbayad nito sa counter, may iniiwasan kasi ako, ayun oh---." at tinuro yung lalaking nasa labas, bale yung kasama niya ang nasa counter. "--mamaya na tayong magkwentuhan." At ayun, bakas parin sa mukha niya ang pagtataka.