Ang tagal naman ng mga ito magpakilala, nagbubulungan pa ang isa't isa. May mga binabanggit pang mga pangalan, para silang mga bubuyog sa kakabulong nila sa isa't isa. Tapos yung iba naman kanya-kanyang dial sa cellphone nila parang may tatawagin pang mga kasama.
OP na talaga kami ni Ana dito. Nawala naman ang atensyon ko sakanila ng itong si Ana ay kinalabit ako.
"Ang perfect nila noh?" Kinilig pa siyang sinabi iyon, itong babaeng ito. Kung tutuusin 15years old palang kami, tapos kung kumerengkeng parang 18years old na.
Kung nagtataka naman kayo kung bakit 15 palang kami? Well, mag sisixteen ako sa October at siya ay December. Thirteen-fourteen kami nung third year highschool ako at natapos ko iyon, hindi ko na itinuloy ang pag-aaral ko dahil nga sa nangyari sa parents ko kaya nagstop ako ng isang taon. Advance kasi kaming nagaral ni Ana noon, saling pusa lang kami noon pero dahil nakakasunod kami sa mga regular na kaklase namin ay pinayagan narin kaming makisabay sakanila. Nung nasa grades school kami ni Ana, kami lagi yung bunso sa klase, kasi one year ahead yung mga kaklase namin sa aming dalawa.
After 10 minutes, nagsalita narin yung mga nasa harap. Si Kyle ang nanguna.
"Girls, sorry kung natagalan, tinawagan pa kasi namin yung apat na kasama namin. Bale yung Boss namin at yung Trizano's." Napa 'oh' naman kami ni Ana kasi Eight na sila, kaya kung may apat pa ay twelve na sila. Talagang may boss pa sila.
"Then?" Sagot ko naman sakanya.
"Our boss told us that he cant come here, and the Trizano's are--" Naputol ang sasabihin ni Kyle ng may nakisabat "--Pabebe!" sabat nung nagkamali kanina sa sinabing 'beautifuls'.
"Shut up Garcia! Okay girls, maybe I'll introduce to you our boss and the Trizano's next time?" Patanong niya itong sinabi kaya naman tumango nalang kami.
"Okay, I'll be first. I'm Kyle Relozo 16 years old. I'm easy to deal with, happy go lucky din ako at shempre gwapo rin." Sabay pa ang gwapo sign nito. Feeling ko may kinilig na katabi ko, ah hindi, kinilig talaga siya ng sobra.
"Tss!" Sabi nung lalaking susunod "Okay BEAUTIFUL LADIES--" Nagpause muna ito at tumingin sa lalaking kanina pa nila dinidiin sa pagkakamali niya sa 'beautifuls' na yan. Feel ko naawa na ako sakanya. Nagtawanan muna sila bago siya nagsimula "--Josh Rene Mendoza, 16 years old. Gising ng nagpaulan ng kagwapuhan si Lord God at ako ang 'The Silent But Charming Guy' ng grupo." Sabay kindat naman nito saamin. Walang duda, napakacharming nga niya, lahat naman sila pero iba yung kagwapuhan niya, at tama siya sa sinabi niyang 'Silent' dahil sa kanina pa nagaasaran yung grupo nila pero ang nagawa lang niya ay tumawa lang.
"Well oh well, awat muna Mr. Relozo and Mr. Mendoza. Girls? Lend me your ears for a while and forever with your heart." like what! Hahaha. Nagtawanan silang lahat, yung kaninang nagkamali sa grammar, ngayon siya ang nagintroduce ng english.
"Sus! Bumabawi kalang sa pagkakamali mo kanina." Sabi nung lalaking nahuhuli. Maliban kay Mr. Mendoza na hindi ko pa narinig nagsalita kung hindi siya nagpakilala ay isa rin itong lalaking ito. Napakacold niya at walang kaekspre-ekspresyon. Siya lang nga itong dial lang ng dial kanina at hindi nakisali sa bulungan ng mga kasama niya kanina.