Akalain mo ngang ang manhid pala talaga ni ex-crush ko last year— as in. New Year countdown ay tinanong niya kung alin.
Alien ka talaga.
***
Ano daw nakakamiss sa pag-aaral?
Ano pa ba kung hindi food trips kasama ang buong barkada. 'Yon tipong tapos na sa study session at pupuntang canteen at hahagilipin si crush. Pipila para bumili ng pagkain at mauupo sa paborito niyong puwesto. Di mapapansing nababawasan na ang pagkain mo dahil sa sobrang titig kay crush.
Paglandi na may konting aral ba.
***
One time, sa sobrang pagmamadali kong pumasok di na talaga ako nakapagsuklay. Tinakbo ko pa ang papuntang sakayan kasi malapit na mag simula ang unang klase ko sa araw na iyon. At nakita ko siya. Nakaupo na tricycle na sasakyan ko. At sa nakakatawang pagkakataon nga naman, sa tabi niya nalang ang bakanteng mauupuan. Grabe ang kaba ko at dahan-dahan na tumabi sa kanya. Akala ko payapa lang ang umaga maliban sa mala tambol na tibok nang puso ko. Pero narinig ko siyang bumulong...
"Uso ang magsuklay, Ate."
Hindi ko alam kung ano ang uunahin, kahihiyan ba o kilig kasi sa unang pagkakataon nakita kitang ngumiti nang malapitan. Ang kaso tinawag akong Ate.
***
Gumagawa kami ng video diary sa tapat ng admin office. Malawak na field 'yon at aware akong sa taas din ng admin office sa building na ‘yon ang room ng org nila. Hindi lang ako aware na habang abala kami na nagpapraktis mag-cartwheel sa field at nagpa-rolling in the deep sa putik, nasa taas lang pala siya. At hindi pa nga dito nagtatapos ang kahihiyan dahil sumigaw ang kaibigan ko,
"Gago... si crush mo 'yon oh!" at sabay turo pa sa'yo.
***
Napapadaan ka sa hallway ng science building. Ako 'yong nasitsit sa'yo at nagtatanong kung, "Smart o Globe po ba ang sim card na gamit mo, Kuya?" at kapag humarap ka naman, "Pinapatanong po nitong katabi ko."
***
At kahit mali na pasimple na nga akong nag-e-effort na mapansin mo, wala pa din; bokya.
At kita mo nga naman at pinsan ka pala ng kaklase ko. At nang malaman niya na crush kita ay gusto na nga niya akong ireto sa'yo pero umayaw ako. Bakit? kasi nalaman ko naman na may girlfriend ka na pala. Ang sabi ko pa nga no'n, "At least girlfriend at hindi boyfriend."
But deep inside I was sad.
***
Malungkot na bawat hallway na lilikuan ko naaalala ko mga kalokohan ko noon sa'yo. Until one day, kinalabit mo ko.
"Diba kaklase ka ni Jolina?"
Napatitig ako. Iniisip ko ba't ang paksyet naman. Kung kailan di na nga ako nagpapapansin, saka mo naman papansinin. At dahil pabebe ako ng taon, di ko sinabi 'yon at tumango nalang ako.
"Pakisabi naman na ako nalang mag-eedit ng video diary niyo. Busy din kasi si Ash at nakiusap sa akin."
At dahil pabebe nga ay tumango nalang ulit ako. Tumalikod na siya at umalis. Mga ilang minuto akong nakatanga lang doon. I was left thinking he could've just texted Jolina. Pwede din namang magsend ng direct message sa Facebook Messenger diba?
***
Ikaw na nga ang nag-edit sa video diary namin.
Ang saya nila. Panay lang naman ang tanong nila tungkol sa'yo. Ano ang mga hilig mo. Ano inspirasyon sa mga pictures na kinukuhanan mo. At di pa nga sila nakuntento at tinanong sino ang single sa mga kaklase mo at kung anong SNS app ba ang mga ginagamit mo.
All throughout the process, I was there on the side wearing my fake smile.
***
Hanggang sa nalaman ko nalang na break na daw kayo.
#WalangForever
That was December 31, 2015. Around the same time I found someone who'll break me again.
Si Alien.
BINABASA MO ANG
Jump Then Fall
Короткий рассказJust a one shot story of my virtual world. When I jump, I jump high, when I fall, I fall hard.