Magisa lamang si Baek lagi, lagi syang lonely. Hindi katulad na iba na maraming kaibigan, maraming kakwentuhan at katawanan. Sya? Ayun, panay aral at laging magisa. Madalas syang matawag at mabully na 'bakla' 'nerd' 'abnoy' at kung ano ano pa.
Pero nagbago lahat yon ng dumating si Chanyeol sa buhay nya. [ woah, gasgas na linya ] Imbis na tawagin na sya ng masasakit na salita, hindi na sya binubully ng iba. Si Chanyeol at ang mga kaibigan nya kasi ang sikat sa paaralan nila at sila rin ang mayaman kaya kung sino man sa kaibigan nila ang nabully, paniguradong byebye school kana. Sinama nila bilang kaibigan nila si Baekhyun at kahit papano, gumaan narin ang buhay ni Baek.
Maglilimang buwan na simula ng maging magkaibigan sila Chanyeol at Baek. Pero nitong mga nakaraang weeks lang nya nararamdaman na hindi na 'kaibigan lang' ang tingin nya kay Chanyeol. Kundi....
"Aray!" Sigaw ni Baek at sinamaan ang tingin nung nakatama sa kanya ng bola. "Problema mo ba?!" Sigaw nya.
"Yabang mo ah, kung hindi dahil kila Yeol ay mabubully ka parin. Wag kang umastang leader. Baekla!" Sigaw ng lalaki at tumakbo palayo dala dala ang bola.
"He! Pake mo bang tangina ka? Bwisit." Inis na tugon ni Baekhyun at inayos ang gamit nya. Paalis na sana sya pero napahinto sya ng makita si Sehun na nakatayo sa harap nya.
"Oh, saan ka pupunta?" Nilingon nya si Sehun na tumatawa habang nakatingin sa kanya. "Hoy Baek!"
"Tantanan mo ako, Oh Sehun kung hindi tutusukin kita."
"Ng ano, hyung? Wala kang baba, ulol."
"Sarili mong baba! He! Dyan kana nga." Tatalikod na sana si Baek pero binato sya ni Sehun ng libro. "ANO BANG PROBLEMA MONG BABA KA? TANGINA MO NAMAN!"
"Gague. Sa bahay tayo nila Chanyeol magjajamming ngayon. Tara na!"
...... kundi mas higit pa sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Bromance || ChanBaek
FanfictionBromance • u/n ; a romantic desire for your bro ; ChanBaek 2015 [] ~EYYYLEX