Napahinto si Baek at nastuck ang tingin kay Chanyeol na halatang kinakabahan sa tanong nya. 'N-naiinlove sya sa babae?'
"Ah- kasi, pinapatanong ni Xiumin-hyung. Alam mo na, torpe kasi yun. Ano na?"
Pinakalma ni Baek ang sarili at bumuntong hininga bago magsalita. Tumawa sya ng sarkastiko. "Haha! Ano ba. Syempre kapag n-nauutal ka kapag kausap mo sya ganon."
"Yun lang? Eh paano kung hindi?"
"Edi ano, kapag hinahanap hanap mo na sya. Kapag napapangiti ka habang tinitignan sya. Yung kapag kahit anong gawin mo, sya lang naiisip mo. Yung feeling na, gusto mo syang makasama habang buhay. Yung aalagaan ka, ngingitian ka, sabay sasabihing 'okay ka lang?'" Habang nagsasalita si Baekhyun ay umaappear sa kanyang utak ang mga imahe ni Chanyeol na nakangiti, na tumatawa, na nakatingin sa kanya. "Yung mamahalin ka."
"Ah ganon? Ibigsabihin, naiinlove na nga ako." Napahinto si Baek at napatingin kay Chanyeol.
"Ano?"
"Ah wala. Kain na tayo!" Masiglang sabi ni Chanyeol dahil sumaktong dumating na ang order nilang kimchi.
Napakunot noo si Baekhyun. "So sya nga yung naiinlove sa babae? Aish! Bakit ba ako nanghihina? Focus, Baek." Bulong nya sa sarili at kinurot ang kamay ng palihim.
BINABASA MO ANG
Bromance || ChanBaek
FanfictionBromance • u/n ; a romantic desire for your bro ; ChanBaek 2015 [] ~EYYYLEX