90 ; Hyung-Zoned

10 1 0
                                    


× the next 4 days ×



"Baek, baekit?" Tanong ni Chanyeol habang nakatingin sya sa lamesa kung saan nakalapag ang ilang papeles at passport ni Baekhyun.

"Anong bakit? Plinano na talaga ni mama ko ito. Bago mag-December, kukunin na nya ako at pupunta kami sa Canada." Pagsisinungaling ni Baek. Umiwas sya ng tingin at inayos ang mga gamit na kakailanganin nya.

"Hyung, bakit kailangan mo pang lumipat?"

"Bakit? May makakamiss ba? Wala naman."

"Ako hyung! Sa tingin mo hindi kita mamimiss?" Napahinto si Baekhyun at nagpigil ng luha. "Kami nila Suho. Si Tao, sa tingin mo hindi ka mamimiss nung eyebags na yun? Si Chen! Si Kyungsoo. Kaming lahat."

"Wala eh. Kahit gustuhin ko mang magstay dito, hindi ko parin kaya." Ayan na, tumulo na ang luha nya. Drama starts here! "Sa tingin mo ba kayo lang makakamiss? Ako rin naman. Pero.. hindi parin pwede."

"Hyung bakit hindi pwede? Pwede ka namang magstay dito!"

Pinunasan nya yung luha nya at ngumiti kay Chanyeol. "Sana maging masaya kayo ng magiging girlfriend mo. Pakatatag kayo ah? Pakisabi rin kila Suho na wag nila papabayaan yung mga sarili nila. Pati ikaw. Alagaan mo sarili mo. Sige alis na ako." Basag na basag na ang boses ni Baekhyun.

Binuhat na ni Baek ang maleta nya at yung passport nya. Lumabas na sya ng bahay nila at naiwan si Chanyeol na umiiyak. Mamimiss nya ang hyung nya.
















-----------------------------










× last letter ×






June 05, 20xx

Hoy Chanyeol,

Kaya ako umalis, ay dahil yun sayo. Haha! Gago ko diba? Umalis ako dahil sa isang lalaki? Dahil lang nalaman kong may girlfriend na sya? Grabe, napakapathetic. Sorry kung nagsinungaling ako tungkol sa pagalis ko. Ayun nga, umalis ako dahil nalaman kong may girlfriend ka. Bakit? Nasaktan kasi ako. Bakit ako nasaktan? Kasi nainlove ako sayo Yeol. Siguro nga 'baekla' ako. Pero anong magagawa ko? Tanginang pagibig haha. Pakatagal kayo ng girlfriend mo ah? Enjoy your everyday. Tandaan mo, andito lang ako lagi para sayo.

PS. Pasabi kay Luhan hyung na ipadala na nya yung beauty products na binebenta nya.

PPS. Pasabi sa kanilang lahat na miss ko na sila. Pati ikaw na rin, oo na ulol.

Sana hindi parin magbago ang tingin mo sa akin, Chanyeol. Ako parin naman ito eh, nainlove nga lang sayo. Hahaha. Ayun lang, hanggang sa muli. ~

- ang iyong hyung,
Baekhyun.

Bromance || ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon