Chapter one

12 0 0
                                    

Kat's POV

"huy Kat! Okay ka lang ba?" usisa sakin ni Sammy habang nagaalmusal kami.

"okay? Haha! Okay lang ako. Promise!"

"psssshh. Hay naku Kat! Umayos ka nga dyan! Para ka namang bata! 21 ka na uy! Itigil mo yan!" sabi ni Zalyn saken, nasa isang apartment lang kasi kami.

Tatlong kwarto, isang CR, isang Dining room, isang living room tapos. Lahat kami may trabaho. Si kendra, Call center sa taguig, Si Zalyn sa Mcdonald's sa may Alabang muntinlupa, Ako wala pa naghahanap pa lang dito sa Makati. Pare pareho kaming 20 yrs old. Magulang? Si Kendra nasa laguna, si Zalyn nasa Alabang lang din, akin nasa Batangas.

"Tingnan mo! Tulala na naman si gaga! HOY!"

"ARAY!" sigaw ko, batuhin ka ba naman pandesal na matigas kasing tigas ng puso ng ex ko e!

"Hoy Kat! Umayos ka nga! Aba may interview ka!" –Kendra

"Oo nga! Agang-aga ganyan ka!"- Zalyn

"anong magagawa ko?! E ganto ako!!! Bat di nya ko natanggap!!" sigaw ko.

"hay naku Kat, hindi ko alam kung bakit naging kaibigan kita." Sabay irap ni Kendra

"Bahala na kayo dyan! Kailangan ko ng pumasok! Bye mga sis!" sabay tayo ni Zalyn at nakipag beso beso samin.

"ingat ka Zalyn ah! Burger pala ah!" pahabol ni Kendra

"psh. Oo na! ikaw Kat? May sasabihin ka ba saken?"

"Pwede bang pakikuha ng puso ko sa kanya?" seryoso kong sabi.

" FIshtea! Una na ko! Bahala na kayo dyan!" sigaw ni Zalyn na dere-deretso lumabas ng bahay.

"Hoy Kat! Maligo ka na at magbihis! Malalate ka na sa iyong interview!" –Kendra

Hindi na ko sumagot at tumayo na ko at nagpunta sa CR.

*****

Kat's POV

Nandito na ko sa Office kung saan ako iinterviewhin.

Wala nakatulala lang, nakatingin sa cellphone. Moment lang ang peg, kakausapin lang ang sarili parang baliw di ba? HAHA. Siguro ganito ang pakiramdam kapag heartbroken ka, kapag biglang nawala ang isang tao sayo na di mo inaasahan, di mo alam kung tatawa ka muna or iiyak? Anong unang iisipin mo kapag nawala siya. Anong gagawin mo? Iisipin? Kakain ka pa ba? Liligo? Toothbrush? Suklay? Make-up? Mag –

"umm. Miss kayo na po ang next, be ready" istorbo naman si ateng secretary nagmomoment ako e! kaya di ko siya pinansin tumayo na ko at inayos ang aking sarili, black doll shoes, black & white na stripe na dress *fitted* and a coat. May buhok akong lampas balikat na straight, matangos in short mukhang bumbay.

My First Old LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon