Kat's POV
12:00 am na! pero di pa din ako makatulog. Pero di na ko naiyak ah! Nakahiga lang ako sa kama pagulong-gulong. Kaya naisipan kong lumabas ng bahay namin. Wearing a gray hoodie jacket at black na pajama. Sinuot ko yung flip plop ko.
At lumarga na ko sa labas, safe naman dito sa Village namin kasi may mga cctv and security guards.
Sa kakaisip ko ng kung anu-ano, napunta ako sa playground di ko ba alam kung nang-aasar ang tadhana e.
***
10:00 pm na. I'm about to sleep when my phone rang. Ano kayang trip ni Carlo at ganitong oras e tumatawag pa.
"hello?" sabi ko
"Baby!!" sigaw nya sa kabilang linya kaya nagpanic ako!
"shit carlo! What happened?!" sabi ko
"nothing. Haha punta ka lang dito sa may playground. I'll wait for you. I love you babye"
Then he ended the call.
Kaya nagmamadali akong pumunta ng playground, mamaya kung ano pang nangyari dun e!
Pagdating ko nakita ko siya sa swing, nakatingin saken and smiling wide kaya napangiti din ako. Haha, ano kayang trip nitong lalaking to.
"anong trip mo?" bungad ko paglapit ko sa kanya. Imbis na sagutin nya yung tanong ko, tumayo siya at nagpamewang.
"ikaw anong trip mo?" taas kilay nyang sabi.
"huh? Bat ako ikaw nga dyan e!" sabi ko sa kanya
"anong trip mo at pumunta ka dito na nakaganyan?"
Shit! Dun ko lang narealize na nakapajama akong adventure time at white t-shirt at worst part wala akong bra! Kaya agad akong tumalikod at tinakpan ko yung harapan ko.
"ikaw kasi e! makasigaw ka! Akala ko kung ano ng nangyari sayo kaya pumunta ako dito agad!" bulyaw ko sa kanya, tae nakakahiya tong nangyari.
Di ko siya narinig sumagot naramdaman ko na lang may pinatong siya sa balikat ko, pagtingin ko jacket.
"tsk. Alam ko namang ganun mo ko kamahal. Pero baby, next time wag masyadong magpanic."
Nang masuot ko yung jacket nya niyakap nya ko from behind.
"I love you too, baby" bulong nya saken then hinarap nya ko sa kanya then before he even kiss me hinarang ko yung point finger ko.
"e bakit ka ba kasi nandito?!" bulyaw ko.
"just wanted to see you." Lambing nya
"e bat di ka na lang pumunta sa bahay?"
" gusto kitang masolo." Sabay ngiti nyang nakakaloko.
"baliw!" wala na kong masabing iba kasi kinilig na lang ako. Haha.
Then we hugged.
***
Kat's POV
Pinunasan ko yung luha ko na tumutulo.
Pero kahit anong punas ko ayaw nyang tumigil siguro nga ganung kasakit bat kasi dito pa ko pumunta e!
Pero di ko magawang alisin yung tingin ko sa swing kung saan ko siya nakitang nakaupo wishing na nandun siya, naghihintay pa din may dalang jacket.
"di na dadating yun"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko, hindi ako nagulat o kahit ano tinignan ko lang siya.
"dadating siya." Sabi ko na lang sa kanya. Umaasa pa din ako.
Nakita ko siyang ngumiti ng mapait at tumingin sakin sabay labas ng panyo kinuha ko lang yun at pinunasan yung luha ko at dun ko narealize na talaga ngang di na siya dadating.
"hindi na nga." Mapait kong sabi, kaya tumalikod na ko para saan pa at titingin ako dun. Ayoko ng umasa.
Pero bago pa ko makahakbang hinawakan nya ko sa kamay.
"kung di ka nga umaasa dapat kaya mong upuan yung swing na inupuan nya, nagpapatunay yun na kaya mong magmove on takpan siya sa buhay mo." Hindi siya nakatingin saken nung sinasabi nya yun nakatingin lang siya sa swing.
Pero di ko alam parang tama siya, kaya lumakad ako papunta dun sa swing. Hinawakan yung inupuan nya "never na kong aasa sayo." Bulong ko. At dahan-dahan akong umupo dun. Napahawak ako sa dibdib ko parang nawala yung isang tinik na nakatusok saken, ang sarap sa feeling kaya tinulak ko ng konti yung swing para gumalaw at napangiti na lang ako kasi ang sarap sa feeling.
Di ko na Malayan yung lalaking kausap ko nasa tabi ko na pala kaya tumayo ako at inabot sa kanya yung panyo nya.
"salamat." Sabi ko.
"walang anuman, wag mong iyakan yung lalaking yun, di siya worth it." Yun lang at tumalikod na siya at naglakad.
"teka anong pangalan mo?" sigaw ko
"Jomarie" sabi nya pero tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad.
" ako pala si-"
"Kat."
Nagulat ako ng alam nya yung pangalan ko.
Umupo ulit ako sa swing.
"Nakakainis naman. Kakasabi ko lang na di na ko aasa. Pero bakit ang tigas ng puso ko. Ayaw tumigil. Buti pa si brain malakas, sana di ko na lang siya nakilala kung alam ko lang ganito mangyayari sakin."
Di na ko nakatiis, naglakad na ko pauwi.
Jomarie? May lalaki palang ganun ang pangalan. Haha. Akala ko puro Carlo na lang..