Nympha Joy's POV
"Clint, kung magkakatuluyan tayo, sabay nating haharapin ang problema mo." Nakangiting sabi ko sakanya kaya tinignan niya ako na parang nababaliw ako pero poker face siya.
Alam kong parang nababaliw na niya akong tinitignan kasi syempre, ganun naman kapag mahal mo isang tao. Lahat inaalam mo tungkol sa kanya.
"Wala akong problema." Masungit niyang saad.
"Kasi nga hindi pa tayo. Masyado ka namang excited eh." Sabi ko at binangga ang balikat niya na parang batang kinikilig.
"Tigilan mo nga ako, Nympha." Naiirita nitong saad.
"Sus. Pakipot ka naman." Sabi ko at nangalumbaba.
Nandito kami ngayon sa canteen.
1st day of school pa lang naman.
"Clint..." Tawag ko sakanya.
"Ano nananam--" Natigilan naman siya nang dumampi ang labi ko sa pisngi niya.
"Piste! Nympha!" Namumula ang mukhang sigaw niya sakin at tiningnan na rin niya ako masama kaya napatingin ang ibang estudyante sa direksyon namin.
Napangisi naman ako. Lambot at kinis ng pisngi niya ha.
Nilapit ko lang naman ang mukha ko sa nakalingon niyang mukha sa bandang kanan kaya nung lumingon siya sakin, nahalikan ko ang pisngi niya.
"Tae ka naman!" Ganti ko.
Lintik lang walang ganti noh.
"Anong tae, huh?" Namumula paring saad niya at umupo na kasi napatayo siya kanina nang sumigaw siya.
"Kasi... mahal po kiTAE." Sabi ko at parang batang kinikilig ako pagkatapos kasi ngumingiti na ako na parang timang.
"Tss." At tumayo na siya bago naglakad paalis sa canteen.
"Teka... Clint!!" Tawag ko sakanya at sinundan na siya.
Syempre, susundan ko. Follow your dreams kaya.
BINABASA MO ANG
My HokaGirl
General Fiction"I'll be your one and only HokaGirl in this world full of Breezy Girls, Hokage Girls, and many more." ~Nympha Joy Alcantara