Chapter 3

7 1 0
                                    


Dedicated to:

MissParanotic

Nympha Joy's POV

"Clint, gusto mo libre kita ng siomai at hopia?" Nakangiting tanong ko kay Clint at sinabayan siya ng paglalakad papuntang classroom.


"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya sakin at binalingan niya ako saglit.



"So that I can SIO-MAI love to you and HOPIA love me too." Kinikilig kong sabi at binangga bangga ang balikat niya.


Poker face niya akong binalingan.


"Wow. Kinilig ka sa sarili mong line." At nagpatuloy na sa paglakad.


"Tss. KJ mo naman. Pero seryoso nga, bawasan natin." Seryoso ko nanag sabi kaya napahinto siya sa paglalakad at tinignan na ako bago hinarap ang locker niya tutal nandito na kami sa harap ng mga lockers.



"Wow. Himala. Seryoso ka. Pero, anong babawasan?" Nakakunot noong tanong niya at mukha naman siyang curious.


"Ang mga single sa mundo." Sabi ko at tinataas baba ang kilay.



"Tara, patayin natin sila.😈😈😈." Parang masamang taong sabi niya at nag- evil face pa siya.



Napatawa naman ako ng mahina.



Cute niya!!



"Haha. Kaya nga mahal kita eh." Parang hindi seryosong sabi ko pero totoo talaga.



Kumuha naman siya ng lubid.


"Eto o tali." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang tali dun kaya napangiting aso naman ako.



"Sus. Ikaw talaga, Clint. Excited ka masyado. Bata pa nga tayo, gusto mo nang magtie tayo ng knot. Ikaw ah." Sabi ko bago niya sinara ang locker niya.



"Asa." At nauna na siyang maglakad.




"Hoi!! Clint!! Ikaw naman!! 'Wag ka masyadong kiligin!! Baka himatayin ka mamaya!!" At hinabol ko siya.



I'm catching up with my dream, bebe.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Clint Jacob's POV

Ughhhh!!



Ang hangin ng babaeng 'yun!! Napaka- breezy!!



"Clint, pakikuha nga ng ballpen ko."



Hayyy...




Eto na naman 'tong babaeng 'to.




Seatmates kasi kami. Siya pa ang pumili ng upuan ko. Hindi naman ako makatanggi dahil wala nang ibang upuan.



Yumuko naman ako at kukunin na sana ang ballpen ko nang yumuko rin siya at kukunin na rin sana ang ballpen niya kaya nahawakan niya ang kamay ko.



Ngumiti naman siya sakin ng napakalaki.



"Oi. Ikaw ha. Dumadamoves ka na." Kinikilig na sabi niya.



Grabe siya ha. Siya nag-utos sakin kunin ballpen niya.


"Luh." Sabi ko nalang at binalikan na ang ginagawa ko.



"Sus. Ikaw ha." Patuloy na pang- aasar niya sakin.


Tinignan ko naman siya ng masama nang hindi parin niya ako tinatantanan sa asar.


Tumigil naman siya at bumalik na sa upuan niya pero nakangiti parin.


Napangiti na rin lang ako.


Baliw din 'tong babaeng 'to.


Pero kahit na ganun, maaamaze ka nalang sakanya kasi kahit na baliw siya, matalino naman siya at responsable.



At sa lahat ng kabaliwan niyang ginagawa niya sakin, napapasmile nalang ako.

She never failed to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

My HokaGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon