Nympha Joy's POV
Sorry po kung delayed ang pag-iintroduce ko.
Pero mag-iintroduce ako ngayon.
Hello po! Ako po si Nympha Joy Alcantara. 15 years old. Ang HokaGirl ng paaralan namin na HeathStone University. Gr. 10. May mahal na si Clint Jacob Haselcoff. Pero syempre, walang nakakaalam noh. Baka maagaw pa sakin. Pero, hayy, kahit na walang nakakaalam, alam ko namang marami akong kaagaw. Sikat siya eh. Classmates kami. 4 years na akong nagpapalipad hangin sakanya kaya nga Breezy Girl tawag sakin minsan eh. Pero syempre, mas prefer kong tawaging ng HokaGirl para naman mukhang isa akong babaeng hokage sa Naruto. 4 years na akong nagpapalipad hangin sakanya. Pero mas manhid pa ata siya sa bato eh. Hindi man lang naramdaman.
"Nymphang masaya!!"
Napaikot ko naman ang mga mata ko nang tawagin ako ni Rheian.
Rheian Taylor Tinigque. 16 years old. Bestfriend at pinsan ko. Lagdameo kasi ang middle name namin. So, 3rd degree. Gr. 11 na siya. Hindi ate tawag ko sakanya. Wala rin naman siyang pake eh.
"Nakakahiya naman Rheian, 'wag mo isigaw, baka rarami stalkers ko." Mahangin kong sabi at tinignan ang hallway. Dismissal time na, kanina pa, kaya wala nang tao except samin.
Nandito kasi ako sa hallway nagmumuni- muni. Nakaupo ako sa isa sa bench na nilgay sa labas ng classroom namin. Nilalagyan kasi nila ng bench sa mga labas ng classrooms.
"Wow. Hangin mo teh. Hindi rarami stalkers mo noh. Kasi ikaw ang rarami ng iistalkan." Sabi niya at umupo katabi ko kaya napatawa ako ng mahina.
"Wow. 'Wag kang magmalinis. Alam ko kayang iniistalk mo si Lucky noh." Sabi ko at nagsmirk kaya nanlaki ang mata niya at tinakpan niya bibig ko.
"Ikawng bata ka... pano mo nalaman?" Nanalalaking mata at namumulang pisngi na tanong niya kaya napaikot ko mata ko.
Obvious namang may gusto siya sa bestfriend niyang lalake.
Lucky Ace Saval. 17 years old. Best boy friend ni Rheian. Merong space na ibig sabihin, friendzoned. Manhid rin, katulad ni Clint.
"Nakita ko phone mo. Nakaunlock kaya pinuntahan ko ang gallery. Then poof, nakita ko pictures ni Lucky. Pinuntahan ko rin ang FB mo, at nakitang nasa wall ka niya. Kaya nagconclude ako." Sabi ko with matching hand gestures pa, lalo na sa poof na part.
Tinignan naman niya ako ng masama.
"Wala ba sa dictionary mo ang word na 'privacy?' Atsaka, bakit ka naman nagconclude agad?" Sabi niya at pinatong ang dalawang kamay sa bench at nagyuko.
"Meron naman. Sadyang na-curious lang ako. At nagconclude ako agad na nagstalk ka, kasi alanagan namang magconclude ako na pinagnanasaan mo siya, mga nakatopless na pictures pa naman ang tinitignan mo." Sabi ko kaya mas lalong namula ang mukha niya.
"Gaga ka talaga." At nagsimula na niya akong kulitin kung ano pang iba kong nakita sa phone niya.
BINABASA MO ANG
My HokaGirl
General Fiction"I'll be your one and only HokaGirl in this world full of Breezy Girls, Hokage Girls, and many more." ~Nympha Joy Alcantara