Senpai,
Nakasakay ako sa jeep kanina pauwi. Nung bayadan na namin. Kinapa ko sa bulsa ko yung wallet ko. Wala akong makapa. Ilang beses ko ulit hinawakan yung bulsa ko nagbabakasakaling nandun yung wallet ko. Pero wala. Nakatinggin na lahat ng pasahero sakin kasi ako nalang yung hindi nagbabayad. Kinabahan ako. Pero may isang lalaking nagabot ng bayad at sinabing akin yun.
Tiningnan ko siya. At sa imbis na magpasalamat ako, nahampas ko siya. Siya lang naman kasi yung lalaking nakabunggo sakin kanina sa NBS.
Bumaba na agad ako buti nalang malapit na yung sa amin. Hay! Kailan kaba kasi darating! I need you!
BINABASA MO ANG
Dear Senpai (New Version)
RomanceIsang blog kung saan makikita ang pangaraw-araw na gawain ni Deyn. Isang teenager na nangangarap na dumating na sakanyang buhay ang kanyang Senpai.