Entry 4

7 0 0
                                    

Senpai,

Napag-isipan kong maghanap ng Summer Job. Nakakatamad na kasi talaga sa bahay. Kaya ayun, para magkaroon din ako ng income this summer.

Pumunta kami sa Jollibee para magpasa ng Requirements. Kasama ko nga pala yung mga Bestfriend ko na sina Jaquie at Cris. Kinakabahan ako kasi first time kong mag-apply ng trabaho.

Pagkarating namin sa Jollibee, tinanong namin sa guard kung saan pwedeng magpasa ng requirements for summer job. Pinapunta niya kami dun sa lalaking nakatalikod samin. Mukhang crew din siya dito kasi parehas niya ng uniporme yung iba pang crews dito.

Pinuntahan at kinausap namin siya. Gosh! Ang gwapo niya pero wag kang magselos Senpai ikaw lang ang gusto ko. Ely yung pangalan niya assistant pala siya ng manager dito. Sinamahan niya kami papunta sa office of the manager. Kinausap lang kami saglit ng manager at ibinigay na namin yung mga dala naming requirements. Tatawagan nalang daw kami.

Yun na din ang hudyat para umuwi na kami. Pero habang pauwi na kami. Nakasalubong namin yung lalaking kasabay ko sa jeep nung isang araw. Yung lalaking nakabunggo sakin sa NBS. At aba inirapan ako. Bakla ata amp. At itong dalawang kasama ko naman ayun parang bulateng winisikan ng asin. Kilig na kilig sa lalaking yun. Gwapo sana siya kaso ang sama ng ugali.

Kailan ka ba kasi darating? Para may magtatanggol sakin.

Dear Senpai (New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon