Senpai,
AYOKO NA! Hindi na ako tutuloy sa pagsasummer job ko! If you're going to ask me why, nandun lang naman si Mr. Attitude. Oo yung lalaking sobrang sama ng ugali na akala mo ipinaglihi sa sama ng loob ganun!
Crew pala siya sa Jollibee kaya nakasalubong namin siya nung time na yun. Ang sama talaga ng ugali niya! Kanina kasi habang nagtitraining kami sa store, tinalisod niya ako habang papunta ako ng kusina at ang loko tumawa pa, sabi niya hindi niya daw sinasadya pero ngiting-demonyo ang lalaki. Tapos binulungan niya ako na may atraso pa daw ako sakanya. Gosh lang siya!
Gusto ko talagang magsummer job pero pag-iisipan ko muna kung papasok pa din ako kasi nandoon ang lalaking yun. Baka mamaya mabalitaan nalang sa tv na may nasaksak akong lalaki dahil sa inis.
Sana dumating kana Senpai para sayo ko siya ipapabugbog.

BINABASA MO ANG
Dear Senpai (New Version)
RomanceIsang blog kung saan makikita ang pangaraw-araw na gawain ni Deyn. Isang teenager na nangangarap na dumating na sakanyang buhay ang kanyang Senpai.