Umalis na kami sa Jollibee. Nakakapagod na araw na naman ang natapos. Nahiwa-hiwalay narin ang landas namin nina Jaquie at Cris magkakaiba kasi kami ng tinutuluyan.Habang naglalakad ako pauwi kanina ko pa nafifeel na may sumusunod sa akin. Madilim pa naman dito sa amin. Binilisan ko yung paglalakad ko tapos naramdaman ko na binilisan niya din ang paglakad niya.
Nagulat ako nang biglang may umakbay.
"Holdap to akin na mga gamit mo!" Sabi ng lalaking umakbay sakin. Oh my gosh! Napatigil ako sa paglalakad. Ibibigay ko o sisigaw ako ng tulong. Eh naman eh! May kutsilyo siya paano pag sinaksak ako nito. Napadasal ako ng di-oras ng biglang nawala yung akbay sakin nung lalaki. Hindi ko kasi nakita kung bakit kasi nakapikit ako.
"Ok kana ba? May masakit sayo?" Tanong sakin ng isang pamilyar na boses. Napamulat ako bigla. Nakita ko siya. Oo, yung lalaking asungot sa harap ko. May lalaki akong nakahandusay na lalaki sa gilid. Yung lalaking nangholdap sakin. Ngayon lang nagsink-in sakin ang mga nangyari. Napaupo ako at napaiyak. Hindi ko akalain na mangyayari sa akin yung ganun.
Naramdaman ko nalang na may nagtayo sakin. Yung asungot pala. Wala sa sarili ko siyang niyakap at doon ako umiyak ng umiyak.
"Shhh. Tahan na. Tara kumain nalang tayo sa 7/11" Hinawakan niya ako sa kamay. May naramdaman akong kakaiba nung hinawakan niya ang kamay ko. Pero hindi ko nalang pinansin kasi ang bilis ng lakad niya eh nahihila ako bwisit talaga.
Nakarating na kami sa 7/11 pinaupo niya ako at pumunta siya doon sa mga rack ng pagkain. Gabi na pala. Lagot ako kay mama nito. Nagsisink-in parin sakin yung mga nangyari. Hays! Sa susunod nga magdadala na ako ng pepper spray o kaya ng patpat para incase na mangyari sakin 'to ulit may panglaban na ako.
Habang nagdedaydream ako biglang may pagkaing lumitaw sa harapan ko. Big Bite, Slurpy at Potato Chips! Mga paborito ko.
Nakarinig ako ng paghagikhik. Tiningnan ko kung sino yun. Si Asungot pala. Pinipigilang mapatawa sakin.
"Tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong ko habang binubuksan yung potato chips
"Wala naman, mukha ka kasing taga-ibang planeta gawa nung reaksyon mo nung nakita mo yang mga yan." Sabi niya habang umiinom ng Gulp. Aba walanjo!
"Bwisit ka talaga!" Hinampas ko siya ng hinampasUmuwi na kami habang tumatawa. Mabait naman pala siya kaso maloko. Nagpasalamat ako sakanya nung nahatid niya ako sa bahay. Kita nalang daw kami sa Jollibee kasi parehas na kami ng sched.
Nakatulog ako ng may ngiti sa labi ko. Kahit na maraming nangyari masaya padin ako. Hindi ko alam kung bakit.

BINABASA MO ANG
Dear Senpai (New Version)
RomanceIsang blog kung saan makikita ang pangaraw-araw na gawain ni Deyn. Isang teenager na nangangarap na dumating na sakanyang buhay ang kanyang Senpai.