6.

816 40 1
                                    

DHIA'S POV.

Life was a living hell here in the Belvedere mansion. Or should I say sa mansion ni Kaito. Nakakainis siya. Ginagawa niya akong katulong. Buti na nga lang talaga at nandito si Xenon para tulungan at kausapin ako. Nako, kung hindi baka mabaliw na ako.

"Oh, aalis ka ba?" Nasa sala si Xenon at prenteng nakaupo habang nanunuod ng TV. Pababa kasi ako ng hagdan at medyo bihis na bihis ako ngayon.

"Si kamahalan may nakalimutan daw at pinapadala sa akin sa opisina niya." Itinaas ko naman yung clearbook na hawak ko. Halos isang oras ko nga hinanap yun sa library ni Kaito eh. Ilang beses na nga akong tinawagan dahil ang tagal ko daw.

"Hatid na kita." Sabi niya sa akin. Dahil likas ang pagiging mahiyain sa akin, tatanggihan ko ang attempting offer niya.

"Wag na, commute na lang ako." Halatang hindi siya pumayag kasi automatic na tumaas ang kilay niya. Tsaka siya nagsalita ulit, "Wait for me here."

"Okay." Wala na akong ibang nasabi. Ako pa ba tatanggi? Nagi-insist na nga siya eh. Mabuti sana kung binibigyan ako ni Kaito ng allowance eh wala naman. Siguro tinatanung niyo ngayon kung ano nang nangyari sa 1 billion ni Kaito. Ayun, nasa bangko pa. Di pa rin kasi alam ng parents ko na ibinenta ako ni Spencer.

Iginala ko na lang ang mata ko sa loob ng bahay. Kahit 3 days na ako dito, di ko pa rin nakakabisado yung pasikot sikot dahil literal na malaki talaga ang bahay nila. At nasabi ko na ba na silang dalawa lang ang nakatira dito? Mas malaki pa nga ito dun sa bahay namin eh.

"Let's go?" Nabalik naman ako sa mundo ng yayain na akong umalis ni Xenon. Ang hot niya sa suot niya ngayon. Naka-short lang naman at polo pero, ang lakas ng dating. Naka-shades din siya. Bakasyonista lang ang peg.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse buti na nga lang at nagpapatugtog siya eh. Kundi, baka kanina pa ako tulog. 

Di rin naman pala ganun kalayo yung office nila sa bahay dahil wala pa halos 20 mins lang ay nandun na kami agad. Nasa normal speed lang din naman si Xenon at medyo traffic pa nga kung tutuusin.

Bumaba kami sa mismong building ng Belvedere Tower at agad lumabas ng sasakyan. May lumapit namang valet at iniabot ni Xenon ang susi ng kotse niya.

"Good afternoon po, Sir Xenon!" Bati sa kanya nung security guard. At aba, di man lang ako binati. Ganun ba yun? Sa boss lang bumabati? Inirapan ko tuloy si Kuya Guard. Tse! 

Napa-pout tuloy ako agad rin namang napansin ng lalaking kasama ko. "Oh, what's with the long face?" He asked me at nagkibit balikat na lang ako.

Sumakay kami ng elevator at pinress ang 8th floor. Kami lang ang sumakay galing sa ground floor. Pagdating na lang namin sa 2nd floor atsaka may sumakay.

"Goodmorning, Sir Xenon!" Bati rin naman agad nung mga empleyadong kasabay namin. Sige na, wag niyo na lang akong pansinin.

Nagsibabaan na rin naman yung mga empleyado sa 5th floor at kami na lang ni Xenon ang natira ng, "Wait!" Sigaw ng isang matangkad na babae.

Agad namang pinigilan ni Xenon ang papasaradong elevator.

Nung makapasok yung babae mas lalo akong naintimidate sa height niya. Unfair! Legs pa lang niya talo na ako. Kaasar~

Maputi rin siya tapos yung buhok niya di ko alam kung natural na kulot yung dulo na bumagay naman dun sa maamo niyang mukha. I can say, maganda talaga siya.

"Which floor?" Natauhan naman ako sa tanung ng kasama ko kung saang floor bababa yung babae.

"8th floor, please." Well, accent pa lang ng babaeng ito alam mo nang mayaman.

"So, how are you?" The girl asked. So, magkakilala pala sila? And, bakit ba ako napapa-so? So, what? Hay.

"Fine." Tipid na sagot ng katabi ko. Then, awkward silence na lang.

Di na sila nag-usap hanggang sa makarating kami sa 8th floor. Nakasunod lang din sa amin si Ms. Tangkad. Siguro, pupunta rin sa office ni Kaito. Ang pagkakaalam ko kasi siya lang naman ang nag-oopisina dito kasama yung secretary niya, malamang.

Nung malapit na kami sa pinto, agad na nag-overtake yung babae sa amin at siya na ang nagbukas ng pinto. How thoughtful of her.

"Goodmorning, babe. Have you eaten your lunch?" Mabilis pa sa alas-kwatro na nakakapit na siya ngayon kay Kaito. Parang may naramdaman akong kumirot banda sa puso ko.

Akala ko ba, okay na? Di ba wala na akong feelings sa manlolokong yun? Pero, bakit nagkakaganito ako ngayong malaman ko na may girlfriend na siya?

"Where's the files?" Baling naman sa akin ni Kaito kaya lumapit agad ako sa kanya.

Nahawakan or should I say hinawakan niya yung kamay ko. Nakaramdam naman ako ng kakaibang sensasyon mula doon. Hindi lang simpleng nagkabanggaan ang kamay namin, pakiramdam ko inabot niya talaga yun.

Ako na yung nagbawi ng kamay ko mula sa kanya. Mamaya mapansin pa ng girlfriend niya at pagselosan pa ako. Sa ganda kong ito, malamang sa malamang mainsecure yun sa beauty ko.

"May kailangan ka pa ba?" Medyo awkward na tanong ko sa kanya. Nakatingin lang naman sa amin  si Xenon at yung girlfriend ni Kaito.

Di niya ako sinagot. Umupo na siya sa swivel chair niya at nagsimulang tignan yung laman nung clearbook.

Bahala siya. Naglakad na ako palabas at sumunod naman sa akin si Xenon, "Let's each lunch together outside." Sigaw niya habang habol habol ako. Bago ko pa tuluyang mapihit yung seradura ng pinto meron kaming narinig na malakas na kalabog. Napatigil tuloy ako para lumingon.

Si Kaito, nakatayo at mukhang inihampas yung kamay sa mesa. Problema nito?

"Shall we?" Tumango ako. Di na siya pinansin ni Xenon at siya na ang nagbukas ng pinto para sa amin.

"After you, Ms. Beautiful." Napahagikgik naman ako sa sinabi ni Xenon. Ms. Beautiful daw. Feel ko bumalik ako nung high school eh.

Bago pa man kami tuluyang makalabas ay sumigaw si Kaito, "Don't ever try to leave this room without my permission, Ms. Cascavel. Hindi pa tayo tapos."

"Hey bro, pwede magbreak muna siya? She's not your slave or what. First thing in the morning, utos mo agad ang bumungad sa kanya. Di pa nga siya nagbebreakfast eh." Amaze na amaze kami ni Ms. Tangkad sa nakikita namin.

"That's why I bought her right? To be my slave." Nakatingin lang si Kaito dun sa files na binigay ko sa kanya habang sinasabi niya iyon. That hit me again, SLAVE. I am nothing but his slave.

"This is fucking nonsense!" Sigaw ni Xenon. Hinila niya yung kamay ko pero, agad kong tinanggal yung kamay niya.

"You leave first, Xenon. I can manage." I assured him. And bago pa tuluyang makalabas ay nagsignal na pa siya ng "call me after."

"Babe, eat your lunch first. Marami pa akong gagawin." Eh di ikaw na sweet sa kanya. Peste!

Pagkalabas nung girlfriend niya, ako na agad ang binalingan niya, "I didn't know ganun na kayo agad kaclose ni Xenon. You really have eyes set on rich guys, huh?"

Alam ko insulto yung sinabi niya sa akin pero, di ko na pinatulan. Sinusumbat na naman niya sa akin yung panlalait ko sa kanya bago kami magbreak.

"Bakit di ka makasagot? I was right, di ba?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

"Why Xenon of all people?" He whispered. He's too close. I'm in danger. Gustong lumukso nung puso ko. But, I still fight the urge to say anything.

"Tell me, why him? I'm richer than him. I have more money. Why not me, Dhia? Why?" I looked in his eyes. I saw nothing but pain. And it hurts me, a lot. Di pa rin siya nakakagetover sa break up nnamin gaya ko.

"Cheat with me, Dhia." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Cheat with him? Is he out of his fucking mind?

"Cheat with me, kahit di mo na ako talaga mahal I can give way. Just be with me. I'm willing to give you everything."

"You're crazy."

"Yes, I am!" Sigaw niya.

"Do you think its just all about money? You're hopeless, Jeron. Really." And with that, I left his office not trying to hold my tears back.

Sold to a Cold Hearted Billionaire (MyungU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon