3.

994 40 6
                                    

SPENCER'S POV.

"I won't allow you to leave No Limits para magpalipat sa Synergy. You will stay here. I will triple your salary if that's what you want." Makulit talaga itong si Dhia. Gusto kasi niyang magpalipat sa Synergy. Pagmamay-ari rin namin iyon. The big difference is that, hindi iyon isang bar kundi isang club. A high-class club, actually. I'm just wondering why does she insist on leaving No Limits just to transfer to Synergy? As if I would allow her to do that. Hula ko, kailangan na naman ng malaking pera nito. That's why I'm increasing her salary triple her current wage.

"Masyado ka ng maraming naitulong sa akin. Sobra sobra na. Kaya nga nagpapalipat ako sa Synergy di ba? Huling tulong mo na sa akin." She still insist what she wants. Damn. Can't she get that I would never allow her?

"You're my friend. Hindi matatanggap ng konsensya ko na kung sino sinong lalaki lang hahalik at hahawak sayo. Worst even sleep with you." Tinaasan niya ako ng kilay matapos marinig yung huling sinabi ko.

"Sa tingin mo ba magagawa ko yun?" Her voice suddenly became loud. She's getting mad at me. I guess I hit her not physically but, emotionally.

"Of all people, ako pa ang tinanong mo. Simula bata magkasama na tayo. I know you are capable of doing those things na hindi mo ginagawa just for your family. I know you well, Charity." Yung mga close lang sa kanya ang pinapayagan niyang tumawag sa kanya na Charity. That includes her family, me, Jexel and Sheena.

"Payagan mo na ako, Spencer." Pagpipilit pa rin niya.

"My decision is final. You will stay here in No Limits whether you like it or not." Iniwan ko na siya dun sa may pinto ng office ko at pinuntahan ang mga kaibigan ko. Problema rin ang mga ito. Lagi na lang dito tumatambay. Palibhasa, gusto lang makalibre.

"Pare, mukhang nagkainitan kayo ni Dhia ah? LQ ba?" Pangaasar sa akin ni Harjin. Wala talagang matinong lumalabas sa bibig ng isang ito.

"Gago. Makulit kasi talaga ang babaeng yun. Gustong ipilit yung gusto kahit ayaw ko." Para namang nanlaki yung mata ni Harjin sa narinig. Hindi pala parang, nanlaki talaga ang mga mata niya.

"Niyaya ka niya?" Anong sinasabi nito? Walang magawa sa buhay. Umupo na ako sa tabi ni Kaito at kinuha yung beer na nasa tapat ko. Ininom ko na rin iyon.

"Dapat pumayag ka na, Spence. Babae na nga nagyayaya sayo eh. Knowing na ang ganda ganda ni Dhia. Kung gusto mo, irecommend mo ako sa kanya. I can make her ask for more." Ngumiti siya ng nakakaloko. Pero, di ko pa rin gets ang ibig niyang sabihin. Bahala na nga siya. Wala akong panahon sa mga kalokohan niya.

"Ano bang pinagtatalunan niyo?" Tanong sa akin ni Max habang nakaupo at umiinom rin ng beer. Wag na kayong magtaka kung maagang mamatay ang mga kaibigan ko.

"Gusto kasing magresign ni Dhia sa No Limits. Nagpapalipat siya sa Synergy." Walang gana kong sabi sa kanila. Napalingon naman silang lahat sa akin. May nasabi ba akong masama?

"You mean, dun sa five star niyong club?" Tanong ni Max. May five star bang club? Parang di naman nagsipagaral ang mga ito. Nakakahiya sila maging kaibigan.

"Dapat pinayagan mo! Para dun na kami lagi pumunta." Nagningning ang mga mata ni Harjin. Alam ko na iniisip nito. Sa tingin niya siguro, makakascore siya kay Dhia. Dun siya nagkakamali.

"Kaya nga ayaw kong payagan dahil alam kong maraming katulad mo na pumupunta dun." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Nakakahurt ka, pare." Nagdrama pa ang isang ito. Hindi siya nakakatuwa, nakakabwisit. Ang sarap upakan.

Sold to a Cold Hearted Billionaire (MyungU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon