7.

843 45 10
                                    

Dedicated to GrachiAlonzo. Thank you for patiently waiting. =)

KAITO's POV.

She ran really fast after saying her last words. And for the second time in my life, she left me standing in awe.

Hindi ko alam kung bakit sa pangalawang pagkakataon, mahal ko pa rin siya. Mas higit pa. Tanga ba ako o martir?

I called Sandy, my secretary, mula sa intercom. "Cancel all my meetings for today."

"Yes, sir." Wala rin naman kasi akong natatandaan na mahalagang business meeting ngayong araw.

Dali-dali akong nagpunta sa parking lot para puntahan ang kotse ko. Sumakay agad ako at tinawagan si Spencer.

"Call the others except for Xenon. I'm on my way." Di ko na siya hinayaan pang magsalita. Alam na niya ang ibig sabihin nun at kung anong dapat gawin.

Kulang na lang paliparin ko ang kotse ko papunta sa No Limits. Pagdating ko doon, nandun na silang lahat maliban nga kay Xenon na di ko pinapunta.

Basta talaga inuman, mabibilis ang mga yan.

"Hey, bro! Ano na naman bang problema mo? Business? And bakit di mo pinapunta si Xenon?" Tanong agad ni Harjin paglapit ko sa kanila. Umupo na ako pero, di ko pa rin siya sinasagot.

"Tangna naman, pre. Magyayaya kang uminom tapos di ka rin naman magkekwento. Ang saya mo rin ano?" Naiinis na sabi ni Harjin.

"Babae." Walang kagana-gana kong sabi.

"Si Kaito Belvedere, namomroblema sa babae? Oh c'mon. Nag-away na naman ba kayo ni Ciara?" Max is referring to my girlfriend.

"No." Tipid kong sabi.

"Let me guess, it's about Dhia." Sabat na rin ni Spencer sa usapan.

"Wait, wait. Dhia? You mean your smoking hot and gorgeous waitress here? Dhia as in Dhia?" Medyo amazed pa si Harjin sa mga narinig.

"She's the same Dhia na binili mo for 1billion right? Wag mong sabihing di ka pa nakaka-score? Di mo pa naikakama?" Napailing na lang ako sa tanong ni Max.

"Hina mo, bro! Where's the Kaito we all know?" Gatong pa ni Harjin. Dumating na rin yung beer and tequila na inorder namin. Si Jexel ang nagdala. Sinuyod ko yung kabuuan ng bar para lang hanapin siya.

"She's not here, may klase pa siya. 6pm pa ang shift niya." Bulong ni Spencer sa akin. Inisang inom ko yung tequila na hawak ko.

DHIA's POV.

"Your thesis defense will be on Friday, 2 months from now. I hope paghandaan niyong mabuti." Di ko na alam kung ano pa yung pinagsasasabi nung thesis adviser namin. Wala ako sa ulirat makinig sa announcements niya. Itatanong ko na lang kay Sheena sa susunod na araw.

Naramdaman ko na lang bigla na may papel na tumama sa ulo ko. Tumingin ako sa kanan, sa pinanggalingan ng papel. Nakita ko Sheena na nakanguso. Sinasabi na pulutin ko daw yung papel.

Agad ko namang ginawa. Binuksan ko iyon at nakitang may nakasulat.

What's your problem? Kanina ka pa lutang. Nagsha-shabu ka ba?

Di ko alam kung matatawa ba ako sa iniisip ng bestfriend ko tungkol sa akin or what. Maka-conclude kasi.

I just mouthed her the word, "Later." Mahaba-habang explanation pala yun mamaya dahil di ko pa nasasabi sa kanya na nakita ko ulit si Kaito at sa kasamaang palad binili pa niya ako. Hay. Bumuntong hininga na lang ako.

"That's all for today. Submit all the requirements I'm asking next next week. Good bye." Paalam ni Ma'am Alamendra, yung thesis adviser namin. 

Di pa man ako nakakarecover sa pag-alis ni Ma'am agad na akong hinila ni Sheena sa upuan niya. Wala na akong magagawa, atat eh. Siguro kailangan ko na rin sabihin sa kanya para naman hindi ko kinikimkim lahat.

Kaya kinwento ko na ang lahat sa kanya. 

"Kaya ito ako ngayon, tulala at di makausap. Di ko na alam gagawin ko!" Masisiraan na po ata ako ng bait.

"Ano bang ina-arte arte mo dyan?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

Di niya ako hinayaang magsalita.

"Obvious naman na mahal niyo pa ang isa't isa. Ikaw na nga ang nilapitan ikaw pa itong nagpakipot. Tapos ngayon, maggagaganyan ka. Labo mo rin, Charity!" Tuloy-tuloy niyang sabi.

"So, kasalanan ko?" Medyo amaze na tanong ko.

"Baka ako may kasalanan." Halatang halata ang sarcasm sa sinabi niya. Ang saya niya kausap di ba?

"Ito lang yan eh. Ganyan ang reaksyon mo kasi ayaw mo talaga o nagsisisi ka na di mo inaccept ang offer niya. At ako na mismo ang nagsasabi yung huli kong sinabi ang tama." Bakit ba huling-huli ako nitong si Sheena?

"Paano kung sabihin kong mali ka?"

"Lokohin mo lelang mo, Charity!"

Para akong kriminal na inaakusahan at tinatanggi ko naman yung kasalanan ko kahit tama naman ang sinasabi niya. Good Lord, why?

Di na ako nakapagsalita pa. Naramdaman ko namang nag-vibrate yung phone ko mula sa bag ko.

From: Spencer

Kaito's here. Wasted. Ano bang ginawa mo dito?

"Oh, anong nangyari sayo at ganyan itsura mo? Sino ba yung nagtext?"

At dahil wala pa rin akong imik, kinuha na ni Sheena yung phone sa kamay ko.

"Ano pang tinutunganga mo dyan? Tara naaaaaaa!" Hila sa akin ni Sheena patayo sa upuan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Shift mo na sa No Limits di ba?" 

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"May lovelife tayong aayusin at fairytale na bibigyang katuparan."

Sold to a Cold Hearted Billionaire (MyungU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon