PART 1

35 0 2
                                    

     Nakatambay ako ngayon sa isang mall na malapit sa school na pinapasukan ko. Ang St.Lewis Academy. Mag-isa lang ako hindi dahil sa isa akong LONER o dahil wala akong friends.. wala lang gusto ko lang mapag-isa. Gusto ko lang makapag-isip.

    "SPACE? Bakit feeling mo astranaut ka at nanghihingi ka ng space? Go to hell, Jack!!"

   Nanggiggil pa rin talaga ako kapag naaalala ko na 2 days ago ay nagkaroon kami ng matinding pagtatalo ng boyfriend ko. Or should i say EX-BOYFRIEND?

   EX-BOYFRIEND because 2 days ago, nakipag break na sa akin ang boyfriend ko for almost a year na si Jack Flores. No, Hindi pala nakipag break. he only asked for a space. Yeah, you heard it right, as in S-P-A-C-E. But deep inside, I know na hindi niya lang masabi na gusto niya na talagang makipaghiwalay kaya iyon nalang ang ginamit niyang alibi. 

   Ang akala siguro ng mokong na iyon ay hindi ako papayag at magmamakaawa ako sa kanya na wag niya akong iiwan. Pumuti man ang uwak ngayon mismo pero never, as in N-E-V-E-R ko siyang hahabulin no? he decided to leave me so why would i give him the satisfaction of seeing me acting like a pathetic loser? I just can't take what he did. i thought we're so perfect together just like Romeo and Juliet. But i was wrong =( He needed space. But why the hell would he ask for a space when in first place, hindi naman ako clingy sa kanya?

    "ASAR! WHOEVER INVENTED THE WORD COOL-OFF SHOULD BE BANISHED TO HELL!"

   Hindi ko na makontrol ang emosyon ko, kasabay noon ay ibinato ko ang chocolate-sundae na hawak ko. umorder ako for take-out sa mcdo kanina kaso nakalimutan kong kainin dahil ukupado nga ni Jack ang utak ko. Pesteng Jack yan.

   "WHAT THE FUCKING HELL!"

  May narinig akong sumigaw. Nakagat ko ang lower-lip ko nang marinig ko ang dumadagundong na tinig ng isang lalaki. Wow Alex! Ang tanga-tanga mo! Sa dami nang pwede mong ibato iyong sundae pa ang napili mo. 

   Napatayo ako sa aking kinauupuan at nilapitan ko ang lalaking natamaan ko  ng sundae.

   "Naku, sorry hindi ko sinasadya." kinuha ko ang panyo ko sa bag

   "Bulag ka ba miss? Do i look like a trash can to you?!"

    Nakita ko na nagmarka ang sundae sa damit nya. Mygulay, i feel so guilty.

   "Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Pasensiya kana." Natriple ang kaba na nararamdaman ko nang makilala ko nang makilala ko ang lalaking kaharap ko. Si Guji Madrigal ba ito?!! Oh nooo, kung sinu-swerte ka nga naman. Siya lang naman ang isa sa mga pinagpapantasyahan ng ilang mga kababaihan sa school. He's quite famous for being such a snob and his dragon-like-attitude. Iyong tipong isang kilos mo lang ay bubugahan kana agad niya ng apoy. He's tall and handsome. No wonder maraming babae ang nagpapa cute sa kanya.

  "Will you please stop saying sorry? What's the use of it if the damage has been done?"

 Aray ha?! Tama nga siguro ang chismis na kumakalat sa school na masungit siya. "Pasalamat ka pa nga at nagsosorry sayo ang tao eh!" pabulong kong sabi habang pinupunasan ko ang stain sa damit nya. Oh well at totoo din pala ang chika na ang bango-bango ng mokong na ito. Iyong totoo, perfume ba ang pinapaligo niya tuwing umaga?  

    "You're saying something?" iritado nitong tanong.

    "H-ha? Ah eh, w-wala. Wala."

   Ay leche naman, happy bulol moment. Great! Walang babalang hinablot niya ang panyo na hawak ko at umalis nalang ng basta-basta.

     "Araguy, supladooo!"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

 Bitin ba? lol. Like what i've said no harsh comment please =)

=khiyapot <3

LOVE HAS COME MY WAY ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon