GUJI'S POV.
Salubong ang kilay ko habang pinupunasan ko ng panyo ang stain ng sundae na tumapon sa damit ko. Type akong sundan ng kung anu-anong kamalasan ngayon. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin, malamang lahat ng nakasalubong ko eh patay na sa mga oras na ito. Kaninang umaga while on my way to school na-flat ang gulong ng kotse ko. Kailangan ko pa tuloy tawagan si Chanon, one of my friends, para makisabay sa kanya papuntang school. At ang kotse ko iniwan ko sa driver ko para maidala niya sa pinakamalapit na pagawaan. Good thing na tinamad ako magdrive for my own at naisipan kong magpadrive dahil kung hindi ano na lamang ang mangyayari sa akin sa gitna ng kalsada habang ang gulong ng kotse ko ay sira? At kanina habang naggagala ako sa isang mall na malapit sa school meron namang babae na hindi ko malaman kung anong uri ng katangahan ang pumasok sa utak at basta-basta nalang nagtapon ng sundae sa harap ko. Nakakapang-init ng ulo.
"What happened to you, Bro?"
Nakasalubong ko si Chanon pagpasok ko sa pinto ng locker room. Napabuga ako ng hangin at naupo sa monoblock chair na nasa sulok. Hinagis ko ang bag ko sa sahig at binalingan ko si Chanon.
"May tangang nagtapon ng sundae sa damit ko." Muli kong pinunasan ang mantsa sa damit ko ng panyong hawak ko. Wala pa ako sa mood magkwento dahil badtrip pa ako.
"Want a drink?" alok ni Carlo. Isa rin siya sa mga kaibigan ko. Ibinato niya sa akin ang isang bote ng gatorade. Okay ito, pampalamig ng ulo.
"You're still lucky, Madrigal dahil damit mo lang ang natapunan ng sunda'e. What if pati mukha mo, eh di lalo nating napatunayan na mas magandang lalaki nga ako kesa sayo." si Kyle.
Tiningnan ko siya ng masama pero ngumisi lang ito. Isa ito sa mga kakilala ko na hindi nangingilag kahit na gaano pa kasama ang timpla ng araw ko. Madalas niya akong tawagin sa last name ko lalo na kapag trip niya ako.
"Si Guji na naman ang nakita mo Kyle." ani Chanon habang napapailing nalang. Sanay na ang mga ito sa amin ni Kyle.
"You know how much i love Guji, Chanon." nakangising sagot ng loko-loko.
"You must die, Delfin! Die!" sigaw ko. I always call him Delfin kapag ganitong masama ang timpla ng araw ko at inaasar niya ako. That was his second name pero asar na sar siya kapag tinatawag siya sa ganoong pangalan. Nagmumukha raw siyang tindero ng isda.
"Dude, hindi tumatanggap ng gwapo si San Pedro, you know." sabay halakhak. Ibinato ko sa kanya ang panyo na hawak ko. Hindi ito umilag kaya nasapol ito sa mukha. Nakita ko kung paanong nagkasalubong ang mga kilay niya at tumigil sa pagtawa. Kapagkuwa'y ngumiti ng nakakaloko. Napakunot ang noo ko dahil nakatingin siya sa panyo na ibinato ko.
OH SHIT! Parang alam ko na ang ibig sabihin ng mga ngising iyon. Iyon lang naman ang panyo na pagmamay-ari ng tangang babae kanina.
"At kailan ka pa natutong magpanyo, Madrigal?"
"Si guji nagpanyooo???"
Halos sabay-sabay pang nagreact ang mga bungol. Tell me, isang karumal-duamal na bang krimen ngayon ang nmakita kang gumagamit ng panyo?
"FYI guys, pambabae ang panyo nya!" Hindi pa talaga nakuntento si Kyle at binandera pa talagaang panyo na hawak.
"Nuxxx, binata na si Guji!" pang aalaska rin ni Carlo.
"Mcfloat! Mcfloat!"
"Binata na ba talaga? Oh baka naman nagdadalaga na siya."
Tiningnan ko silang lahat ng masama. Patuloy pa rin sila sa pang aasar.
BINABASA MO ANG
LOVE HAS COME MY WAY ;)
RomanceTo fall inlove is awfully simple, but to fall out of love is simply awful. Especially when you are the one who wanted the relationship to lasts. Mending a broken heart is never easy.There is no quick way to stop your heart from hurting so much.