PART 4

18 0 0
                                    

     Dinala ako ng aking mga paa sa isang malapit na park na malapit sa school. May mangilan-ngilang estudyanteng nakatambay sa naturang park. Palibhasa break-time naman. Dito ang tambayan ng ilan sa mga estudyante ng St. Lewis. At dito rin ang naging hangouts namin ni Jack noong kami pa. Ehhh, si Jack na naman. +_+

     Yaan niyo na, bitter talaga ako eh. Kapag tapos na klase naming pareho at sabay kaming umuuwi dito muna kami didiretso. Magsuswing habang nagkukwentuhan ng mga nangyari sa loob ng klase. Magtatawanan, maghahabulan, mag-aasaran. Nakakalungkot na simula ngayon, mag-isa nalang akong tatambay dito. Wala nang Jack na susunod sakin. Wala nang Jack na mangungulit sakin. Wala na ring Jack na mang-aasar sa akin. Wala na ring tutulak sa akin sa swing. :((

     :((

     :((

     Hays, memories. I should forget about it. I must forget abou it. Alam kong walang mangyayari sa akin kapag patuloy ko lang siyang inalala. Baka imbes makapag move on ako, lalo lang akong mabitter. I swear it would be the last tear im gonna give. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. I looked around. I saw some birds chirping on the trees. Naupo ako sa isa sa mga swings na nandoon. Medyo malungkot ang simoy ng hangin. Makulimlim ang buong paligid. Weird na parang nakikisama ang panahon sa nararamdaman kong kalungkutan ngayon.

     "Are you cutting classes?"

     Napalingon ako sa tinig na iyon. It was Guji. AGAIN? Nakakunot-noo siya habang nakatingin sa akin. Pero teka nga, anong ginagawa ng mokong na ito dito? Dont tell me may ka-date siya dito sa park? Kung meron man, eh ano palang pakialam mo Alex? I looked behind his back, just to be sure kung may kasama siya. But his alone.  

     "Asa ka naman! Hindi no? Break-time kaya hello?" pagtataray ko sabay irap.

     Bigla ko kasing naalala ang last incident na magkasama kami. Yong natapunan niya ako ng tubig sa damit. Parang biglang namula ang pisngi ko. Naupo siya sa swing na katabi ko.

     "Nagtatanong lang ako. Napaka defensive mo naman."

     He looked around and say nothing. Weird. 

     "Why are you here? Baka naman ikaw itong nag ka-cutting-classes diyan, ituturo mo pa ako." i said.

     "C'mon, not my line girl. Tsaka sabi mo nga break-time diba?"

     "Oh eh bakit ka pala nandito?" Ayan na naman po siya sa girl-thing na iyan. Amp.

     "Hindi ko alam na masama na pala ngayong mapagawi sa park na ito. Parang hindi ako nainform. Anyway, i was looking for you kanina pa. Nakita kita kaninang tumatakbo from cafeteria kaya sinundan kita."

     HUH? Hinahanap niya raw ako kanina pa? Bakit? Ano na namang kasalanan ang ginawa ko sa kanya? At saka nakita niya ako kanina sa cafeteria? My my my, baka nakita niya pa akong nakipagsabunutan, hala! Nakakahiya! :(

     "Bakit mo ako hinahanap? Ano na namang ginawa ko sayo aber?!" pagtataray ko para mapagtakpan ang hiya na nararamdama ko.

     "Ang sungit mo, isusuli ko lang ito" At nilabas niya sa bulsa ang panyo na hinablot niya sa akin noong una kaming magkita. Maayos itong nakatupi nang iabot niya sa akin.

     "Awww.. s-salamat." sabay kuha sa panyo. Tumayo na ito at nagsimulang maglakad palayo pero huminto ito at lumingon  ulit sa gawi ko.

     "Just one more thing.." anito. Napatingin ako sa mukha niyang napakaseryoso ng dating. "wag na wag kang makikipag away sa ibang tao dahil lang sa isang lalaki. Ang pangit tingnan lalo na't babae ka. It's just a boy. Marami pang iba diyan na mas deserving. Find someone who will fight for you, hindi iyong siya pa iyong gagawa ng way para may makaaway ka. Dahil kung talagang mahal ka niya he won't let someone hurt you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE HAS COME MY WAY ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon