ALEX POV :
Tahimik akong kumakain habang hinintay sina Jella at Steff sa cafeteria.Pumunta sila saglit sa restroom para magretouch. Mga babae nga naman. Medyo marami-rami na rin ang mga estudyanteng kumakain ng magpalinga-linga ako sa buong paligid.Lahat ay abala sa kani-kanilang pagkain at sa pakikipagkwentuhan sa kanilang mga katabi. Napagawi ako sa pinto ng cafeteria at namataan ko ang isang grupo ng mga estudyante na papasok. Nagtatawanan silang lahat. Bakas ang katuwaan sa kanilang mga mukha sa kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara nang mapagsino ko ang dalawang nilalang na magkaakbay na pumasok habang masayang nagtatawanan. Sina Jack at Andrea.
ANG MGA WALANG HIYA! WHOOOA!
Napawi ang ngiti na nakapaskil sa mukha ni Jack nang mapagawi ang tingin nya sa direksyon ko. I hold my breath. Agad itong napansin ni Andrea kaya sinundan nya ng tingin ang direksyong pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Jack. I dont know kung guni-guni ko lang pero nakita kong umiba ang hitsura ng bruha. I saw her face with an expression which very apalling.
JEALOUSY. At bakit siya magseselos eh im not with Jack na anymore, although wala kaming formal break-up, she should know that im not a fan of cheating.
Ibinalik ko ang atensiyon ko sa pagkain. Mawawalan lang ako ng ganang kumain kapag patuloy ko silang tiningnan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.
GOD NASAAN NA BA KASi KAYO STEFF?
"Hi Alex!" It was Andrea. Nakita kong magkaholding hands sila ni Jack nang lumapit sakin. Tiningnan ko sila with blank expression. Nakapaskil sa mukha nila ang malahudas na ngti.
"So how are you?" tanong ulit ng lukaret.
Seryoso tinatanong niya ako kung kamusta ako? The nerve!! Pagkatapos niyang agawin sakin ang boyfriend ko tatanungin niya ako kung kamusta ako!!!? Tangina lang ng pagmumukha neto eh! Makapal masyado.
"What do you want,Andrea?" i asked blankly.
"Wala naman. Bakit masama na ba ngayon kamustahin ang isang kaibigan?" she said sarcastically. Duhh! Kaibigan!? No freaking way! Hindi pa nakuntento at yumakap pa ang bruha sa hips ni Jack. Ang sarap nilang pag untugin. Oh sige ako na ang bitter. Bakit ba?
"Kaibigan!? Im not sure about that word anymore Andrea. Siguro dati kaya ko pang tawagin kang isang kaibigan, but now? Sorry pero wala kasi talaga akong kaibigan na nangtatalo ng boyfriend ng iba."
I saw kung paanong namutla ang mukha ng gaga. Hahaha :D
"Huh!? Ako nangtalo ng boyfriend ng iba? Fyi Alex hindi ko tinalo ang boyfriend mo dahil siya mismo ang unang umaming mahal nya ako."
"I doubt it Andrea. I knew you for being such a whore. Malay ko ba kung sinadya mong akitin ang boyfriend ko para mafall siya sayo at iwan ako. I can say you're very good at that craft. Alam ko namang matagal mo nang pinapantasya yang boyfriend ko even before."
"How dare you to say that to me! Im not a whore. Bawiin mo ang sinabi mo kung hindi magsisisi ka."
"Bakit ko babawiin eh iyon naman talaga ang totoo?" I saw some students na tumigil na sa kanilang pakikipagkwentuhan at nakikiusyuso na sa pinagtatalunan namin ni Andrea. Ang iba ay hindi na rin nagsisipagkain dahil naagaw na rin namin ang atensiyon nila. Great students! Kahit kailan mga chismoso at chismosa!
"Bitch!"
Lumapit sa akin si Andrea at hinila ang mahaba kung buhok. Sumakit agad ang anit ko dahil sa tindi ng pagkakasabunot niya. Shit ang bilis niya. Nakita kong parang natulala pa si Jack dahil nagpapambuno na kami sa harapan niya. This stupid bastard, wala ba siyang balak na awatin ang girlfriend niya? Pati mga kaibigan ni Andrea parang tuwang-tuwa pa habang nakatingin lang sa amin. May iba na parang nagchi-cheer pa. Oh baka nga nagpupustahan pa sila. Wew. Nice friends huh? Nagawa kong maabot ang buhok ni Andrea. Nanggigigil na ako kaya napalakas na ang pagkakasabunot ko sa kanya. Narinig ko siyang napatili sa sakit.
"You bitch! Let go of my hair!" sigaw nito. Doon lang parang natauhan si Jack. Agad siyang pumagitna sa aming dalawa ni Andrea. PInipilit niya kaming paghiwalayin.
"Stop it Alex!" sigaw ni Jack. "Bitiwan mo si Andrea!" Wow, ako pa talaga ang pinapatigil niya? BAkit ako ba ang nagumpisa ng gulong ito?
"Oh my god,Alex! What's happening here?! Gulat na gulat ang expression ng mga muka nina Jella nang maabutan kami ni Andrea na nagsasabunutan habang umaawat si Jack. Patakbo silang lumapit at tumulong na sa pag awat samin. Naaasar talaga ako kaya lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ng bruha. Narinig ko ulit ang pagtili niya dahil sa ginawa ko.
"I said stop it Alex! Nasasaktan mo na si Andrea!" sigaw ni Jack sabay tulak sa akin. Nasasaktan si Andrea? Tingin niya hindi ako nasasaktan sa pinapakita niyang concern kay Andrea kesa sakin? Anong akala niya sa akin, BATO? Nabitiwan ko ang buhok ni Andrea at muntik na akong mapaupo sa sahig. Shit malakas iyon ah? Buti nalang napakapit agad ako sa isang mesa kundi tatama sana ang balikat ko sa isang kanto ng upuang kahoy.
Tinulak ako ni Jack. Tinulak ako ni Jack. Tinulak ako ni Jack? Sa loob ng isang taon naming pinagsamahan hindi ko matandaan na sinaktan niya ako physically. Ngayon palang. Ngayon palang dahil sa babaeng ito? At talagang na kay Andrea ang buong simpatya niya. Doon ako nanlumo. PArang unti-unti akong nanghina. Nilapitan agad ako ng dalawa kong kaibigan.
"Are you okay alex?! God ano bang nangyari?" nag-aalala nilang tanong. Pinipilit kong wag umiyak sa harap nila kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Yakap-yakap ni Jack si Andrea habang kunwari'y umiiyak naman ang loka-loka. Pwede na siyang maging artista dahil sa galing niyang umarte. Alam ko namang nagdidiwang ang loob nya dahil mas kinampihan siya ng walang-hiya niyang boyfriend, ampp.
"Hindi pa tayo tapos Alex. You'll pay for this." Nagbanta pa ang lukaret. As if matatakot niya ako.
"Enough Andrea! Hindi kapa kontento? Na sayo na si Jack ano pa ba ang pinaglalaban mo? Hindi pa ba sapat na inagaw mo siya sa kaibigan mo?" si Steff. "Kung natatakot kang maagaw ulit sayo yang boyfriend mo, itali mo siya dyan sa bewang mo para di makawala! Sabagay, di na ako magtataka dahil sabi nga nila kapag nang agaw ka ng pag-aari ng iba, constant fear mo na na baka maagaw din siya sayo ng iba."
Andrea looked Steff angrily. Inakay na ni Jack si Andrea palabas ng cafeteria. Himalang wala man lang prof or guard na nakakita sa pag-aaway namin. Pero okay na rin iyon. Kesa masuspende pa ako dahil sa bruhang iyon. Dahan-dahan akong naupo sa isang upuan habang inaayos ko ang sarili ko. Unti-unti na ring nagsipagbalik ang mga estudyante sa kani-kanilang ginagawa.
"I can't believe it. What happened while we're gone Alex?" tinabihan ako ni Jella habang hinihimas niya ang likod ko. Lumapit na rin si Steff para i-comfort ako. Hindi ako umimik. Deep inside ang sakit na talaga ng loob ko. Gusto ko nang umiyak. Masakit eh. Nasasaktan ako hindi dahil sa mga sabunot na natanggap ko mula kay Andrea kundi dahil sa nakita kong concern ni Jack sa babaeng iyon over me. Ganoon lang pala talaga iyon. After almost one year, parang ang bilis lang talagang mawala ng pagmamahal niya sakin. After all that we've been through, ganito niya lang akong tratuhin. That STUPID MORON! Tumayo ako at dali-daling lumabas ng cafeteria. Tumakbo ako nang tumakbo kahit wala naman eksaktong direksiyon kung saan pupunta ang mga paa ko. Hinayaan kong makawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
============================================================================
![](https://img.wattpad.com/cover/8388320-288-k63531.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE HAS COME MY WAY ;)
RomanceTo fall inlove is awfully simple, but to fall out of love is simply awful. Especially when you are the one who wanted the relationship to lasts. Mending a broken heart is never easy.There is no quick way to stop your heart from hurting so much.