Mahirap mabuhay kapag nawalan ka ng mahal sa buhay. Pero iyon din ang isa sa naging dahilan ko kung bakit gusto ko pang ipagpatuloy ang buhay ko lalo na noong binitawan ko ang pangako ko para sa kaniya. Isa siya sa mga taong mahalaga sa buhay ko at iyon ang tatay ko. Naging malungkot man ang buhay ko noong panahon na iyon. Unti-unting itong naibsan dahil sa mga kaibigan ko na tumulong sa akin at syempre ang isang larong nagpabago sa buhay ko.
Hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Shuriken Velasquez pero Shu ang tawag nila sakin, labing-anim na taong gulang, ipinanganak noong Ika-26 ng Marso at isang manlalaro sa larong Cross Fire.
Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at nakahiga sa kama ko. Parating ganto lang ako sa bahay. Kain at tulog lang dahil pinipili kong dumistansya sa larong kinahumalingan ko na siyang nagpabago ng takbo ng buhay ko. Matagal na panahon na rin noong nangyari ang masakit na nakaraan na iyon pero ngayon ay naging ayos nako at medyo bumabalik na ulit ako sa dati.
Ano kayang magandang gawin?.
Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napagdesisyunan ko na lang na lumabas ng bahay. At doon nakita ko sila Alex, Rence, at Nery na nka upo sa may tambayan namin kila ate Ana
Magandang umaga team. Bati ko sabay apir sa kanila.
Morning din pre. Oo nga pala sabay tayo mag enroll Shu dahil malapit na ang pasukan, minsan ka na lang namin makasama eh. Sabi ni Nery
Oo nga pala, magfo fourth year highschool na kami ni Nery sa pasukan samantala yung dalawa naman na sina Alex at Rence ay mag third year na.
Anong balak mo Shu hindi ka pa babalik sa clan naten?. Tanong ni Rence. Ilang araw kana ding hindi naglalaro ng CF (cross fire).
Oo nga naman Shu. Hindi kami sanay na walang magaling sa grupo. Sabi ni Nery.
Hindi naman ako magaling eh sadyang marunong lang kayong sumunod sa sinasabi ko kaya tayo nananalo. Sabi ko sa kanila
Paano na yung clan naten na Spartans idi disband mo na ba?. Singit ni Alex.
Ilang taon na ang lumipas mula ng bumuo ako ng sariling grupo na binubuo lang ng lima hanggang sampung miyembro. Pinangalanan ko iyong Spartans at ako ang naging Clan Master nito. Pero hindi katagalan nagsi alisan din ang ibang kasali at kaming apat na lang ang natira.
Hindi ko ibaban yun noh marami tayong pinaghirapang laban para sa clan tapos ganun ganun lang?. Sagot ko.
Eh kailan ka babalik?. Tanong ni Alex
Hindi pako sigurado eh pero kayo muna ang bahala sa clan okay ba?.
BINABASA MO ANG
Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]
Sci-fiRank#7 ( 01/13/17 ) Rank#5 ( 01-19-17 ) In Sci-Fi Noong 2010 may tatlumpong tao ang kinilala bilang 30 Acer dahil sa galing nila sa paglalaro. At sa tatlumpo na iyon ay may isang batang nagngangalang Shuriken ang nakapasok dahil sa pambihira niton...