Mantha's POV
Nandito pa din ako ngayon sa kwarto ko. Tumigil na din ako sa kakaiyak ko halos nabuhos ko na din kanina eh.
Tumayo ako mula sa kama ko at pumunta sa harap ng salamin. Nung nakita ko ang sarili ko sa salamin parang takas ako sa mental dahil sa itsura ko. Magulong buhok at namumugtong mga mata medyo namumula pa nga eh , mukha akong adik sa itsura ko ngayon. May bigla nmang kumatok sa pinto ng kwarto ko.
*tok* *tok* *tok*
Mantha hindi ka pa ba kakain ?? Nakahain na yung pagkain sa baba!. Rinig kong sabi ni Kyle. Hindi ako sumagot bagkus inayos ko na lang ang sarili ko.
Hindi nako nakarinig pa ng boses sa kabilang pinto kaya't tinitigan ko na lang ang sarili ko sa salamin. Bigla ko nanamang naalala ang sinabi ni Shu sakin.
Napailing ako at kinalimutan agad ang bagay na iyon. At muling humarap sa salamin. Napansin kong may mga luha pa sa gilid ng nga mata ko kaya pinunasan ko ito.
Anu ka ba Mantha wag mo ng alalahanin yun.... Tignan mo nga iyang sarili mo halos magmukha ka ng baliw sa kakaiyak mo..... Kailangan mong mag move on okay ??..... Para din sa sarili mo
Huminga ako ng malalim at naalala ko naman yung Cursed Gear ko kaya napatingin ako sa Table ko malapit sa kama kung saan katabi nito ang alarm clock ko.
Sa tingin ko sa bagay na yun ako magsisimula. Sambit ko habang nakatingin sa Gear ko.
Nagtungo nako ng banyo dahil medyo naasiwa ako sa itsura ko. Naligo , tootbrush etc. Pagkatapos ay nagbihis lang ako ng pambahay. Tumungo ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Pagkatapos nun ay lumabas nako ng kwarto at bumaba papuntang kusina.
Nadatnan ko nman doon si Kyle na kumakain at nung napansin niya ko ay inaya agad ako nito.
Oh pinsan , tara na sabay na tayo kakasimula ko pa lang nman eh. Kyle habang hawak yung kobyertos.
Di ako sumagot at tumungo na sa lamesa at umupo. May nakahanda na din namang plato at kobyertos sa mesa kaya wala ng problema. Kumuha ako ng kanin at ulam pero bago ko simulan ang pagkain ay tinanong ko muna si Kyle tungkol kay Papa para may pag usapan kami.
Kamusta na nga pala si Papa. Malumanay kong sabi at sinimulan ko ng sumubo ng kanin na may ulam.
Nasa business trip daw siya sa pagkakatanda ko , may nag alok daw kasi sa kaniya na isang corporation dito sa pilipinas. Tugon ni Kyle at pinagpatuloy ang pagkain.
Di ba siya tumawag or nag message man lang ??. Agad kong tanong.
Hmmm. Kyle at parang may inaalalang bagay. Tama yun naalala ko na , tumawag sakin tito nung Last week kinamusta ka naman niya may pasok ka din nung araw na yun at nga pala nag padala din sakin si Tito ng perang panggastos natin.
BINABASA MO ANG
Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]
Bilim KurguRank#7 ( 01/13/17 ) Rank#5 ( 01-19-17 ) In Sci-Fi Noong 2010 may tatlumpong tao ang kinilala bilang 30 Acer dahil sa galing nila sa paglalaro. At sa tatlumpo na iyon ay may isang batang nagngangalang Shuriken ang nakapasok dahil sa pambihira niton...